Valderice
Ang Valderice (Siciliano: Valdèrici) ay isang bayan at comune (komuna o munisipalidad) sa Malayang Konsorsiyong Komunal ng Trapani, rehiyon ng Sicilia, Katimugang Italya. Matatagpuan ang lungsod sa panloob, malapit sa kabeserang lungsod ng Trapani, ngunit kabilang din ang isang dalamapsihgang frazione, ang Bonagia, sa teritoryo nito.
Valderice | |
---|---|
Comune di Valderice | |
Mga koordinado: 38°3′N 12°37′E / 38.050°N 12.617°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Sicilia |
Lalawigan | Trapani (TP) |
Mga frazione | Bonagia, Sant'Andrea, Crocevie, Lentina, Casalbianco, Chiesanuova, Crocci, Lenzi |
Pamahalaan | |
• Mayor | Francesco Stabile |
Lawak | |
• Kabuuan | 52.96 km2 (20.45 milya kuwadrado) |
Taas | 240 m (790 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 12,253 |
• Kapal | 230/km2 (600/milya kuwadrado) |
Demonym | Valdericini |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 91019 |
Kodigo sa pagpihit | 0923 |
Websayt | Opisyal na website |
Dati na tinatawag na Paparella, nilikha ang comune kasunod ng paghahati ng comune ng Monte San Giuliano, na naglalaman ng Erice, Custonaci, at Buseto Palizzolo, gayundin ang Valderice. Ito ang punong comune ng limang Elimo-ericini communi at ang pinakamatao sa kanila; ito ang ikawalong may pinakamataong comune sa malayang konsorsiyong komunal.
Naglalaman ang Valderice ng ilang magagandang lugar: burol, kakahuyan, dalampasigan, talampas sa dagat, at kanayunan. May tatlong resort sa dalampasigan: Bonagia, Lido Valderice, at dalampasigang Rio Forgia.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)