(Translated by https://www.hiragana.jp/)
Paolo Ballesteros says he prepared for gay role by watching drag queens, learning their dance moves, and playing dress-up | PEP.ph

Paolo Ballesteros says he prepared for gay role by watching drag queens, learning their dance moves, and playing dress-up

"Masakit sa katawan talaga. Lalo na sa paa," Paolo says about his role as Vodka.
by Ruel J. Mendoza
Published Feb 12, 2011
Tila kina-reer na ni Paolo Ballesteros ang kanyang gay role sa teleserye na I ♥ You Pare. Nagtodo-shopping na ito ng mga bonggang shoes at outfit. "Most of the costumes ko sa [sa teleserye] ay sa akin. Talagang bumili ako... Tulad ng tops, mga leggings, stockings at mga high-heel shoes... Natatawa nga yung mga sales ladies sa malls kapag nagsusukat ako ng mga sapatos. Sinasabi ko naman na para sa role ko sa I ♥ You Pare

Sa mismong Valentine's Day sa Lunes (February 14) ang unang paglabas ni Paolo Ballesteros bilang ang kontrabidang bading na si Vodka sa romantic-comedy series ng GMA-7 na I ♥ You Pare kunsaan bida sila Regine Velasquez-Alcasid at Dingdong Dantes.

Excited na nga si Paolo na mapanood ang kanyang mga pinaggagawa sa naturang series bilang isang drag queen na aapihin at pagmamalupitan si Tonya (played by Mrs. Regine Alcasid) na nagpapanggap na isang bading.

Kuwento nga ni Paolo sa aming panayam sa kanya sa set sa Marikina na tuwing may eksena siyang tinatarayan niya sila Regine at Tirso Cruz III ay kinakabahan siya. Mataas daw kasi ang respeto niya sa mga ito kaya hangga't maaari ay magsu-sorry siya parati pagkatapos ng kanilang mga eksena.

"Sa totoo lang, nahihiya talaga ako," diin ni Paolo. "Kasi nga, Regine Velasquez at Tirso Cruz III ang tinatarayan ko sa series. Tapos si Ate Regine, dinuduro-duro ko pa at binabatuk-batukan ko. Parang puwede ko bang gawin 'yan sa tulad niya in real life? Hindi, 'di ba? Kaya panay ang sorry ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kahit kay Tito Pip, kapag tinatarayan ko, sa loob-loob ko ay nanliliit ako. Hindi ko nakakalimutan ang mag-sorry sa kanila. Kilala n'yo naman ako, ayoko nang may masasabi silang hindi maganda sa akin at sa trabaho ko."

Wala naman daw issue pareho kina Regine at Kuya Pip ang mga eksena nila with Paolo. Trabaho naman daw ang lahat at gusto nga raw nila ang pag-handle ni Paolo ng kanyang character bilang maldita at mayabang na drag queen.

"Natatawa si Ate Regine sa akin. Bakit daw ako magsu-sorry, e kasama iyon sa work namin. Gusto nga raw niya na mas vicious pa ako. [Sana] lagpas pa raw kay Cherie Gil!" sabay tawa ni Paolo.

"Nakakabilib nga si Ate Regine kasi pumapayag siyang pinipisikal siya. Hiyang-hiya nga ako kapag tinutulak ko siya or nababatukan ko siya. Okey lang daw, huwag lang daw malakas. Baka raw pine-personal ko na ang eksena!" tawa pa niya ulit.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Inaamin nga ni Paolo na super-enjoy siya sa kanyang pagganap bilang si Vodka. Noong inalok nga sa kanya ang role na ito, hindi na raw siya nagdalawang-isip dahil alam niyang kakaiba ang gagampanan niya.

"Actually, nakapag-drag na ako before sa Zaido: Pulis Pangkalawakan as Ida. Pero yun naman, character talaga sa story. Sci-fi adventure naman iyon. Tapos sa Eat Bulaga! naman, nagda-drag din ako kapag may mga special episodes kami.

"Playing gay naman, nagawa ko na before sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang at isang episode ng Love To Love noon. Napansin ko nga, wala akong ginampanan na normal sa mga series na kasama ako. Sa Dyesebel, isa akong lalakeng sirena. Tapos sa The Last Prince, wizard naman ako.

"Dito lang sa I ♥ You Pare na normal akong tao pero abnormal pa rin!" tawa niya. "Anyway, enjoy naman ako doing these kinds of roles. Challenging and at the same time, you are working with great actors. Kaya kina-career natin ang lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KINKY SHOES. Para nga raw maihanda ni Paolo ang kanyang sarili sa role na drag queen, nanood daw talaga siya ng mga shows ng mga drag queens. Inaral daw niya ang mga sayaw at pati ang costume ay pinagkaabalahan niya.

"Most of the costumes ko sa I ♥ You Pare ay sa akin. Talagang bumili ako. Sabi ko naman sa inyo, kina-career ko, e," ngiti pa niya.

"Tulad ng tops, mga leggings, stockings at mga high-heel shoes, bumili ako. Iba na kasi yung alam mo na sukat sa iyo, lalo na ang sapatos, para kumportable.

"Natatawa nga yung mga sales ladies sa malls kapag nagsusukat ako ng mga sapatos. Sinasabi ko naman na para sa role ko sa I ♥ You Pare. Hindi ko naman personal na gagamitin sa mga gimik."

Nahirapan nga raw si Paolo sa pagusot ng ilang costumes para sa series. Kailangan daw kasing walang bumakat sa kanyang crotch area kaya dapat matuto siyang mag-ipit nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Masakit pala!" malakas na tawa niya. "Just imagine kung ilang oras siyang nakaipit. Tapos may dance rehearsal pa kami na medyo matagal, then the actual take. Manhid na siya after ng taping!

"Kaya tumaas ang respeto ko sa mga drag queens. Hindi naman pala madali. Kung akala nila madali, hindi po! Ngayon may alam na akong technique kung paano siya maiipit na di masyadong masakit. Kumbaga, na-perfect ko na yung pinakaimportanteng bagay na iyon."

Nahirapan din daw si Paolo sa dance numbers. Mga professional drag performers daw kasi ang mga kasama nila at sanay na ang mga ito na sumayaw wearing 4- to 5-inch heels.

"Masakit sa katawan talaga. Lalo na sa paa. Nagugulat ako kung paano sila nakakatagal. Talagang career ito para sa kanila. Ang gagaling nila. Ako nga, isang oras pa lang na naka-heels, gusto ko nang hubarin. What more na isasayaw mo pa iyon?

"Kaya noong umpisa nakikiusap ako na medyo hinay-hinay sa mga dance numbers kasi nga hindi ako sanay mag-dance in high heels talaga. Pero noong magtagal, nakakasabay na ako nang maayos. Pero kailangan ko pa rin ipahinga ang mga paa ko kasi sobrang sakit talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DEATH IN THE FAMILY. Nang kumustahin namin ang ama ni Paolo na si Mr. Elito Ballesteros na nasa US at may sakit, binalita nga niyang sumakabilang-buhay na ito may dalawang taon nang nakakaraan. Hindi na raw ito pinaalam ni Paolo dahil gusto niyang maging private family matter na lang iyon.

Natandaan namin na January 2008 nang lumipad patungong New York City si Paolo para bisitahin ang kanyang amang may malubhang sakit na Dysplastic Anemia. Isa itong sakit sa bone marrow na nagdadala ng kumplikasyon sa dugo.

Inamin noon ni Paolo na matagal na siyang may tampo sa kanyang ama nang iwan sila nito at magkaroon ng ibang pamilya sa US. Binalitaan lang siya ng kanyang kapatid na nasa New York City tungkol sa kalagayan ng kanyang ama.

Mabilis ngang lumipad patungong NYC si Paolo para makita ang amang may sakit. Noong magkita raw sila nito ay bigla raw sumigla ang pakiramdam nito at parang nagdahilan lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero malungkot ngang kinuwento ni Paolo na after na mag-bonding silang mag-ama, alam niyang hindi na rin daw magtatagal ito.

"That was two years ago pa. Hindi ko na kinuwento sa maraming tao or sa media ang nangyari sa dad ko. Gusto namin na tahimik na lang.

"Natuwa naman ako na noong puntahan ko siya sa NYC, bigla siyang bumuti nang konti. Parang hinintay lang niya akong makita. Matagal pa kaming nagkasama kasi tinuloy ko na ang bakasyon ko doon with him.

"Kaso noong pag-uwi ko sa Pilipinas, after a few more months, nagkasakit ulit siya. I know naman kasi ang kalagayan ni dad. Marami na siyang kumplikasyon sa katawan because of his ailment. I was happy na nagkaroon pa ako ng chance to talk and make things better between us."

GETTING TO KNOW LOLO. Ang maganda nga raw ay nakita pa raw ng daddy ni Paolo ang kanyang anak na si Keira Claire.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Before magpaalam si daddy, nakita pa niya ang apo niya. Natuwa nga siya kasi gandang-ganda siya kay Keira. Nanghinayang lang ako because hindi na niya nakitang lumaki ang apo niya. And my daughter will never get to meet her lolo. It's up to me na magkuwento na lang sa kanya kung sino ang lolo niya."

Nasa Arizona nga raw ngayon ang two-year old daughter ni Paolo kasama ang ina nito.

"Two years old na siya. Last September 2010, nandito siya sa Pilipinas. Sa Baguio sila nag-stay kapag nagbabakasyon sila ng mommy niya. Kaya pinupuntahan ko pa sila roon para makasama ko si Keira.

"I plan na puntahan sila sa Arizona. Pero wala pa tayong ipon, e. Kaya trabaho muna tayo. Mabuti na lang at dumating itong I ♥ You Pare. Makakaipon ako ng pamasahe para mabisita ko ang baby ko."

Kung sakaling buhay pa raw ang father ni Paolo, ano kaya ang masasabi nito sa kanyang pagganap bilang isang drag queen?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kung buhay si daddy? Siguro sasabihin niya, 'Anak, ang ganda mo pala!'" natatawang pagtatapos pa ni Paolo Ballesteros.

Read Next
Read More Stories About
Paolo Ballesteros
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tila kina-reer na ni Paolo Ballesteros ang kanyang gay role sa teleserye na I ♥ You Pare. Nagtodo-shopping na ito ng mga bonggang shoes at outfit. "Most of the costumes ko sa [sa teleserye] ay sa akin. Talagang bumili ako... Tulad ng tops, mga leggings, stockings at mga high-heel shoes... Natatawa nga yung mga sales ladies sa malls kapag nagsusukat ako ng mga sapatos. Sinasabi ko naman na para sa role ko sa I ♥ You Pare
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results