(Translated by https://www.hiragana.jp/)
Ben-Hur (pelikula ng 1959): Pagkakaiba sa mga binago - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Ben-Hur (pelikula ng 1959): Pagkakaiba sa mga binago

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Content deleted Content added
No edit summary
No edit summary
Linya 5: Linya 5:
| image = Ben hur 1959 poster.jpg
| image = Ben hur 1959 poster.jpg
| image_size =
| image_size =
| caption = original na poster ni [[Reynold Brown]]
| caption = original na poster ni Reynold Brown
| screenplay = [[Karl Tunberg]]
| screenplay = Karl Tunberg
| based on = ''[[Ben-Hur: A Tale of the Christ]]'' by [[Lew Wallace]]
| based on = ''[[Ben-Hur: A Tale of the Christ]]'' ni [[Lew Wallace]]
| narrator = [[Finlay Currie]]
| narrator = Finlay Currie
| starring = [[Charlton Heston]]
[[Jack Hawkins]]
[[Haya Harareet]]
[[Stephen Boyd]]
[[Hugh Griffith]]
| starring = [[Charlton Heston]]
[[Jack Hawkins]]
[[Haya Harareet]]
[[Stephen Boyd]]
[[Hugh Griffith]]
| director = [[William Wyler]]
| director = William Wyler
| producer = [[Sam Zimbalist]]
| producer = Sam Zimbalist
| music = [[Miklós Rózsa]]
| music = Miklós Rózsa
| cinematography = [[Robert L. Surtees]]
| cinematography = Robert L. Surtees
| editing = John Dunning
Ralph E. Winters
| editing = John Dunning
Ralph E. Winters
| studio = [[Metro-Goldwyn-Mayer]]
| studio = Metro-Goldwyn-Mayer
| distributor = Loews Cineplex Entertainment|Loew's Inc.<ref>{{cite web |title=Ben-Hur |work=[[The American Film Institute Catalog of Motion Pictures]] |publisher=[[American Film Institute]] |url=http://www.afi.com/members/catalog/DetailView.aspx?s=&Movie=52827 |accessdate=July 6, 2013 |quote=Production Company: Metro-Goldwyn-Mayer Corp. (Loew's Inc.); Distribution Company: Loew's Inc.}}</ref>
| distributor = Loew's Cineplex Entertainment|Loew's Inc.<ref>{{cite web |title=Ben-Hur |work=[[The American Film Institute Catalog of Motion Pictures]] |publisher=[[American Film Institute]] |url=http://www.afi.com/members/catalog/DetailView.aspx?s=&Movie=52827 |accessdate=July 6, 2013 |quote=Production Company: Metro-Goldwyn-Mayer Corp. (Loew's Inc.); Distribution Company: Loew's Inc.}}</ref>
| released = {{Film date|1959|11|18}}
| released = {{Film date|1959|11|18}}
| runtime = 222 minutes
| runtime = 222 minuto
| country = United States
| country = Estados Unidos
| language = English
| language = Ingles
| budget = $15.2 million
| budget = $15.2 million
| gross = $146.9 million (initial release)
| gross = $146.9 million (unang labas)

Linya 40: Linya 40:

Matagumpay na pinetisyon ni Arrius kay Emperador [[Tiberius]] ([[George Relph]]) sa pagpapalaya kay Ben-Hur, at inampon ni Arrius si Ben-Hur. Makalipas ang isang taon, naging mayaman ulit si Ben-Hur at natutunan niya ang kultura ng mga Romano at naging isang kampeon na charioteer, ngunit umaasa niya ang kanyang pamilya mula sa Jerusalem .
Matagumpay na pinetisyon ni Arrius kay Emperador [[Tiberius]] ([[George Relph]]) sa pagpapalaya kay Ben-Hur, at inampon ni Arrius si Ben-Hur. Makalipas ang isang taon, naging mayaman ulit si Ben-Hur at natutunan niya ang kultura ng mga Romano at naging isang kampeon na charioteer, ngunit umaasa niya ang kanyang pamilya mula sa Jerusalem .
[[File:Hugh Griffith in Ben Hur (2).jpg|thumb|right|Hugh Griffith as Arab Sheik Ilderim]]
[[File:Hugh Griffith in Ben Hur (2).jpg|thumb|Hugh Griffith bilang ang Arabong si Sheik Ilderim]]

Bumalik si Ben-Hur sa Judea. Sa pagdaan niya nakilala si [[Tatlong Mago|Baltazar]] ([[Finlay Currie]]) at ang arabong si [[Sheik Ilderim]] ([[Hugh Griffith]]). Narinig ng sheikh ang kakayahan ni Ben-Hur bilang isang charioteer, at inalok niya si Ben-Hur na gamitin ang [[quadriga]] sa isang karera sa ilalim ng panauhin na si [[Poncio Pilato]] ([[Frank Thring]]), ang bagong gobernador ng Judea. Tinanggihan ni Ben-Hur ang karera kahit napag-alaman niya na sasabak si Messala.
Bumalik si Ben-Hur sa Judea. Sa pagdaan niya nakilala si [[Tatlong Mago|Baltazar]] ([[Finlay Currie]]) at ang arabong si [[Sheik Ilderim]] ([[Hugh Griffith]]). Narinig ng sheikh ang kakayahan ni Ben-Hur bilang isang charioteer, at inalok niya si Ben-Hur na gamitin ang [[quadriga]] sa isang karera sa ilalim ng panauhin na si [[Poncio Pilato]] ([[Frank Thring]]), ang bagong gobernador ng Judea. Tinanggihan ni Ben-Hur ang karera kahit napag-alaman niya na sasabak si Messala.

Pagbabago noong 18:44, 20 Hunyo 2015

Ben-Hur
original na poster ni Reynold Brown
DirektorWilliam Wyler
PrinodyusSam Zimbalist
IskripKarl Tunberg
Itinatampok sinaCharlton Heston
Jack Hawkins
Haya Harareet
Stephen Boyd
Hugh Griffith
Sinalaysay niFinlay Currie
MusikaMiklós Rózsa
SinematograpiyaRobert L. Surtees
In-edit niJohn Dunning
Ralph E. Winters
Produksiyon
Metro-Goldwyn-Mayer
TagapamahagiLoew's Cineplex Entertainment
Inilabas noong
• 18 Nobyembre 1959 (1959-11-18)
Haba
222 minuto
BansaEstados Unidos
WikaIngles
Badyet$15.2 million
Kita$146.9 million (unang labas)

Ang Ben-Hur ay isang epikong pelikula ng 1959 sa direkyon ni William Wyler, at prinodyus ni Sam Zimbalist para sa Metro-Goldwyn-Mayer. Pinangngunahan ang pelikulang ito nina Charlton Heston (na ginawaran ng Pinakamahusay na Pagganap sa Pangunahing Aktor sa Gawad Oscar o Academy Awards), Stephen Boyd, Haya Harareet, Jack Hawkins, at Hugh Griffith (na ginawaran ng Pinakamahusay na Pagganap sa Pansuportang Aktor sa mismong gawad). Ang pelikulang ito ay hango sa nobelang "Ben-Hur: A Tale of the Christ" (Isang Salaysay ng Kristo) na isinulat ni Gen. Lew Wallace.

Ang "Ben-Hur" ay ginawaran ng 11 Gawad Oscar, kabilang ang Pinakamahusay na Pelikula, Pinakamahusay na Direksyon, Pangunahing Aktor, Pansuportang Aktor, at Pinakamahusay na Sinematograpiya[2]. Ang bilang ng mga gawad ay pinantayan ng Titanic (1997) at Lord of the Rings: The Return of the King (kung saan lahat ng nominasyon ay panalo noong 2003). Panalo din ang pelikulang ito ng tatlong gawad na Golden Globe-Pinakamahusay na Pelikula (Drama), Pinakamahusay na Direktor at Pinakamahusay na Pansuportang Aktor (na tinanggap ni Stephen Boyd).

Sa kasalukuyan, kabilang ang pelikulang ito bilang isa sa mga pinakamalaking pelikula na prinodyus, kung saan naging isa sa mga pinakamahal na produksyon noong 1959 sa halagang $15.2 milyon at kumita ng $146.9 milyon sa unang palabas nito. Kilala ang pelikulang ito sa isang eksena ng paligsahan ng mga karwahe (chariots) kung saan magkatunggali sina Ben-Hur at Messala na dating magkaibigan sa kanilang kabataan na naging kaaway dahil sa sitwasyon ng mga Hudyo na sakop ng Imperyong Romano.

Sinopsis

Noong AD 26, si Judah Ben-Hur (Charlton Heston) ay isang mayamang prinsipe at mangalakal sa Jerusalem, kasama ang inang si Miriam (Martha Scott); ang kanyang kapatid na si Tirzah (Cathy O'Donnell); ang kanilang alalay na si Simonides (Sam Jaffe) at ang kanyang anak na si Esther (Haya Harareet), na umibig kay Ben-Hur. Ang kanyang kababatang kaibigan, ang Romanong si Messala (Stephen Boyd), ay isang tribune ng militar. Matapos ng ilang taon sa labas ng Jerusalem, si Messala ay nagbalik bilang bagong komandante ng lehiyong Romano. Naniwala si Messala sa tagumpay ng Roma at ang kapangyarihang imperiyal nito, habang si Ben-Hur ay deboto sa kanyang pananmpalataya at ang kalayaan ng mga Hudyo.

Charlton Heston bilang si Judah Ben-Hur

Nasa parada ng bagong gobernador na si Valerio Grato nang natangay ang isang piraso ng baldosa ng bubong mula sa tahanan ni Ben-Hur. Sa insidenteng ito halos napatay si Grato sa kanyang sinakyan na kabayo. Bagamat alam ni Messala na isang aksidente lamang, kinondena niya si Ben-Hur at ginawang alipin ng galeyon habang ang kanyang pamilya ay nasa piitan. Doon isinumpa ni Ben-Hur ang paghihiganti sa kanyang kaibigan na ngayo'y isang kaaway, na naging makapangyarihan ang Imperyong Romano sa bayan ng mga Hudyo.

Tatlong taong matapos nanungkulan bilang alipin sa galeyon, itinalaga si Ben-Hur sa kabandilaan ng Consul na Romano na si Quintus Arrius (Jack Hawkins), na nasakdal sa pagsira ng kanyang kabarkuhan ng mga piratang Macedones. Napahanga si Arrius kay Ben-Hur dahil sa kanyang determinasyon at pagiging disiplinado. Inalok ni Arrius kay Ben-Hur ang pagsasanay bilang gladiator o charioteer. Ngunit tinanggihan ni Ben-Hur ang alok, inihayag na babantayan siya ng Diyos sa kanyang paghahanap ng paghihiganti. Nang nakita ng kabarkuhang Romano ang mga Macedon, iniutos ni Arrius ang lahat na manggagaod na panatilihing nakaposas, maliban kay Ben-Hur. Nasira at naanod ang galeyon ni Arrius, ngunit pinalaya ni Ben-Hur ang ibang manggaod, at naligtas niya si Arrius. Inakala ni Arrius na natalo ang kanyang galeyon at nais niyang magpakamatay sa pagkatalo pero pinigilan ni Ben-Hur ang pagpaslang ni Arrius sa sarili. Doon nailigtas ang dalawa at naging dahilan ang dalawa sa matagumpay na digmaan laban sa mga Macedon.

Matagumpay na pinetisyon ni Arrius kay Emperador Tiberius (George Relph) sa pagpapalaya kay Ben-Hur, at inampon ni Arrius si Ben-Hur. Makalipas ang isang taon, naging mayaman ulit si Ben-Hur at natutunan niya ang kultura ng mga Romano at naging isang kampeon na charioteer, ngunit umaasa niya ang kanyang pamilya mula sa Jerusalem .

Hugh Griffith bilang ang Arabong si Sheik Ilderim

Bumalik si Ben-Hur sa Judea. Sa pagdaan niya nakilala si Baltazar (Finlay Currie) at ang arabong si Sheik Ilderim (Hugh Griffith). Narinig ng sheikh ang kakayahan ni Ben-Hur bilang isang charioteer, at inalok niya si Ben-Hur na gamitin ang quadriga sa isang karera sa ilalim ng panauhin na si Poncio Pilato (Frank Thring), ang bagong gobernador ng Judea. Tinanggihan ni Ben-Hur ang karera kahit napag-alaman niya na sasabak si Messala.

Bumalik si Ben-Hur sa kanyang tahanan sa Jerusalem. Nagkita sila ni Esther, na hindi na kayang magpakasal sa kanyang mapapangasawa. Ang tanging dahilan na ginawa ni Esther ay dahil mas minahal si Ben-Hur. Binisita ni Ben-Hur si Messala at kinailangan niya ang pagpapalaya ng kanyang ina at kapatid. Napag-alaman ng mga Romano na nahawa sina Miriam at Tirzah sa ketong at pinaalis sila mula sa Jerusalem. Humingi ang dalawa kay Esther na itago ang kanilang kondisyon kay Ben-Hur para isipin niya na namatay na sila. Doon nagbago ang isip ni Ben-Hur na sasabak sa isang karera bilang paghihiganti kay Messala hindi lamang sa kanya, kundi na rin sa pagtrato ng Imperyong Romano sa Judea.

Sa gitna ng karera, sinakyan ni Messala ang isang chariot na may patalim sa kanyang mga gulong para sirain ang mga chariot ng magkakatunggali, tinangka ni Messala na sirain ang chariot ni Ben-Hur ngunit napatay ang kanyang sarili. Nagtamo ng mga malalaking pinsala si Messala, habang panalo si Ben-Hur sa karera. Bago namatay, sinabi ni Messala kay Ben-Hur na "hindi pa tapos ang laban" at sa gayo'y mahanap ang kanyang pamilya "sa lambak ng mga ketungin, kung makikilala mo sila." Doon napag-alaman ni Ben-Hur na andoon nga sina Tirzah at Miriam.

Dahil responsibilidad ng utos Romano ang kapalaran ng kanyang pamilya, itinakwil ni Ben-Hur ang kanyang pagiging Romano. Dinala nina Ben-Hur at Esther sina Miriam at Tirzah para maipagaling kay Jesus, ngunit huli na ang lahat nang nahatulan si Jesus sa kamatayan sa krus. Nasaksihan ni Ben-Hur ang pagpako kay Jesus. Nang namatay si Jesus, ang Kanyang dugo ay dumaloy sa mga kapaligiran para sa kaligtasan. Doon ay himalang gumaling sina Miriam at Tirzah mula sa sakit. Bumalik si Ben-Hur sa kanyang tahanan at nakita niya si Esther. Naghayag si Ben-Hur na, "Naramadaman ko ang Kanyang (Jesus) tinig na alisin ang espada sa aking kamay." Doon muli nang nabuo si Ben-Hur, ang kanyang ina at kapatid, kasama si Esther.

Sa huling eksena makikita ang tatlong krus, kasama ang napadaang pastol na alaga ang kanyang mga tupa- isang metapor na ibig-sabihin na si Jesus ay Isang Mabuting Pastol.

Mga Nagsisiganap

Si Harareet ang tanging cast member na sa kasalukuyan ay buhay pa.

Mga Talasanggunian

1. "Ben-Hur". The American Film Institute Catalog of Motion Pictures. American Film Institute. Nakuha noong Hulyo 6, 2013. Production Company: Metro-Goldwyn-Mayer Corp. (Loew's Inc.); Distribution Company: Loew's Inc.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
2. https://www.oscars.org/oscars/ceremonies/1960