(Translated by https://www.hiragana.jp/)
Angkak: Pagkakaiba sa mga binago - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Angkak: Pagkakaiba sa mga binago

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Content deleted Content added
m robot dinagdag: af, ang, bg, gan, gl, hi, ko, ms, nn, ro, sah binago: ru, ta
AnakngAraw (usapan | ambag)
Linya 5: Linya 5:
Hinango ang salitang Ingles na ''cereal'' (katunog at kahawig ng ''sereales'') mula sa pangalang [[Ceres (mitolohiya)|Ceres]], isang diyosang nauna pa sa pagkakaroon ng [[Sinaunang Roma]]. Si Ceres ang diyosa ng ani at pagsasaka.
Hinango ang salitang Ingles na ''cereal'' (katunog at kahawig ng ''sereales'') mula sa pangalang [[Ceres (mitolohiya)|Ceres]], isang diyosang nauna pa sa pagkakaroon ng [[Sinaunang Roma]]. Si Ceres ang diyosa ng ani at pagsasaka.


==Sanggunian==
==Mga sanggunian==
{{reflist}}
{{reflist}}



Pagbabago noong 01:11, 13 Agosto 2009

Ilan mga produktong pagkain na nagmula sa mga angkak, katulad ng mga tinapay.
Isang mangkok ng pang-agahang angkak na katabi ang isang tasang kapeng inumin.

Ang angkak[1] o sereales[2] ay mga butil o halaman na karaniwang itinatanim, inaalagaan, at inaani para sa kanilang nakakaing mga bungang buto. Sa botanika, tinatawag itong mga bunga o "prutas" na pinangalanang karyopsis (o caryopsis). Sa kasalukuyang panahon, mas maramihan na ang pagtatanim ng mga angkak at nakapagbibigay ng enerhiyang pangkatawan at pangkalusugan sa buong mundo kaysa iba pang mga pananim. Samakatuwid, kasama sila sa mga pangunahing pagkain ng tao at hayop. Mapagkukunan sila ng mga karbohaydreyts. Sa ilang mga umuunlad na mga bansa, ang mga angkak ang halos bumubuo sa mga pang-araw-araw na inihahaing pagkain (agahan, tanghalian, meryenda at hapunan). Sa mga mauunlad na mga bansa, mas banayad at sari-sari ang pagkonsumo ngunit itinuturing pa ring mahalagang bahagi ng diyeta. Kabilang sa mga angkak ang mga halaman at bungang nagmumula sa mga trigo, palay, at iba pang katulad. Tinatawag ding sebada[3] at senteno ang mga angkak.[2] Kabilang din sa mga uri o produktong nagmula sa mga angkak ang mga otmil, ipa, darak, at ang mga lugaw na katulad ng tsamporado at mga katulad. Tinatawag na mga angkak na pang-agahan o sereales na pang-almusal ang mga angkak na kinakain tuwing oras ng pag-aagahan.

Hinango ang salitang Ingles na cereal (katunog at kahawig ng sereales) mula sa pangalang Ceres, isang diyosang nauna pa sa pagkakaroon ng Sinaunang Roma. Si Ceres ang diyosa ng ani at pagsasaka.

Mga sanggunian

  1. English, Leo James (1977). "Angkak, cereal". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Cereals,cereal, sereales, sebada, senteno, sereales ó mga halamang gaya ng trigo, sebada; senteno, (ibp), Tagalog English Dictionary, Bansa.org
  3. "Sebada," pananim na gaya ng palay, Tagalog English Dictionary, Bansa.org