(Translated by https://www.hiragana.jp/)
Ritong Romano - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Ritong Romano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 06:36, 20 Setyembre 2014 ni Namayan (usapan | ambag)
(iba) ←Lumang pagbabago | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bagong pagbabago→ (iba)
Altar ng Santa Cecilia sa Trastevere sa Roma, sa ayos noong 1700

Ang Ritong Romano ay ang ritong liturhikal na ginagamit ng Simbahang Katoliko sa Diyosesis ng Roma. Ito ang pinakalaganap sa mga Lating ritong liturhikal, na ginagamit ng mga Kanluranin o Latin na awtonomong simbahang partikular, isa sa 23 na buong komunyon sa Obispo ng Roma. Gaya ng iba pang ritong liturhikal, ang Ritong Romano ay lumawak at ginamit sa pagdaan ng mga siglo. Maaring hatiin ang Liturhiya ng Eukaristiya nito sa tatlong makasaysayang bahagi: Pre-Tridentina, Tridentina at Post-Tridentina.

Sa kaniyang Summorum Pontificum noong 2007, motu propriong inaprubahan ni Papa Benedicto XVI ang patuloy na paggamit ng Misal Romano ng 1962, na may ilang limitasyon – sa pagdiriwang ng misa sa sambayanan bilang ekstraordinaryong porma ng Ritong Romano.

Mga sanggunian