(Translated by https://www.hiragana.jp/)
Negosyo - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Negosyo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang negosyo ay isang gawain na bunga ng pagtaya ng isa o higit pang mga mangangalakal ng kanilang pawis, pag-iisip at salapi upang kumita at mapalago ng higit pa...



DFG

Mga uri ng negosyo

Maaaring i-uri ang negosyo sa maraming paraan. Sa mga akawntant, binibigyang diin ang uri nito ayon sa nag-mamay-ari. Sa mga ekonomista, inuuri ito ayon sa laki o dami ng puhunan. Sa mga nagtitinda (marketers),kinikilala ang mga negosyo ayon sa kanilang operasyon o pagpapalakad.

Tinutukoy ng karamihan sa mga legal na hurisdiksiyon ang mga anyo na kailangan kunin ng isang negosyo, at mayroon naisulong sa bawat uri ang isang katawan ng batas pangkalakalan (commercial). Kinabibilangan ng mga negosyong samahan (partnership), korporasyon (kilala din bilang kompanyang may hangganan ang responsibilidad), at negosyong may nag-iisang may-ari (sole proprietorship) ang mga ilang pangkaraniwang uri...

Iba't ibang pag-uuri

  • Ayon sa nagmamay-ari
    1. Isahang pagmamay-ari (single proprietorship)
    2. Sosyohan (partnership)
    3. Korporasyon (corporation)
    4. kooperatiba (cooperative)
  • Ayon sa laki ng puhunan
    1. Mikro-negosyo (Micro-business)
    2. Maliit na negosyo (Small scale business)
    3. Negosyong katamtaman ang laki (Medium scale business)
    4. Malaking negosyo (Large scale business)
  • Ayon sa Operasyon
    1. Produksiyon (Manufacturing)
    2. Serbisyo (Service)
    3. Tingian (Retail)
    4. Distributor/Pakyawan (Distributor/Wholesale)

Pagpapatakbo ng negosyo

Mga kinakailangan ng karaniwang negosyo:

  • Puhunan
  • Tauhan
  • Makina at Kagamitan

Ang limang pangunahing bahagi ng isang negosyo

  • Kayamanang Tao (Human Resources)
  • Pananaliksik at Pagsulong (Research and Development)
  • Akawnting at Pananalapi (Accounting and Finance)
  • Produksiyon at Operasyon (Production and Operation)
  • Pagtitinda (Marketing)

Tingnan din