Abyad
Itsura
Ang abyad ay isang sistemang panulat na kung saan ang lahat - o halos lahat - ng mga titik ay ang mga katinig lamang. Ang mambabasa mismo ang magbibigay ng mga kinakailangan na patinig.
Paggamit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ginagamit ang mga abyad sa pagsusulat ng mga wika na kung saan mababa lamang ang kahalagahan ng mga patinig, lalo na sa mga wikang Semitiko tulad ng Arabe o Ebreo. Gayunman, mayroong idinagdag na ilang mga patinig sa karamihan ng mga makabagong abyad, kaya kung minsan itinuturing ang mga ito na "hindi wagas na abyad".