Himpapawid
Iminumungkahi na ang artikulo ay hatiin sa mga artikulo na pinamagatang atmosperaat himpapawid, na matutunghayan sa pahina ng paglilinaw. (Pag-usapan) |
Ang atmospero, atmospera, o panganorin ay ang "kapisanan ng mga hangin at ng sari-saring mga singaw ng panahon na nakaliligid sa sangdaigdig hanggang sa sanggayong lawak".[1] Tinatawag din itong himpapawid, agay-ay, alangaang, o kahanginan dahil ito ang hangin na bumabalot sa daigdig.[2] Nagmula ang salitang atmospera sa wikang Griyego na binubuo ng mga salitang ἀτμός - atmos, "singaw"[3] at
Nilalarawan ng katagang atmosperang istelar o atmosperang pambituin ang panlabas na rehiyon ng isang bituin, at karaniwang nagsasama ng bahaging nagsisimula sa malabo o malamlam na potospero papalabas. Maaaring bumuo ng mga molekulang kumpuwesto ang mga bituing may mababang temperatura sa kanilang panlabas na atmospera. Ang atmospera ng daigdig ay naglalaman ng oksihenong ginagamit ng karamihan sa mga organismo para sa respirasyon o paghinga, at ng karbong dioksidong ginagamit naman ng mga halaman, mga lumot, at mga siyanobakterya para sa potosintesis. Pinupruteksyunan din ng atmospera ng daigdig ang mga organismong may buhay mula sa mga kapinsalaang henetikong dulot ng radyasong ultrabiyoleta mula sa sinag ng araw. Ang pangkasalukuyang komposisyon ng atmospera ng daigdig ay isang produkto ng bilyun-bilyong mga taong pagbabagong biyokimikal ng paleoatmospera ng mga organismong nabubuhay.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Blake, Matthew (2008). "Atmosphere, panganorin, atmospera". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gaboy, Luciano L. Atmosphere, atmospera - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ ἀτμός, Henry George Liddell, Robert Scott, A Greek-English Lexicon, nasa Perseus Digital Library
- ↑
σ φ α ῖρ α , Henry George Liddell, Robert Scott, A Greek-English Lexicon, nasa Perseus Digital Library - ↑ Ontario Science Centre website