Cyborg (komiks)
Cyborg | |
---|---|
Impormasyon ng paglalathala | |
Tagapaglathala | DC Comics |
Unang paglabas | DC Comics Presents #26 (Oktubre 1980) |
Tagapaglikha | Marv Wolfman George Pérez |
Impormasyon sa loob ng kwento | |
Buong pangalan | Victor Stone |
Espesye | Taong Cyborg |
Kasaping pangkat | Teen Titans Justice League S.T.A.R. Labs Doom Patrol |
Kakayahan | Henyong-antas na katalinuhan Naibibigay ng Cybernetic Enhancement ang:
|
Si Cyborg ay isang kathang-isip na superhero sa komiks na lumalabas sa Estados Unidos na nilalathala ng DC Comics. Nilikha ang karakter ng manunulat na si Marv Wolfman at sa guhit ni George Pérez at una itong lumabas sa natatanging pagpasok sa DC Comics Presents #26 (Oktubre 1980). Orihinal na kilala bilang kasapi ng Teen Titans,[1] napagtibay si Cyborg bilang ang kasaping nagtatag ng Justice League sa reboot ng DC noong 2011 ng kanilang titulong aklat ng komiks at sumunod sa muling paglunsad noong 2016 ng pagpapatuloy nito. Bagaman, muli siyang pinagtibay bilang nakaraang kasapit ng Teen Titans.[2]
Natamo ng karakter ang mas malaking bisibilidad bilang tinampok na karakter noong unang bahagi ng dekada 2000 sa animasyong serye ng Cartoon Network na Teen Titans, at unang lumabas ang bersyong live-action sa parehong panahon sa seryeng pantelebisyon na Smallville. Nabuo sa mga pagpapalabas na ito ang pagtaas ng katanyagan ni Cyborg sa DC Comics mula 2011 pataas. Sa kalaunan, unang lumabas sa pelikulang live-action ang karakter sa Batman v Superman: Dawn of Justice (2016) na ginampanan ni Ray Fisher, at muling ginampanan ang karakter bilang pangunahing karakter sa Justice League (2018) bilang bahagi ng DC Extended Universe. Kasama sa kontrata ni Fisher ang opsyon para sa mga hinaharap na mga pelikula, kabilang ang solong Cyborg na pelikula. Noong 2019, inangkop muli ang karakter para sa animasyon na Young Justice: Outsiders, at lumabas din sa live-action na seryeng web na pantelebisyon na Doom Patrol na ginampanan ni Joivan Wade.