Ang Erhua (Tsinong pinapayak: 儿化; Tsinong tradisyonal: 兒化; pinyin: érhuà), na tinatawag ding erhuayin (Tsinong pinapayak: 儿化音; Tsinong tradisyonal: 兒化音; pinyin: érhuàyīn), ay tumutukoy sa prosesong ponolohiko na idinadagdag ang tunog na "ér" (儿, nakasalin sa IPA bilang [ɚ]) sa pantig ng Tsinong Mandarin. Ito ang pinaka-pangkaraniwan sa pananalita ng Hilagang Tsina, lalo na sa wikaing Beijing, bilang isang diminutibong hulapi para sa mga pangngalan, baga ma't ginagamit din ito ng ibang diyalekto para sa iba pang gamit na pambalarila. Ang Pamantayang Tsino, na ginagamit sa mga isina-plakang pang-edukasyon at pagsusulit na ginawa ng pamahalaan ay itinatampok ang erhua sa ilang punto, katulad ng 哪儿 nǎr ("saan"), 一点儿 yìdiǎnr ("isang munti"), at 好玩儿 hǎowánr ("kasayahan"). Mayroong higit na malawakang paggamit ng erhua ang mga kolokyal na pananalita sa maraming wikaing panghilaga kaysa sa isina-pamantayang wika. Mayroon din namang erhua ang mga wikain ng Mandarin sa timog-kanluran katulad ng sa Chongqing at Chengdu. Sa kasalungatan, karamihan sa mga Tsinong nasa timog na gumagamit ng mga wikaing di-Mandarin ay nahihirapang bigkasin ang naturang tunog, o higit na pinipili nila na huwag na lang iyon bigkasin, at kadalasang iniiwasan ang mga katagang mayroong erhua kapag sinasalita ang Pamantayang Tsino (ang Mandarin); halimbawa, maaaring palitan ang tatlong halimbawang nakatala sa itaas ng mga singkahulugan na 哪里 nǎlǐ, 一点yìdiǎn, at 好玩 hǎowán.
Tanging mangilan-ngilang salita lang ng pamantayang Mandarin, kagaya ng ng 二èr "dalawa" and 耳ěr "tenga", ang mayroong rotikong patinig na hindi nag-resulta sa prosesong erhua. Ang lahat ng mga di-erhua na rotikong pantig ay walang pang-unahang katinig at nakagisnang binibigkas na [ɚ] sa wikaing Beijing at sa konserbatibo o lumang pagkakaiba-iba ng pamantayang Mandarin. Sa mga nagdaang dekada, ang patinig sa nakatonong pantig na "er" ay pinabába sa maraming punto (asento o accent), na nagpahantong sa pantig na magkaroon o makakuha ng katangian na parang "ar" (i.e. [aɚ̯] na mayroong naaangkop na tunog. Sa ibang mga bagong asento at ibang mga asento bukod sa Beijing, maaaring gumamit ang lahat ng di-erhua na rotikong patinig ng katulad sa katangiang "ar" ano pa man ang tono. Ang ibang mga pagkakataon ng pagkakaroon ng rotikong patinig ay dahil sa paggamit ng erhua sa mga naunang pantig na di-rotikong patinig.