Green Lantern
Green Lantern | |
---|---|
Naglimbag | DC Comics |
Unang paglabas | All-American Comics #16 (Hulyo 1940) |
Nilikha ni | Alan Scott: Martin Nodell Hal Jordan: John Broome Gil Kane |
Mga karakter | Alan Scott Hal Jordan Guy Gardner John Stewart Kyle Rayner Jade Sinestro Simon Baz Jessica Cruz Kai Ro |
Tingnan din | Green Lantern Corps |
Ang Green Lantern ay ang pangalan ng ilang mga superhero na lumalabas sa Amerikanong komiks na nilalathala ng DC Comics. Nilalabanan nila ang kasamaan sa tulong ng kanilang singsing na nagbibigay sa kanila ng iba't ibang ekstraordinaryong kapangyarihan, na nagmumula sa kanilang imahinasyon. Tipikal na isinasalarawan ang mga karakter bilang mga kasapi ng Green Lantern Corps, isang ahensyang interstelar na nagpapatupad ng batas.
Nilikha ang unang karakter na Green Lantern, si Alan Scott, noong 1940 ni Martin Nodell noong Ginintuang Panahon ng Komiks at kadalasang nakikipaglaban sa mga karaniwang kriminal sa Lungsod ng Capitol (at kalaunan, sa Lungsod ng Gotham) sa tulong ng kanyang singsing may salamangka. Para sa Pinilakang Panahon ng Komiks, muling nilikha ang karakter nina John Broome at Gil Kane bilang si Hal Jordan noong 1959 at napalitan ang tuon ng mga kuwento sa pantasya at kathang-isip na pang-agham. Kabilang pa sa ibang Green Lantern sina Guy Gardner, John Stewart, at Kyle Rayner.
Isa ang mga Green Lantern sa mga karakter ng DC Comics na tumagal. Nagkaroon sila ng adaptasyon sa telebisyon, larong bidyo, at pelikula.
Kasaysayan ng paglalathala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ginintuang Panahon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nilikha ni Martin Nodell (inisyal na ginamit ang pangalang Mart Dellon) ang unang Green Lantern. Una siyang lumabas sa Ginintuang Panahon ng Komiks sa All-American Comics #16 (Hulyo 1940), na nilathala ng All-American Publications, isa sa tatlong kompanya na sa kalaunan ay sasanib upang mabuo ang DC Comics.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Benton, Mike (1992). Superhero Comics of the Golden Age: The Illustrated History (sa wikang Ingles). Dallas: Taylor Publishing Company. pp. 104-105. ISBN 0-87833-808-X. Nakuha noong 15 Enero 2020.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
- Mga karakter ng All-American Publications
- Mga superhero ng DC Comics
- Mga karakter sa komiks na ipinakilala noong 1940
- Mga karakter sa komiks na ipinakilala noong 1959
- Mga karakter sa komiks na ipinakilala noong 1968
- Mga karakter sa komiks na ipinakilala noong 1971
- Mga karakter sa komiks na ipinakilala noong 1994
- Mga karakter sa komiks na ipinakilala noong 2012
- Mga karakter ng DC Comics