Halibut
Ang halibut (Ingles: halibut o halibutt) ay isang uri ng isdang-lapad mula sa pamilya ng mga tatampal (Pleuronectidae) na nasa kanan ang mga mata. Hinango ang pangalan nito mula sa Ingles na haly (holy o banal) at butt ("pisang isda"), na tinawag na ganito dahil sa karaniwang kinakain ito tuwing banal na mga arawa.[1] Namumuhay ang halibut sa mga karagatan ng Hilagang Pasipiko at sa Hilagang Atlantiko. Mataas ang pagturing dito bilang pagkaing isda. Mayroon apat na mga uri ang isdang dagat na ito, na pinakamalalaki sa mga kasapi ng pamilya ng mga isdang tatampal.[2]
Paglalarawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]May kayumangging kulay ang halibut at matitibay na mga ngipin sa magkabilang mga gilid ng panga. Lumalangoy ang halibut papunta sa mas palalim na bahagi ng katubigan habang lumalaki at tumatanda. Matatagpuan ang pinakamatatanda sa lalim na 3,000 mga talampakan. Dalawa sa mga ito, ang halibut ng Pasipiko o Hippoglossus stenolepis at ang halibut ng Atlantiko o Hippoglossus hippoglossus (kapwa nasa pamilyang Pleuronectidae), na parehong namumuhay sa hilagang mga karagatan, na kapwa lumalaki na may 9 na mga talampakan at tumitimbang ng may 500 mga libra o mahigit pa. Mas maliliit ang laki ng dalawa sa natitira pang mga uri[2] (nasa mga pamilyang Carangidae, Paralichthyidae, at Psettodidae ang mga "halibut" na ito).
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Oxford English Dictionary: partikular na binabanggit ng diksyunaryong ito na hindi talaga malinaw ang etimolohiya ng halibut, subalit ito ang paliwanag.
- ↑ 2.0 2.1 "Halibut". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na H, pahina 318.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Isda ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.