(Translated by https://www.hiragana.jp/)
Hastings Banda - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Hastings Banda

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Hastings Kamuzu Banda (15 Pebrero 189825 Nobyembre 1997) ay ang dating pinuno ng Malawi at ng nauna nitong estadong Nyasalanda, mula 1961 hanggang 1994. Pagkaraang makatanggap ng edukasyong karamihang nagmula sa ibayong dagat, nagbalik si Banda sa kanyang inang bansa (noong Britanikong Nyasalanda pa ito) upang magsalita ukol sa kolonyalismo at tulungan at pamunuan ang kilusan patungo sa kalayaan. Noong 1963, pormal siyang itinalaga bilang punong ministro ng Nyasalanda, at pinamunuan ang bansa upang makamtan ang kasarinlan bilang Malawi makalipas ang isang taon. Pagdaan ng dalawang taon, idiniklara niya ang Malawi bilang isang republika na siya ang pangulo. Mabilisan niyang pinagsama-sama ang kapangyarihan at malaong ipinahayag ang Malawi bilang isang estadong partido sa ilalim ng Partido ng Kongresong Malawi (Malawi Congress State o MCP). Noong 1970, idiniklara ng MCP si Banda bilang Panghabangbuhay na Pangulo ng partido. Noong 1971, naging Panghabangbuhay na Pangulo siya mismo ng Malawi.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.