Inazawa
Inazawa | |||
---|---|---|---|
Owari ōkunitama-jinja (sa taas) at panoramang urbano ng Inazawa (sa baba) | |||
| |||
Kinaroroonan ng Inazawa sa Aichi Prefecture | |||
Mga koordinado: 35°15′53″N 136°47′48.9″E / 35.26472°N 136.796917°E | |||
Bansa | Hapon | ||
Rehiyon | Chūbu (Tōkai) | ||
Prepektura | Aichi | ||
Pamahalaan | |||
• Alkalde | Toshiaki Ōno | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 79.35 km2 (30.64 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (1 Oktubre 2019) | |||
• Kabuuan | 135,580 | ||
• Kapal | 1,700/km2 (4,400/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon) | ||
- Puno | Pino | ||
- Bulaklak | Krisantemo | ||
Bilang pantawag | 0587-32-1111 | ||
Adres | 1 Inabuchō, Inazawa-shi, Aichi-ken 492-8269 | ||
Websayt | [www.city.inazawa.aichi.jp Opisyal na websayt] |
Ang Inazawa (
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Inazawa ay ang kinaroroonan ng panlalawigang kabisera at panlalawigang templo ng lalawigan ng Owari noong panahong Nara. Nagmumula rin sa panahong ito ang Owari Onkunitama Jinja, isang mahalagang dambanang Shinto na matatagpuan sa mga hangganan ng kasalukuyang lungsod. Noong panahong Edo, ang mga nayon ng Inaba at Ozawa ay bumuo sa hintuan sa Minoji, isang kaidō na nag-uugnay ng Miya-juku (Atsuta sa Tōkaidō) sa Tarui-juku (Lalawigan ng Mino) sa Nakasendō. Noong unang bahagi ng panahong Meiji, itinatag ang bayan ng Inazawa kasabay ng pagtatatag ng makabagong sistema ng mga munisipalidad. Lumawak ang kinasasakupan ng bayan noong 1907 at 1955 sa pamamagitan ng pagdurugtong ng kalapit na mga nayon, at noong 1 Nobyembre 1958, itinaas ito sa katayuang panlungsod.
Noong 1 Abril 2005, sinanib sa Inazawa ang mga bayan ng Heiwa at Sobue (kapuwa mula sa Distrito ng Nakashima).
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matatagpuan ang Inazawa sa mga kapatagan ng kanlurang dako ng Prepektura ng Aichi, at kahangga ang Prepektura ng Gifu sa kanluran. Malapit ito sa Nagoya. Kapuwang dumadaloy sa lungsod ang Ilog Kiso at ang Ilog Gojō.
Kalapit na mga munisipalidad
[baguhin | baguhin ang wikitext]Demograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa datos ng senso sa Hapon,[2] hindi gaanong nagbabago nang malakihan ang populasyon ng Inazawa sa nakalipas na 30 mga taon.
Taon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1940 | 56,321 | — |
1950 | 71,370 | +26.7% |
1960 | 79,847 | +11.9% |
1970 | 110,629 | +38.6% |
1980 | 126,023 | +13.9% |
1990 | 132,483 | +5.1% |
2000 | 136,928 | +3.4% |
2010 | 136,415 | −0.4% |
Mga kapatid na lungsod
[baguhin | baguhin ang wikitext]- - Olympia, Gresya, mula noong 22 Agosto 1987[3][4]
- – Chifeng, Monggolyang Interyor, Tsina, mula noong 16 Mayo 1989[5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Inazawa City official statistics (sa Hapones)
- ↑ Inazawa population statistics
- ↑ "
姉妹 都市 :オリンピア市 (ギリシャ)".稲沢 市 . Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-08-08. Nakuha noong 2012-02-14.{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "
姉妹 提携 情報 ".自治体 国際 化 協会 . Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-10-27. Nakuha noong 2012-02-14.{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "International Exchange". List of Affiliation Partners within Prefectures. Council of Local Authorities for International Relations (CLAIR). Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Disyembre 2015. Nakuha noong 21 Nobyembre 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Opisyal ba websayt ng Lungsod ng Inazawa (sa Hapones)