(Translated by https://www.hiragana.jp/)
James K. Polk - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

James K. Polk

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
James Knox Polk
Ika-11 Pangulo ng Estados Unidos
Nasa puwesto
4 Marso 1845 – 4 Marso 1849
Pangalwang PanguloGeorge M. Dallas (1845-1849)
Nakaraang sinundanJohn Tyler
Sinundan niZachary Taylor
Ika-11 Gobernador ng Tennessee
Nasa puwesto
14 Oktubre 1839 – 15 Oktubre 1841
Nakaraang sinundanNewton Cannon
Sinundan niJames Chamberlain Jones
Ika-17 Tagapagsalita para sa Kabahayan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos
Nasa puwesto
7 Disyembre 1835 – 4 Marso 1839
PanguloAndrew Jackson
Martin Van Buren
Nakaraang sinundanJohn Bell
Sinundan niRobert M. T. Hunter
Kasapi ng Kabahayan ng mga Kinatawan ng E.U.
mula sa ika-6 na distrito ng Tennessee
Nasa puwesto
4 Marso 1825 – 3 Marso 1833
Nakaraang sinundanJohn A. Cocke
Sinundan niBalie Peyton
Kasapi ng Kabahayan ng mga Kinatawan ng E.U.
mula sa ika-9 na distrito ng Tennessee
Nasa puwesto
4 Marso 1833 – 3 Marso 1839
Nakaraang sinundanWilliam Fitzgerald
Sinundan niHarvey M. Watterson
Personal na detalye
Isinilang2 Nobyembre 1795(1795-11-02)
Pineville, North Carolina
Yumao15 Hunyo 1849(1849-06-15) (edad 53)
Nashville, Tennessee
KabansaanAmerikano (US)
Partidong pampolitikaDemokratiko
AsawaSarah Childress Polk
Alma materPamantasan ng Hilagang Carolina sa Chapel Hill
TrabahoAbogado, Magsasaka (Plantero)
Pirma

Si James Knox Polk [bigkas sa apelyido: powk] (2 Nobyembre 1795 – 15 Hunyo 1849) ay ang ika-labing-isang pangulo ng Estados Unidos, nanilbihan mula 4 Marso 1845 hanggang 4 Marso 1849. Isinilang siya sa Mecklenburg County, North Carolina, subalit mas namuhay sa at kinatawan niya ang estado ng Tennessee. Bilang isang Demokrata, naglingkod siya bilang Tagpagsalita ng Kabahayan ng mga Kinatawan mula 1835 hanggang 1839, at bilang Gobernador ng Tennessee mula 1839 hanggang 1841 bago maging presidente.

Isinilang si Polk noong 1795, at nakapagtapos ng pag-aaral mula sa Pamantasan ng North Carolina noong 1818. Natanggap siya sa bar ng mga abogado noong 1820 at nagsimulang magtrabaho bilang manananggol noong taong ding iyon sa Columbia, Tennessee. Noong 1823, nahalal siya sa Batasan ng Tennessee. Pinakasalan niya si Sarah Childress noong 1824. Mula 1825 hanggang 1839, naglingkod siya sa Kabahayan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos. Nanilbihan siya bilang gobernador ng Tennessee mula 1839 hanggang 1841. Nagsilbi naman siya bilang pangulo ng Estados Unidos simula 1845 magpahanggang 1849. Sumakabilang-buhay siya noong 1849, habang nasa Nashville, Tennessee.[1]

Si Polk ang pinakaunang "maitim na kabayo" o hindi gaanong kilalang kandidato na nananalo sa pagka-pangulo ng Estados Unidos; hindi niya inaasahang magagapi niya si Henry Clay sa halalan ng 1844. Sa edad na 49, siya rin ang pinakabatang pangulo ng Estados Unidos sa kaniyang kapanahunan. Sa panahon ng kaniyang panunungkulan bilang pangulo, idinagdag niya sa Estados Unidos ang isang malawak na rehiyon ng lupaing mula sa Rocky Mountains ("Mabatong Bulubundukin") hanggang sa may Karagatang Pasipiko. Kinamuhan siya ng mga kalalakihang laban sa pang-aalipin noong kaniyang kapanahunan, sapagkat pinaniniwalaan nilang ibig lamang niyang palawigin ang nasasakop ng pang-aalipin. Subalit hindi ito tinatanggap ng mga dalubhasang gumawa ng pag-aaral hinggil kay Polk, at inihanay nila si Polk bilang isa sa sampung magigiting na mga pangulong Amerikano.[1]

  1. 1.0 1.1 "James K. Polk". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)