Leila de Lima
Kagalang-galang Leila de Lima | |
---|---|
Senador ng Pilipinas | |
Kasalukuyang nanunungkulan | |
Unang araw ng panunungkulan Hunyo 30, 2016 | |
Tagapangulo sa Philippine Senate Electoral Reforms and People's Participation Committee | |
Kasalukuyang nanunungkulan | |
Unang araw ng panunungkulan Hulyo 25, 2016 | |
Nakaraang sinundan | Aquilino Pimentel III |
Tagapangulo sa Philippine Senate Justice and Human Rights Committee | |
Nasa puwesto Hulyo 2, 2016 – Seytembre 19, 2016 | |
Nakaraang sinundan | Aquilino Pimentel III |
Sinundan ni | Richard J. Gordon |
Kalihim ng Katarungan | |
Nasa puwesto Hunyo 30, 2010 – Oktubre 12, 2015 | |
Pangulo | Benigno Aquino III |
Nakaraang sinundan | Alberto Agra (tagahalili) |
Sinundan ni | Alfredo Caguioa (tagahalili) |
Tagapanuglo ng Komisyon sa Karapatang Pantao ng Pilipinas | |
Nasa puwesto Mayo 2008 – Hunyo 30, 2010 | |
Pangulo | Gloria Macapagal-Arroyo |
Nakaraang sinundan | Purificacion Quisumbing |
Sinundan ni | Etta Rosales |
Personal na detalye | |
Isinilang | Leila Norma Eulalia Josefa Magistrado de Lima 27 Agosto 1959 Iriga, Camarines Sur |
Partidong pampolitika | Liberal Party (2015–kasalukuyan) |
Alma mater | De La Salle University San Beda College |
Propesyon | Abogado |
Si Leila Norma Eulalia Josefa Magistrado de Lima (ipinanganak noong 27 Agosto 1959) ay isang Pilipinong abogado, aktibista para sa karapatang pantao, at isang politiko. Itinalaga siya ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo bilang Tagapangulo ng Komisyon ng Karapatang Pantao ng Pilipinas noong Mayo 2008 at nagsilbi sa komisyon hanggang Hunyo 30, 2010, nang siya ay italaga ni Pangulong Benigno S. Aquino III bilang Kalihim ng Katarungan. Nagbitiw siya bilang kalihim ng katarungan noong Oktubre 12, 2015 upang maituon ang panahon sa kanyang kandidatura sa Senado ng Pilipinas sa halalan noong 2016. Naihalal siya bilang senado at kasalukuyang naglilingkod bilang senador ng Pilipinas. Siya’y kasalukuyang nakapiit sa bilangguan dahil sa kasong illegal drug trading.[1][2][3][4][5][6]
Pagkabata
[baguhin | baguhin ang wikitext]Siya ang panganay na babae ng dating Komisyonado ng COMELEC, si Vicente de Lima at Norma Magistrado.[7][8]Ipinanganak at pinalaki siya sa Lungsod ng Iriga, Camarines Sur, Pilipinas.[8] Ang kanyang tiya, Si Julie de Lima, ang naging asawa ng nagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas, Jose Maria Sison.[9]
Nagtapos si de Lima noong 1980 mula sa Pamantasang De La Salle nang may digri sa Batsilyer ng Sining sa Kasaysayan. Siya ay nagtapos na salutatoryan sa kaniyang Batsilyer ng Batas sa Kolehiyo ng Batas ng Kolehiyo ng San Beda noong 1985. Siya ang ika-8 pinakamataas sa 1985 Philippine Bar Examinations na may markang 86.26%.
Mga pag-uusig ng Pamahalaan ni Duterte laban kay de Lima
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dahil sa kanyang masigasig na imbestigasyon sa extrajudicial killings at Davao Death Squad ni Rodrigo Duterte sa digmaan nito kontra droga bilang aklalde ng Davao kung saan ang mga mahihirap na karamihan ay mga gumagamit o napagbintangalan lamang ay napatay o pinatay ng mga vigilante, si de Lima ay inakusahan at ipinakulong gamit ang mga pekeng saksi upang idiin ito at kasalukyang ikinukulong sa Camp Crame. Ang Kongreso ng Estados Unidos ay nagpasa ng batas na naglalayong panagutin ang mga tao sa likod ng pagkakabilanggo ni de Lima sa ilalim ng Magnitsky Act. Si de Lima ang itinuturing ng mga pamayanang internasyonal kabilang ng Estados Unidos, Canada at Australia na isang biktima ng pag-uusig na pampulitika. Kabilang sa mga pinangalan ni de Lima na umusig sa kanya: mga DDS troll at mga propagandistang sina Mocha Uson, Sass Rogando Sasot, at RJ Nieto at mga opisyal ng pamahalaan na sina Rodgiro Duterte, Salvador Panelo, Pantaleon Alvarez, former DOJ Secretary Vitaliano Aguirre, Solicitor General Jose Calida, PAO Chief Persida Acosta, Sandra Cam, Dante Jimenez, Congressmen Rey Umali at Rudy Fariñas.[10]
Mga larawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
Tahanan ng mga de Lima sa Baao, Camarines Sur
-
Halimbawa nin campaign poster ni de Lima sa distrito ng Rinconada
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ https://www.philstar.com/pang-masa/police-metro/2017/02/18/1672756/tatlong-kaso-isinampa-ng-doj-kay-de-lima
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-10-01. Nakuha noong 2019-10-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2017/02/25/1674606/de-lima-kulong-na
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-10-01. Nakuha noong 2019-10-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-10-01. Nakuha noong 2019-10-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-10-01. Nakuha noong 2019-10-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "De Lima, Leila Norma Eulalia Josefa, Magistrado" (PDF). Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong Setyembre 4, 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 "The Fighter: How Leila de Lima Ended Up Leading the Opposition to Rodrigo Duterte's Drug War". Time (magazine). Disyembre 14, 2016. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Joma Sison uncle "De Lima: So what if I'm Joma's kin?". ABS-CBN News. Hulyo 30, 2009. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.
{{cite news}}
: Check|url=
value (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://legacy.senate.gov.ph/press_release/2019/1017_delima3.asp