Los Angeles
Los Angeles | |||
---|---|---|---|
Lungsod ng Los Angeles (Ingles: City of Los Angeles) | |||
Paikot kanan mula taas: Panoramang urbano ng Los Angeles, Liwasang Echo, Gusaling Theme sa Paliparang Pandaigdig ng Los Angeles, Dalampasigan ng Venice, Tulay ng Vincent Thomas, Gusaling Panlungsod ng Los Angeles, Karatula ng Hollywood | |||
| |||
Palayaw: "L.A.", "City of Angels",[1] "Angeltown",[2] "The Entertainment Capital of the World", "The Big Orange",[1] "La-la-land", "Tinseltown"[1] | |||
Kinaroroonan sa Kondado ng Los Angeles sa estado ng California | |||
Mga koordinado: 34°03′N 118°15′W / 34.050°N 118.250°W | |||
Bansa | Estados Unidos | ||
Estado | California | ||
Kondado | Los Angeles
| ||
CSA | Los Angeles-Long Beach | ||
MSA | Los Angeles-Long Beach-Anaheim | ||
Pueblo | Setyembre 4, 1781[3] | ||
Pagsasapi | Abril 4, 1850[4] | ||
Ipinangalan kay (sa) | Our Lady, Queen of the Angels | ||
Pamahalaan | |||
• Uri | Alkalde-Sanggunian-Komisyon[5] | ||
• Konseho | Sangguniang Panlungsod ng Los Angeles | ||
• Alkalde | Eric Garcetti[6] | ||
• Abogado Panlungsod | Mike Feuer[6] | ||
• City Controller | Ron Galperin[6] | ||
Lawak | |||
• Metropolitan City | 502.76 milya kuwadrado (1,302.15 km2) | ||
• Lupa | 468.74 milya kuwadrado (1,214.03 km2) | ||
• Tubig | 34.02 milya kuwadrado (88.12 km2) 6.7% | ||
Taas | 305 tal (93 m) | ||
Pinakamataas na pook | 5,074 tal (1,547 m) | ||
Pinakamababang pook | 0 tal (0 m) | ||
Populasyon | |||
• Metropolitan City | 3,792,621 | ||
• Taya (2016)[kailangan ng sanggunian] | 3,976,322 | ||
• Ranggo | Una sa California Pangalawa sa Estados Unidos | ||
• Kapal | 8,483.02/milya kuwadrado (3,275.32/km2) | ||
• Urban | 12,150,996 | ||
• Metro | 13,131,431 | ||
• CSA | 18,679,763 (Ranggo sa Estados Unidos: Pangalawa) | ||
Demonym | Angeleno | ||
Sona ng oras | UTC−8 (Pasipiko) | ||
• Tag-init (DST) | UTC−7 (PDT) | ||
Mga kodigong postal | 90001–90068, 90070–90084, 90086–90089, 90091, 90093–90097, 90099, 90101–90103, 90174, 90185, 90189, 90291–90293, 91040–91043, 91303–91308, 91342–91349, 91352–91353, 91356–91357, 91364–91367, 91401–91499, 91601–91609 | ||
Area codes | 213/323, 310/424, 747/818 | ||
Kodigong FIPS code | 06-44000 | ||
Mga tampok na pagkakakilanlang GNIS | 1662328, 2410877 | ||
Websayt | Opisyal na website |
Ang Los Angeles ay isang lungsod sa kanlurang California, Estados Unidos. Ang pangalan nito ay nanggaling sa Wikang Espanyol na Los Ángeles. Ang Los Angeles ay ang ikalawang pinakamalaking lungsod sa bansang Estados Unidos sa populasyon. Ito rin ay isang importanteng lugar sa buong mundo at tanyag sa pangkabuhayan, kultura, at sa pang-aliw. Ito'y sumanib sa Estado ng California na isang siyudad sa ika-4 ng Abril, taong 1850. Ito rin ang nagsisilbing "county seat" para sa Los Angeles County. Ayon sa Census noong taong 2000, mayroon itong populasyon ng 3,694,820, ngunit noong nakalipas na ika-1 ng Mayo, taong 2005, ang Kagawarang Pinansiyal ng California ay may nabilang ng 3.95 milyong katao at ang "metropolitan area" ay nagkakaloob ng 17.5 milyong katao.
Kapag tinutukoy ang Los Angeles, marami sa mga naninirahan dito ay ang ibig sabihin ay ang "metropolitan area" nito. Dahilan dito, ang Los Angeles ay pangkasalukuyang naitatag sa marami na isang napakalaking lugar, at hindi iisa lamang lungsod. Pagdating naman sa heyograpiya, ito'y 465 square miles (1200 square kilometro),mas malaki pa kaysa sa New York at Chicago.
Dalawang beses na rin naganap ang Olympic Games sa Los Angeles noon 1932 at 1984. Ang lungsod ay tinatawag rin na isa sa mga pinakamoderno at pinakatanyag na lugar sa buong mundo. Ang lungsod ay kaakit-akit dahil sa klima nito, kaaya-ayang pamumuhay, sa pagkaiba nito, at ang oportunidad na makamit ang "Pangarap na Amerikano" o sa Ingles ay tinatawag na "American Dream".
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pampang ng Los Angeles ay tinirhan ng mga Tongva (o ng mga Gabrieleños), Chumash, at ng mga naunang Katutubong Amerikano sa loob ng mga libong taon. Ang mga unang Europeo na dumating noong 1542, na pinangunahan ni Juan Cabrillo, isang Portuges na manlalakbay na umangkin sa lugar para sa Emperyong Espanyol ngunit hindi lumagi. Ang sumunod na pagdating ay 227 taon ang nakalipas nang si Gaspar de Portola, kasama ang Pransiskanong Pari na si Pari Juan Crespi, ay naabot ang kasalukuyang Los Angeles noong 2 Agosto 1769.
Noong 1771, Si Pari Junipero Serra ay nagpatayo ng Misyong San Gabriel Arcángel malapit sa Narrows na ngayo'y kalapit na san Gabriel Valley. Noong 4 Setyembre 1781, isang grupo ng 52 maninirahan mula sa Bagong Espanya, ay nagtungo sa San Gabriel Mission para magtayo ng isang pamayanan sa gilid ng Ilog Porciúncula (ngayon ay Ilog Los Angeles). Ang mga maninirahan na ito ay mga Filipino, Indiyano at mga lahing Kastila, na kung saan dalawa't katlo nito ay mga mestiso.
Noong 1777, ang bagong Gubernador ng California, si Felipe de Neve, ay nagmungkahi sa Viceroy ng Bagong Espanya na ang lugar ay gawin na isang pueblo (bayan). Ang lugar ay pinangalanang "El Pueblo de Nuestra Señora la Reina de los Angeles del Rio de Río de Porciúncula" ("Ang bayan ng ating Mahal na Reyna ng mga Anghel at ng Ilog Porciúncula"). Ito ay nanatiling maliit na bayang rancho sa mga dekada, ngunit noong 1820 ang populasyon ay tumaas sa bilang na 650 residente, kung saan naging pinakamalaking pamayanang sibil (hindi pangmisyon) sa Kastilang California. Ngayon ang buod ng Pueblo ay pinapanatili sa isang pangkasaysayang monumento na mas kilala sa daang Olvera, na dating daang Wine, na isinunod ang pangalan kay Agustin Olvera.
Natamo ng Bagong Espanya ang kasarinlan mula sa Emperyong Espanyol noong 1821, at ang pueblo ay nanatiling bahagi ng Mehiko. Ang pamumuno ng mga Mehikano ay nagwakas noong nagaganap ang Digmaang Mehikano-Amerikano, nang ang mga Amerikano na ang humawak sa mga Californios pagkatapos ng sunod sunod na laban na kinabibilangan ng; Labanan ng San Pascual, Ang Labanan ng Dominguez Rancho, at ang panghuli, ang Labanan ng Rio San Gabriel noong 1847. Ang Kasunduan ng Cahuenga, na nilagdaan noong 13 Enero 1847, ang nagwakas sa mga kaguluhan sa California, at ang huli ang Kasunduan ng Guadalupe Hidalgo (1848), na pormal na ibinibigay ng Pamahalaang Mehikano ang Alta California at iba pang teritoryo sa Estados Unidos. Hinawakang buo ng mga Europeo at Amerikano ang lungsod pagkatapos ng pagdating ng mga migrante patungong California noong panahon ng Gold Rush at inihanda ang pagkakapasok ng California bilang estado sa Estados Unidos noong 1850.
Ang mga riles ng tren ay dumating nang matapos ng Southern Pacific ang linya nito sa Los Angeles noong 1876. Ang langis ay natuklasan noong 1892, at noong 1923, ang Los Angeles ay nag-susuplay ng one-quarter ng petrolyo sa daigdig. Isa pang mahalagang pag-unlad sa lungsod ay ang tubig.
Noong dekada bente ang mga industriya ng pelikula at paliparan ay dumayo sa Los Angeles at nakatulong sa pagpapaunlad nito. Ang lungsod ay maligayang naging lugar na pinagdausan ng Summer Olympics ng 1932 na nakitaan ng pag-unlad sa burol ng Baldwin kung saan ang orihinal na nayon ng Olympic. Ang Panahong din na ito ay nakitaan ng pagdating ng mga pinatapong tao mula sa papataas na tension bago magdimaan sa Europa, kasama na ang kilalang si Thomas Mann, Fritz Lang, Bertolt Brecht, Arnoled Schoenberg, at Lion Feutchtwanger. Ang Ikalawang Digmaan Pandaigdig ay nagdulot ng bagong kaunlaran at kasaganahan sa lungsod. Ang mga taon pagkatapos ng digmaan ay nagdulot pa ng mas lalong pag-unlad bilang urban na lumawak pa hanggang San Fernando Valley.
Ang Riot ng Watts noong 1965 at ang "blowouts" ng Mataas na Paaralan ng Chicano noong 1970 ay nagpapakita ng malalim na pagkakahati ng mga lahi sa lungsod. Noong 1969, ang Los Angeles ay isa sa dalawang naging "lugar ng kapanganakan" ng internet, bilang kauna-unahang transmisyong ARPANET na naipadal mula UCLA patungong SRI sa Liwasang Menlo.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 Gollust, Shelley (Abril 18, 2013). "Nicknames for Los Angeles". Voice of America. Nakuha noong Hunyo 26, 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Smith, Jack (Oktubre 12, 1989). "A Teflon Metropolis Where No Nicknames Stick". Los Angeles Times. p. 1. Nakuha noong Oktubre 1, 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Barrows, H.D. (1899). "Felepe de Neve". Historical Society of Southern California Quarterly. Bol. 4. p. 151ff. Nakuha noong 28 Setyembre 2011.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "California Cities by Incorporation Date". California Association of Local Agency Formation Commissions. Inarkibo mula sa orihinal (Word Document) noong 21 Pebrero 2013. Nakuha noong 25 Agosto 2014.
{{cite web}}
: Unknown parameter|dead-url=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "About the City Government". City of Los Angeles. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-02-08. Nakuha noong 8 Pebrero 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 6.2 "City Directory". City of Los Angeles. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 13, 2014. Nakuha noong Setyembre 28, 2014.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "2016 U.S. Gazetteer Files". United States Census Bureau. Nakuha noong 28 Hunyo 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Los Angeles City Hall". Geographic Names Information System, U.S. Geological Survey. Nakuha noong 18 Oktubre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 9.0 9.1 "Elevations and Distances". US Geological Survey. 29 Abril 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Nobiyembre 2013. Nakuha noong 10 Pebrero 2015.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ "CA Dept. of Finance - New State Population Report" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2017-05-25. Nakuha noong 2 Hulyo 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Urban Areas". United States Census Bureau. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Mayo 2012. Nakuha noong 29 Agosto 2014.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong); Unknown parameter|dead-url=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)http://www.census.gov/geo/reference/ua/urban-rural-2010.html - ↑ "Annual Estimates of the Resident Population: April 1, 2010 to July 1, 2013 – United States – Metropolitan Statistical Area; and for Puerto Rico". United States Census Bureau. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Agosto 2014. Nakuha noong 29 Agosto 2014.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Annual Estimates of the Resident Population: April 1, 2010 to July 1, 2013 – United States – Combined Statistical Area; and for Puerto Rico". Census Bureau. Census Bureau. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Agosto 2014. Nakuha noong 29 Agosto 2014.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)