(Translated by https://www.hiragana.jp/)
Mark Villar - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Mark Villar

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Mark Villar
Senator of the Philippines
Senate Deputy Majority Leader
Kasalukuyang nanunungkulan
Unang araw ng panunungkulan
August 2, 2022
Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases Isolation Czar
Nasa puwesto
March 16, 2020 – October 6, 2021
Kalihim ng Departamento ng Public Works and Highways
Nasa puwesto
August 2016 – October 6, 2021
Mambabatas, Kamara
Personal na detalye
Isinilang
Mark Aguilar Villar

(1978-08-14) 14 Agosto 1978 (edad 46)[1]
Las Piñas, Philippines
KabansaanPhilippines
Partidong pampolitikaNacionalista
AsawaEmmeline Yan Aglipay
Anak1
MagulangManny Villar
Cynthia Villar
TahananLas Piñas, Metro Manila
Alma materUniversity of Pennsylvania, University of Chicago Booth School of Business, University of Chicago
TrabahoSenador
PropesyonPolitician, Businessman
WebsitioMark Villar

Si Mark Aguilar Villar (ipinanganak noong 14 Agosto 1978) ay isang Pilipinong senador, politiko, negosyante, kolumnista, at sumusuporta sa sining. Siya ay kasalukuyang naglilingkod sa kanyang unang termino bilang Senador[2]. Dati siyang Kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) mula 2016 hanggang 2021 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte[3].

Pinangunahan ni Villar ang DPWH sa pagsasakatuparan ng mga proyektong pang-imprastraktura sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa pamamagitan ng programang Build Build Build ng Administrasyong Duterte[4].

Una siyang nahalal bilang Kinatawan ng Nag-iisang Distrito ng Las Piñas noong 2010[5]. Muli siyang nahalal para sa ikalawang termino noong 2013 [6], at para sa ikatlong termino noong 2016 ngunit itinalaga sa gabinete ni Duterte bilang DPWH Secretary[7].

Noong 2022, siya ay naging Senador ng Pilipinas[8]. Sa kasalukuyang 19th Congress, siya ay Deputy Majority Leader ng Senado. Siya rin ang tagapangulo ng dalawang komite sa Senado: ang Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship, at ang Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies[9].

Iginawad sa kaniya ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) Kolehiyo ng Batas ang isang honorary Doctor of Laws degree para sa kaniyang mahalagang kontribusyon sa bansa at sa komunidad ng UP[10].

Si Villar ay isang kolumnista ng BusinessMirror mula Enero 2024[11]. Itinatampok ng kanyang kolum ang kahalagahan ng imprastraktura sa pagbuo ng bansa at paglago ng ekonomiya.

Personal na Buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Villar noong ika-14 ng Agosto 1978. Siya ang pangalawa sa tatlong anak ng negosyante at dating Senate President at House Speaker Manny Villar[12], at ng kasalukuyang Senador Cynthia Villar[13]. Ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Paolo ay isang negosyante, habang ang kaniyang nakababatang kapatid na si Camille ay kasalukuyang Kinatawan ng Las Piñas[14].

Natapos niya ang kaniyang Bachelor of Science degree sa Political Science, Philosophy and Economics sa University of Pennsylvania at ang kaniyang Master’s Degree sa Business Administration sa University of Chicago Booth School of Business[15].

Bago siya pumasok sa pulitika, humawak siya ng mga ehekutibong posisyon sa mga negosyong real estate ng kaniyang pamilya, partikular na bilang General Manager ng Crown Asia Corporation[16].

Si Villar ay kasal kay Atty. Emmeline Aglipay-Villar, Undersecretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)[17]. Mayroon silang isang anak na babae, si Emma Therese[18].

Tumutugtog siya ng saxophone. Mahilig din siya sa sining at ang karamihan ng kaniyang sinusuportahan ay mga kabataang Pilipinong artista ng sining [19].

Kinatawan ng Las Piñas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 2010, tumakbo at nanalo si Villar bilang Kinatawan ng Nag-iisang Distrito ng Las Piñas. Muli siyang nahalal para sa pangalawa at pangatlong termino noong 2013 at 2016[20].

Si Villar ang tagapangulo ng House Committee on Trade and Industry[21]. Kabilang sa mga batas na pangunahing niyang iniakda bilang miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas ay ang Republic Act 10644[22], ang Go Negosyo Act na nagpapadali sa microfinancing at programa para palakasin ang mga maliliit na negosyo o MSMEs; ang Republic Act 10642[23], ang Philippine Lemon Law na nagpoprotekta sa mga mamimili mula sa bago ngunit may sira na mga sasakyang de-motor[24]; at ang Republic Act 10668, ang Co-Loading Act, na nagpapahintulot sa mga dayuhang sasakyang pandagat na may dalang pang-export o pang-import na produkto na dumaong sa iba’t ibang daungan sa bansa[25].

Kalihim ng DPWH

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 2016, nanalo si Villar para sa ikatlong termino bilang Kinatawan ng Las Piñas [26]. Gayunpaman, inalok siya ni Pangulong Duterte na maging bahagi ng kaniyang gabinete bilang Kalihim ng DPWH[27], na tinanggap naman niya. Nagbitiw si Villar bilang Kinatawan at itinalaga noon ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang kaniyang asawa, si DIWA Rep. Emmeline Aglipay-Villar, upang maging caretaker para sa distrito ng Las Piñas[28].

Nagsimula siya ng mga reporma sa DPWH upang mapataas ang transparency at accountability, at gumamit ng teknolohiya para mapabago ang mga sistema ng pagsubaybay sa proyekto upang mabawasan ang mga pagkaantala, alisin ang mga ghost project, at matiyak ang mahusay na paghahatid ng imprastraktura[29].

Build, Build, Build

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bilang pinuno ng DPWH, mahalaga ang papel ni Villar sa pagpapatupad ng programang Build Build Build ng Administrasyong Duterte. Upang matugunan ang mga matagal nang problema sa maraming proyektong pang-imprastraktura, nagpasimula siya ng mga reporma sa departamento. Ang isa sa kaniyang mga unang administratibong utos ay ang paglikha ng isang Right-of-Way (ROW) Task Force upang hawakan ang ROW acquisition at mabawasan ang pagkaantala sa pagpapatupad ng proyekto[30].

Upang maiwasan ang mga ghost project at pagkaantala sa pagpapatupad, ipinakilala niya ang Infra-Track App, isang teknolohiyang gumagamit ng geo-tagging para sa tumpak na pagsubaybay sa estado ng proyekto[31]. Ang mga pabayang kontratista ay isinasama sa blacklist dahil sa paglabag sa mga kontrata ng gobyerno[32].

Gumawa rin si Villar ng Task Force Against Graft and Corruption (TAG) para palakasin ang paglaban nito sa katiwalian sa loob ng Kagawaran[33]. Sa pagpapatupad ng mga proyekto, nagtakda si Villar ng apat na kategorya para sa mga programang pang-imprastraktura: (1) Traffic Decongestion Program; (2) Integrated and Seamless Transport System; (3) Convergence and Rural Road Development Program; (4) at Livable, Sustainable and Resilient Communities.

Sa kaniyang termino sa pagitan ng 2016 at 2021, natapos ng DPWH ang 29,264 kilometro ng mga kalsada, na kinabibilangan ng 2,436 kilometrong kalsada patungo sa mga destinasyong pang-turismo, 704 kilometrong kalsada patungo sa economic zones, 2,025 kilometro ng farm-to-market roads, at 95 kilometro ng farm-to-mill roads)[34].

Kabilang sa mga nakumpletong kalsada ang Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX)[35], TPLEX Extension[36], Central Luzon Link Expressway[37], ang North Luzon Expressway (NLEX) Harbor Link Segment 10[38] at ang C3-R10 Section, ang NLEX-South Luzon Expressway (SLEX) Connector Road, ang Metro Manila Skyway Stage 3, ang NAIAX Phase II, ang Alabang-Sucat Skyway Connection [39] and Ramp Extension, at ang Cavite-Laguna Expressway (CALAX)[40].

Upang matugunan ang pagbaha at protektahan ang mga tahanan at kabuhayan sa panahon ng malakas na pag-ulan at bagyo, may kabuuang 11,340 na mga estrukturang pang-iwas ng baha ang natapos din, kabilang ang Mandaluyong Main Drainage Project, ang mga pumping station sa Barangay Wawang Polo at Coloong, ang Flood Risk Management Project para sa Cagayan River, ang Flood Risk Management Project para sa Tagoloan River, ang Leyte Tide Embankment Project, at ang Pasig-Marikina River Flood Control Project. [41]

Pinagtibay din niya ang Integrated Water Resources Management Program para kumpletuhin at mapabago ang flood control at drainage master plans at feasibility studies ng 18 na pangunahing river basin, 421 na prinsipal na river basin, at iba pang kritikal na river basin[42].

Sa termino rin ni Villar sinimulan at natapos ng DPWH ang Leyte Tide Embankment Project, isang 31.28-kilometrong flood control project na nagsisilbing unang linya ng depensa ng mga residente ng Leyte sakaling magkaroon ng panibagong storm surge tulad noong Bagyong Yolanda noong 2013 [43].

Natapos din ang 5,950 na mga tulay, 222 na evacuation centers, 150,149 na mga silid-aralan, 133 na mga proyekto sa Tatag ng Imprastraktura Para sa Kapayapaan at Seguridad (TIKAS), 214 na mga paliparan, at 451 na mga daungan[44]. Ang mga proyektong ito ay nagbigay ng 6.5 milyong trabaho para sa mga Pilipino kahit sa panahon ng pandemya ng Covid-19.[45]

Pandemyang Covid-19

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa kasagsagan ng pandemya ng Covid-19 noong 2020, itinalaga si Villar bilang Chief Isolation Czar sa ilalim ng National Task Force Against Covid-19 (NTF) upang matiyak ang sapat na isolation facility at dagdagan ang bed capacity ng mga ospital[46].

Nagtayo ang DPWH ng 739 na We Heal As One Centers sa iba’t ibang parte ng bansa, kabilang ang mega community quarantine facilities (QF), isolation facility, off-site dormitory, o modular na ospital na may kabuuang 27,302 bed capacity[47].

Sa kabila ng mga paghihigpit dahil sa pandemya, nakapagbigay ang DPWH ng 1,482,119 na trabaho sa mga Pilipino sa pagitan ng Marso 2020 at Agosto 2021 sa pamamagitan ng mga programang pang-imprastraktura sa ilalim ng Build Build Build[48].

  1. "Villar, Mark A." Politiko. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 19, 2016. Nakuha noong Hunyo 24, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. https://legacy.senate.gov.ph/senators/sen_bio/villar_mark_bio.asp
  3. "Villar son accepts public works portfolio". ABS-CBN News. Mayo 17, 2016. Nakuha noong Hunyo 24, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Lamentillo, Anna Mae (Hunyo 22, 2022). "'Build Build Build: a Duterte legacy for the ages". Manila Bulletin Publishing Corporation.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. https://www.philstar.com/lifestyle/sunday-life/2010/10/24/623350/most-eligible-bachelor-mark-villar-art-sax-politics-and-leadership
  6. https://www.rappler.com/nation/elections/29186-villar-aguilar-las-pinas/
  7. Cayabyab, M.J. (Agosto 2, 2016). "Villar resigns as Las Piñas rep, takes on DPWH post". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong Agosto 3, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. https://www.pna.gov.ph/articles/1174805
  9. https://legacy.senate.gov.ph/senators/sen_bio/villar_mark_bio.asp
  10. https://www.philstar.com/headlines/2023/01/29/2240998/confers-doctor-laws-honoris-causa-mark-villar
  11. https://businessmirror.com.ph/2024/02/07/looking-for-solutions-to-metro-traffic/
  12. https://legacy.senate.gov.ph/senators/senpres/villar.asp
  13. https://legacy.senate.gov.ph/senators/sen_bio/villar_cynthia_bio.asp
  14. https://www.congress.gov.ph/members/search.php?id=villar-c
  15. https://www.tatlerasia.com/people/mark-aguilar-villar
  16. https://thebusinessmanual-onemega.com/former-dpwh-secretary-mark-villar-building-opportunities/
  17. https://politiko.com.ph/2022/07/15/mark-villar-congratulates-wife-em-on-law-degree-from-lse/snitch-network/
  18. https://politiko.com.ph/2015/09/22/heiress-to-the-empire-meet-baby-emma-therese-villar/snitch-network/
  19. https://www.philstar.com/other-sections/newsmakers/2021/11/23/2143089/10-things-mark-about-mark-villar
  20. https://www.gmanetwork.com/news/topstories/metro/565756/mark-villar-reelected-as-las-pinas-representative/story/
  21. https://legacy.senate.gov.ph/senators/sen_bio/villar_mark_bio.asp
  22. https://www.officialgazette.gov.ph/2014/07/15/republic-act-no-10644/
  23. https://www.officialgazette.gov.ph/2014/07/15/republic-act-no-10642/
  24. https://news.abs-cbn.com/business/07/20/14/pnoy-signs-anti-lemon-bill-law
  25. https://www.officialgazette.gov.ph/2015/07/21/republic-act-no-10668/
  26. https://news.abs-cbn.com/nation/05/23/16/lawmaker-or-cabinet-member-mark-villar-explains-choice
  27. https://www.philstar.com/headlines/2016/05/17/1584160/mark-villar-accepts-dpwh-post
  28. https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/575981/mark-villar-s-wife-appointed-caretaker-rep-of-las-pinas/story/
  29. https://mb.com.ph/2018/04/20/build-build-build-reforms-in-dpwh/?amp
  30. https://mb.com.ph/2022/3/4/the-leadership-of-mark-villar
  31. https://www.philstar.com/headlines/2017/11/13/1758789/dpwh-launches-infratrack-mobile-app
  32. https://mb.com.ph/2020/10/15/villar-blacklists-almost-30-contractors-vows-to-be-more-strict-over-corruption/
  33. https://www.dpwh.gov.ph/dpwh/news/20690
  34. Lamentillo, Anna Mae Yu (Disyembre 10, 2021). Night Owl: A Nationbuilder's Manual (ika-1st (na) edisyon). Manila Bulletin Publishing Corporation. p. 380. ISBN 9789719488088.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. https://www.sunstar.com.ph/pampanga/local-news/tplex-reduces-manila-baguio-travel-time-to-3-hours
  36. https://www.philstar.com/business/2019/12/05/1974267/villar-sees-tplex-extension-project-cleared-q1-2020
  37. https://www.manilatimes.net/2021/07/14/news/regions/central-luzon-link-now-complete/1806881
  38. https://www.philstar.com/nation/2020/06/11/2020080/villar-inspects-nlex-harbor-link-ahead-june-15-opening
  39. https://www.autoindustriya.com/auto-industry-news/sucat-alabang-skyway-extension-to-open-q2-of-2021.html
  40. https://www.dpwh.gov.ph/dpwh/news/23921
  41. https://mb.com.ph/2021/07/21/what-has-build-build-build-achieved-so-far/
  42. https://mb.com.ph/2018/08/18/sofa-in-the-drainage/
  43. https://www.pna.gov.ph/articles/1149334. Inaasahang mapoprotektahan nito ang hindi bababa sa 33,185 na mga bahay at may lawak na 33.7 kilometro kwadrado
  44. Lamentillo, Anna Mae (Hunyo 22, 2022). "'Build Build Build: a Duterte legacy for the ages". Manila Bulletin Publishing Corporation.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. Patinio, Ferdinand (Hulyo 4, 2022). "'Build, Build, Build' continues: Building more for better lives". Philippine News Agency.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. https://www.philstar.com/headlines/2020/07/15/2028171/villar-appointed-isolation-czar-isolate-self-after-testing-positive-covid-19
  47. https://newsinfo.inquirer.net/1490780/dpwh-goes-beyond-road-works-builds-we-heal-as-one-centers
  48. https://www.dpwh.gov.ph/dpwh/news/24239