Matinding init
Ang matinding init (Ingles: heat wave) ay panahon ng di-karaniwang init.[1]:2911 Madalas sinasamahan ang matinding init ng mataas na halumigmig. Totoo ito lalo na sa mga bansang may makaragatang klima. Iba-iba ang mga kahulugan ngunit magkatulad naman.[2] Karaniwang sinusukat ang matinding init kumpara sa karaniwang klima sa lugar at sa karaniwang temperatura ng kapanahunan.[1]:2911 Ang mga temperatura na itinuturing na normal ng mga tao mula sa mas mainit na klima, ay maaaring ituring bilang matinding init sa mas malamig na lugar. Ito ang magiging kalagayan kung nasa labas ng normal na huwaran ng klima para sa lugar na iyon ang mainit na temperatura.[3] Dumadalas ang matinding init, at mas mahimbing sa lupa, sa halos lahat ng lugar sa Daigdig mula noong d. 1950. Dahil ito sa pagbabago ng klima.[4][5]
Nagkakaroon ng matinding init kapag lumakas ang isang altapresyunan sa itaas na atmospera at nanatili sa ibabaw ng isang rehiyon sa loob ng ilang araw hanggang ilang linggo.[6] Nagkukulong ito ng init malapit sa rabaw ng mundo. Karaniwan, nadedetek ang maintinding init gamit ang mga instrumento sa pagtataya. Kaya makakapag-isyu ng babala ang mga awtoridad.
Kadalasan kumplikado ang mga epekto ng matinding init sa mga maekonomikong aktibidad ng mga tao. Binabawasan ng mga ito ang produktibidad ng paggawa, ginugulo ang mga proseso ng agrikultura at industriya at sinisira ang imprastraktura na hindi angkop para sa matinding init. Nakakaapekto ang mga kaganapang ito sa mga lokal na huwarang hidrolohiko, na maaaring humantong sa pagguho ng lupa, pagbaha, at pagkaubos ng mga lokal na mapagkukunan ng tubig, hindi lamang humahantong ang lahat ng ito sa mga problema sa maliit na antas, ngunit nakakaapekto rin sa mga lipunan sa mas malawak na paraan.[7][8] Nagdulot ang mga panahon ng napakatinding init ng mga pagkabigo sa pananim at libu-libong pagkamatay mula sa hipertermiya. Pinataas ng mga ito ang panganib ng napakalaking sunog sa mga lugar na may tagtuyot. Maaari rin humantong ang mga ito sa malawakang brownout dahil mas maraming airkon ang nakabukas. Nanganganib ito sa kalusugan ng tao, dahil nasosobrahan ang termoregulasyon ng mga tao sa init at sinag ng araw.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 IPCC, 2022: Annex II: Glossary [Möller, V., R. van Diemen, J.B.R. Matthews, C. Méndez, S. Semenov, J.S. Fuglestvedt, A. Reisinger (mga ed.)]. Sa: Climate Change 2022: Impacts, Adaptation and Vulnerability. Contribution of Working Group II to the Sixth Assessment Report of the Intergovernmental Panel on Climate Change [Pagbabago ng Klima 2022: Mga Epekyo, Adaptasyon at Kahinaan. Kontribusyon ng Nagtatrabahong Pangkat II sa Ika-anim na Ulat sa Pagtatasa ng Intergobernamental na Panel sa Pagbabago ng Klima (sa wikang Ingles)]. [H.-O. Pörtner, D.C. Roberts, M. Tignor, E.S. Poloczanska, K. Mintenbeck, A. Alegría, M. Craig, S. Langsdorf, S. Löschke, V. Möller, A. Okem, B. Rama (mga ed.)]. Cambridge University Press, Cambridge, UK and New York, mga pa. 2897–2930, doi:10.1017/9781009325844.029.
- ↑ Meehl, G. A (2004). "More Intense, More Frequent, and Longer Lasting Heat Waves in the 21st Century" [Mas Mahimbing, Mas Madalas, at Mas Matagal na Matinding Init sa Ika-21 Siglo]. Science (sa wikang Ingles). 305 (5686): 994–997. Bibcode:2004Sci...305..994M. doi:10.1126/science.1098704. PMID 15310900.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Robinson, Peter J (2001). "On the Definition of a Heat Wave" [Ukol sa Kahulugan ng Matinding Init]. Journal of Applied Meteorology (sa wikang Ingles). 40 (4): 762–775. Bibcode:2001JApMe..40..762R. doi:10.1175/1520-0450(2001)040<0762:OTDOAH>2.0.CO;2.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Climate Change 2021: The Physical Science Basis [Pagbabago ng Klima ng 2021: Ang Basehan sa Agham Pisikal] (sa wikang Ingles). Intergovernmental Panel on Climate Change. 2021. pp. 8–10.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Thompson, Andrea, "This Summer’s Record-Breaking Heat Waves Would Not Have Happened without Climate Change" [Ang Di-mapapantayang Rekord ng Matinding Init Nitong Tag-init, Hindi Gaganap kung walang Pagbabago sa Klima] (sa wikang Ingles), Scientific American 25 Hulyo 2023
- ↑ "NWS JetStream - Heat Index" [NWS JetStream - Indeks ng Init] (sa wikang Ingles). US Department of Commerce NOAA weather.gov. Nakuha noong 2019-02-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bottollier-Depois, Amélie. "Deadly heatwaves threaten economies too" [Nakamamatay na matinding init, panganib din sa mga ekonomiya] (sa wikang Ingles). phys.org. Nakuha noong 2022-07-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ García-León, David; Casanueva, Ana; Standardi, Gabriele; Burgstall, Annkatrin; Flouris, Andreas D.; Nybo, Lars (2021-10-04). "Current and projected regional economic impacts of heatwaves in Europe" [Mga kasalukuyan at inaasahang epekto ng matinding init sa mga ekonomiya ng mga rehiyon sa Europa]. Nature Communications (sa wikang Ingles). 12 (1): 5807. Bibcode:2021NatCo..12.5807G. doi:10.1038/s41467-021-26050-z. ISSN 2041-1723. PMC 8490455. PMID 34608159.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)