(Translated by https://www.hiragana.jp/)
Miss Universe 2015 - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Miss Universe 2015

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Miss Universe 2015
Pia Wurtzbach, Miss Universe 2015
Petsa20 Disyembre 2015
Presenters
Entertainment
  • Charlie Puth
  • The Band Perry
  • Seal
PinagdausanThe AXIS, Las Vegas, Nevada, Estados Unidos
Brodkaster
Lumahok80
Placements15
Hindi sumali
  • Ehipto
  • Eslobenya
  • Etiyopiya
  • Guam
  • Kapuluang Turks at Caicos
  • Kasakistan
  • Kenya
  • Litwanya
  • Santa Lucia
  • Sri Lanka
  • Suwisa
  • Trinidad at Tobago
Bumalik
  • Biyetnam
  • Dinamarka
  • Kapuluang Kayman
  • Montenegro
NanaloPia Wurtzbach
 Pilipinas
CongenialityWhitney Shikongo
 Angola
Pinakamahusay na Pambansang KasuotanAniporn Chalermburanawong
 Taylandiya
PhotogenicSamantha McClung
New Zealand Bagong Silandiya
← 2014
2016 →

Ang Miss Universe 2015 ay ang ika-64 na edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Planet Hollywood Resort & Casino sa Las Vegas, Nevada, Estados Unidos noong 20 Disyembre 2015.[1] Ito ang unang edisyon ng kompetisyon na ginanap sa ilalim ng pagmamay-ari ng WME/IMG, na binili ang Miss Universe Organization mula kay Donald Trump noong 14 Setyembre 2015.[2] Dahil dito, ito ang edisyon ng kompetisyon na ipinalabas sa Fox at Azteca sa halip na sa NBC at UniMás.[3][4]

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Paulina Vega ng Kolombiya si Pia Wurtzbach ng Pilipinas bilang Miss Universe 2015.[5] Ito ang pangatlong tagumpay ng Pilipinas sa kasaysayan ng kompetisyon.[6] Nagtapos bilang first runner-up si Ariadna Gutiérrez ng Kolombya samantalang nagtapos bilang second runner-up si Olivia Jordan ng Estados Unidos.[7]

Mga kandidata mula sa walumpung mga bansa at teritoryo ang kumalahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Steve Harvey ang kompetisyon, samantalang nagsilbi bilang backstage correspondent si Roselyn Sanchez.[7] Nagtanghal sina Charlie Puth, The Band Perry, at Seal sa edisyong ito.[8]

The AXIS Theatre (kasalukuyang Bakkt Theater), ang lokasyon ng Miss Universe 2015

Lokasyon at petsa ng kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa panayam kay Miss Universe 2014 Paulina Vega noong 8 Pebrero 2015, binanggit ni Vega na gaganapin ang Miss Universe 2015 sa Beijing sa Nobyembre 2015.[9] Gayunpaman, inanunsyo ng bise-presidente ng Miss Universe Organization na si Shawn McClain noong 29 Abril 2015 na gaganapin ang kompetisyon sa Bogotá, Kolombya sa Enero 2016.[10]

Kasunod ng mga pahayag ng may-ari ng Miss Universe Organization na si Donald Trump patungkol sa mga imigranteng Mehikano sa Amerika sa isang talumpati noong 16 Hunyo 2015, binawi ng Kolombya ang kanilang bid upang idaos ang kompetisyon sa kanilang bansa dahil sa pagkondena nila kay Trump.[11] Bukod pa rito, tumanggi ang NBCUniversal at UniMás (tagahimpapawid ng kompetisyon sa wikang Espanyol) na isahimpapawid ang Miss USA 2015 pageant at winakasan ang kanilang mga karapatan sa pageant. Ito ang nagtulak kay Trump na magsampa ng kaso laban sa NBC at UniMás dahil tumanggi sila na ipalabas ang pageant.[12][13]

Noong 11 Setyembre 2015, binili ni Trump ang istaka ng NBCUniversal sa Miss Universe, kaya siya na lang ang nag-iisang may-ari ng Miss Universe Organization.[12] Kalaunan, ibinenta ni Trump ang Miss Universe Organization sa WME/IMG noong 14 Setyembre.[14]

Noong 28 Oktubre 2015, mahigit isang buwan matapos bilhin ng WME/IMG ang Miss Universe Organization kay Trump, inanunsyo ng Fox na nakuha nito ang mga karapatang isahimpapawid ang Miss Universe 2015 pageant, na gaganapin sa 20 Disyembre 2015.[15][16] Gaganapin ang kompetisyon sa AXIS Theatre ng Planet Hollywood sa Las Vegas, Nevada, Estados Unidos.[17]

Pagpili ng mga kalahok

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga kalahok mula sa walumpung mga bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Labindalawang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang bansa/teritoryo matapos maging isang runner-up sa kanilang kompetisyong pambansa o napili sa isang casting process, at tatlong kandidata ang napili matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.

Iniluklok si Miss Austria 2012 Amina Dagi bilang kandidata ng Austrya sa Miss Universe matapos na pinili ni Miss Austria 2015 Annika Grill na lumahok lamang sa Miss World, dahil sa salungatan ng iskedyul ng dalawang pageant.[18] Iniluklok rin sina Ornella Obone ng Gabon, Cynthia Samuel ng Libano, Vladislava Evtushenko ng Rusya, at Refilwe Mthimunye ng Timog Aprika upang kumatawan sa kanilang bansa dahil hindi maaaring sumali ang mga orihinal na kalahok na sina Miss Gabon 2015 Reine Ngotala, Miss Lebanon 2015 Valerie Abou Chacra, Miss Russia 2015 Sofia Nikitchuk, at Miss South Africa 2015 Liesl Laurie dahil sa kanilang pagsali sa Miss World 2015 na ginanap isang araw bago ganapin ang Miss Universe 2015.[19][20][21][22]

Iniluklok ang second runner-up ng Miss Croatia 2015 na Mirta Kuštan upang palitan ang orihinal na nagwagi na si Barbara Ljiljak bilang kinatawan ng Kroasya matapos nitong magkaroon ng pinsala sa kanyang braso.[23][24] Iniluklok ang first runner-up ng Miss Mauritius 2014 na si Sheetal Khadun dahil sa hindi pagtupad ng mga obligasyon ng orihinal na Miss Mauritius na si Kushboo Ramnawaj.[25][26] Iniluklok si Miss Earth Paraguay 2015 Myriam Arévalos upang maging Miss Universe Paraguay 2015 dahil ang orihinal na nagwagi Laura Garcete ay nabuntis sa kasagsagan ng kanyang panunungkulan.[27] Dahil nagkaroon ng salungatan sa iskedyul ng Miss Universe 2015 at Miss France 2016 kung saan obligadong dumalo si Miss France 2015 Camille Cerf ayon sa kanyang kontrata, iniluklok si Miss France 2014 Flora Coquerel upang lumahok sa edisyong ito.[28]

Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Montenegro at Kapuluang Kayman na huling sumali noong 2012, at Biyetnam at Dinamarka na huling sumali noong 2013. Iniluklok si Aigerim Smagulova upang kumatawan sa Kasakistan upang palitan si Miss Universe Kazakhstan 2015 Regina Valter dahil napagdesisyunan niyang sumali na lamang sa susunod na edisyon. Gayunpaman, umurong sa kompetisyon si Smagulova dahil sa mga personal na dahilan. Dapat sanang lalahok si Miss Universe Slovenia 2015 Ana Haložan, ngunit naaksidente ito noong nakarating na siya sa Las Vegas, dahilan upang maospital at bumitiw sa kompetisyon.[29] Nagkaroon ito ng mga seizure at ang kanyang mukha ay bahagyang paralisado.[30] Bagama't nagbitiw na sa kompetisyon, binigyan pa rin ng pagkakaton si Haložan upang rumampa sa entablo sa live telecast.[31][32] Hindi sumali ang mga bansang Ehipto, Etiyopiya, Guam, Kapuluang Turks at Caicos, Kenya, Litwanya, Santa Lucia, Sri Lanka, Suwisa, at Trinidad at Tobago matapos na mabigo ang kanilang mga organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.[33]

Noong una, hindi dapat lalahok ang mga bansang Kosta Rika, Mehiko, at Panama sa edisyong ito dahil sa mga pahayag ni Donald Trump patungkol sa mga imigrante sa Mehiko.[34][35] Gayunpaman, pagkatapos ng ibenta sa WME/IMG ang Miss Universe Organization, nagpasya ang tatlong bansa na lumahok sa Miss Universe.[36]

Mga insidente sa panahon ng kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Si Ariadna Gutiérrez, first runner-up sa Miss Universe 2015

Nakatanggap ng atensyon ng media sa buong mundo ang final telecast ng edisyong ito dahil sa isang pagkakamaling nagawa tungkol sa nanalo.[37] Noong una, inanunsyo ng host na si Steve Harvey na ang nagwagi sa kompetisyon ay si Ariadna Gutiérrez ng Kolombya. Ilang minuto matapos ang kanyang koronasyon, bumalik si Harvey sa entablado upang humingi ng paumanhin, at sinabing si Gutiérrez ang first runner-up habang si Pia Wurtzbach ng Pilipinas ang nagwagi.[38] Kalaunan ay sinabi niya na siya ay nalito nang basahin ang pangalan ng nagwagi dahil ang parehong pangalan ay nasa card at napansin lamang niya ang "1st" sa pangalan ng Kolombya.[39] Dahil dito, binawi ni Miss Universe 2014 Paulina Vega ang sintas sa baywang at korona mula kay Gutiérrez at koronahan si Wurtzbach bilang ang kanyang kahalili.[40] Pagkatapos ng koronasyon ni Wurtzbach, napaluha si Gutiérrez dahil sa insidente habang napapaligiran ng kanyang mga kasamang kandidata. Sinubukan ni Wurtzbach na sumali at kausapin si Gutiérrez, ngunit sinabihan siya ng ilan sa kanyang mga kasamang kandidato na "umatras", habang ang iba ay buo siyang hindi pinansin.[41][42]

Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss Universe 2015 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagkakalagay Kandidata
Miss Universe 2015
1st runner-up
2nd runner-up
Top 5
Top 10
Top 15

Mga espesyal na parangal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Parangal Nagwagi
Miss Congeniality
Miss Photogenic

Best National Costume

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagkakalagay Kandidata
Nagwagi
Top 5

Pormat ng kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tulad noong 2014, labinlimang semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon at ang mga closed-door interview. Lumahok sa swimsuit competition ang labinlimang mga semi-finalist, at kalaunan ay pinili ang sampung mga semifinalist. Lumahok sa evening gown competition ang sampung mga semifinalist at kalaunan ay pinili ang limang pinalista. Limang pinalista ang sumabak sa paunang question-and-answer round.[48] Gayunpaman, sa unang pagkakataon simula noong 2000, mula sa lima, tatlong pinalista naman ang aabante sa susunod na round at sasabak sa final question at final walk.[49] Sa unang pagkakataon, nagkaroon ng isang real-time voting system sa kompetisyon kung saan maaaring bigyan ng mga manonood ang mga kandidata ng iskor habang nagaganap ang isang parte ng kompetisyon. Kasama ng mga hurado ang global vote at ang mga kandidatang hindi kabilang sa tatlong pinalista sa pagpili ng susunod na hihiranging Miss Universe.[50]

Komite sa pagpili

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Paunang kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Erika Albies – Bise-presidente ng Global Fashion Communications sa IMG[51]
  • Erin Brady – Miss USA 2013 mula sa Connecticut[51]
  • Julio Caro – Producer para sa pelikula at telebisyon at talent manager[51]
  • Keiko Uraguchi – Director of Digital Partnerships para sa WME/IMG[51]
  • Nischelle Turner – Korespoden sa Entertainment Tonight[51]
  • Rocky Motwani – Negosyante, co-founder ng Jiko Services[51]
  • Zak Soreff – Entertainment marketing expert[51]

Final telecast

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Emmitt Smith – Dating manlalaro ng propesyonal at pangkolehiyong putbol[52]
  • Niecy Nash – Aktres na nanomina para sa Gawad Emmy
  • Olivia Culpo – Miss Universe 2012 mula sa Estados Unidos
  • Perez Hilton – Blogger, kolumnista, at personalidad sa telebisyon

Mga kandidata

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Walumpung kandidata ang kumalahok para sa titulo.[53]

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
Albanya Albanya Megi Luka[54] 19 Fushë-Krujë
Alemanya Alemanya Sarah-Lorraine Riek[55] 22 Leipzig
Angola Anggola Whitney Shikongo[56] 20 Huíla
Arhentina Arhentina Claudia Barrionuevo[57] 24 Salta
Aruba Aruba Alysha Boekhoudt[58] 20 Oranjestad
Australia Australya Monika Radulovic[59] 25 Sydney
Austria Austrya Amina Dagi[18] 20 Viena
New Zealand Bagong Silandiya Samantha McClung[60] 25 Christchurch
Bahamas Bahamas Toria Nichole Penn[61] 27 Nassau
Belhika Belhika Annelies Törös[62] 20 Antwerp
Venezuela Beneswela Mariana Jimenez[63] 21 Caracas
Vietnam Biyetnam Phạm Thị Hương[64] 24 Hải Phòng
Brazil Brasil Marthina Brandt[65] 23 Vale Real
Bulgaria Bulgarya Radostina Todorova[66] 20 Vratsa
Bolivia Bulibya Romina Rocamonje[67] 23 Santa Cruz
Curaçao Curaçao Kanisha Sluis[68] 19 Willemstad
Denmark Dinamarka Cecilie Wellemberg[69] 21 Copenhague
Ecuador Ekwador Francesca Cipriani[70] 22 Guayaquil
El Salvador El Salbador Idubina Rivas[71] 22 San Salvador
Slovakia Eslobakya Denisa Vyšnovská[72] 20 Prievidza
Espanya Espanya Carla García[73] 25 Las Palmas
Estados Unidos Estados Unidos Olivia Jordan[74] 27 Tulsa
Gabon Gabon Ornella Obone[75] 19 Oyem
Ghana Gana Hilda Akua[76] 26 Kumasi
United Kingdom Gran Britanya Nena France[77] 25 Londres
Greece Gresya Mikaela-Eleni Fotiadi[78] 21 Atenas
Guatemala Guwatemala Jeimmy Aburto[79] 21 Lungsod ng Guwatemala
 Guyana Shauna Ramdyhan[80] 25 Georgetown
Jamaica Hamayka Sharlene Rädlein[81] 25 Kingston
Hapon Hapon Ariana Miyamoto[82] 21 Nagasaki
Haiti Hayti Lisa Drouillard[83] 23 Port-au-Prince
Heorhiya Heorhiya Janet Kerdikoshvili[84] 24 Tbilisi
Honduras Iroshka Elvir[85] 24 Choluteca
India Indiya Urvashi Rautela[86] 21 Mumbai
Indonesia Indonesya Anindya Kusuma Putri[87] 23 Semarang
Irlanda (bansa) Irlanda Joanna Cooper[88] 21 Derry
Israel Israel Avigail Alfatov[89] 19 Acre
Italya Italya Giada Pezzaioli[90] 22 Montichiari
Canada Kanada Paola Nunez[91] 24 Toronto
Kapuluang Birheng Britaniko Kapuluang Birheng Britaniko Adorya Rocio Baly[92] 22 Tortola
Cayman Islands Kapuluang Kayman Tonie Chisholm[93] 27 Grand Cayman
Colombia Kolombiya Ariadna Gutiérrez[94] 21 Sincelejo
Kosovo Kosobo Mirjeta Shala[95] 21 Vučitrn
Costa Rica Kosta Rika Brenda Castro[96] 23 Limón
Croatia Kroasya Mirta Kuštan[97] 22 Krapinske Toplice
Lebanon Libano Cynthia Samuel[98] 20 Beirut
Malaysia Malaysia Vanessa Tevi Kumares[99] 24 Seremban
Mauritius Mawrisyo Sheetal Khadun[100] 26 Rose-Hill
Mexico Mehiko Wendolly Esparza[101] 24 Aguascalientes
Myanmar Miyanmar May Barani Thaw[102] 25 Yangon
Montenegro Montenegro Maja Čukić[103] 20 Podgorica
Niherya Niherya Debbie Collins[104] 23 Lagos
Nicaragua Nikaragwa Daniela Torres[105] 25 Managua
Norway Noruwega Martine Rødseth[106] 24 Oslo
Netherlands Olanda Jessie Jazz Vuijk[107] 20 Amsterdam
Panama Panama Gladys Brandao[108] 24 La Villa de los Santos
Paraguay Paragway Myriam Arévalos[109] 25 Asunción
Peru Peru Laura Spoya[110] 24 Lima
Pilipinas Pilipinas Pia Wurtzbach[111] 26 Cagayan de Oro
Finland Pinlandiya Rosa-Maria Ryyti[112] 21 Oulu
Poland Polonya Weronika Szmajdzińska[113] 21 Szczecin
Puerto Rico Porto Riko Catalina Morales[114] 24 Caguas
 Portugal Emilia Araújo[53] 24 Lisbon
Pransiya Pransiya Flora Coquerel[115] 21 Orléanais
Republikang Dominikano Republikang Dominikano Clarissa Molina[116] 24 Moca
Republikang Tseko Republikang Tseko Nikol Švantnerová[117] 22 Šumperk
Rusya Rusya Vladislava Evtushenko[118] 19 Chita
Serbiya Serbiya Daša Radosavljević[119] 19 Kragujevac
Singapore Singapura Lisa Marie White[120] 22 Singapore
Suwesya Suwesya Paulina Brodd[121] 21 Estokolmo
Tanzania Tansaniya Lorraine Marriot[122] 20 Dar es Salaam
Thailand Taylandiya Aniporn Chalermburanawong[123] 21 Lampang
South Africa Timog Aprika Refilwe Mthimunye[22] 23 Pretoria
Timog Korea Timog Korea Kim Seo-yeon[124] 23 Seoul
Chile Tsile María Belén Jerez[125] 26 Viña del Mar
Republikang Bayan ng Tsina Tsina Jessica Xue[126] 21 Shenzhen
Turkey Turkiya Asli Melisa Uzun[127] 19 Ankara
Ukraine Ukranya Anna Vergelskaya[128] 26 Kyiv
Hungary Unggarya Nikoletta Nagy[129] 19 Budapest
Uruguay Uruguay Bianca Sánchez[130] 20 Montevideo
  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Miss Universe 2015 pageant gets a confirmed date". Rappler (sa wikang Ingles). 29 Oktubre 2015. Nakuha noong 30 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Koblin, John (14 Setyembre 2015). "Trump Sells Miss Universe Organization to WME-IMG Talent Agency". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Nakuha noong 30 Setyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Stelter, Brian (25 Hunyo 2015). "Univision dumps Trump, cancels Miss USA over his comments about Mexicans". CNN Money (sa wikang Ingles). Nakuha noong 24 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Hibberd, James (29 Hunyo 2015). "Donald Trump slams 'weak, foolish' NBC". Entertainment Weekly (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Hunyo 2015. Nakuha noong 24 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "PH's Pia Wurtzbach wins Miss Universe 2015". Rappler (sa wikang Ingles). 21 Disyembre 2015. Nakuha noong 24 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Tinio, Norman (21 Disyembre 2015). "Miss Universe 2015: A crown 42 years in the making". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 Gambino, Lauren (21 Disyembre 2015). "Steve Harvey's Miss Universe winner error will live in TV pageant infamy". The Guardian (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Setyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Friedlander, Whitney (14 Disyembre 2015). "TV News Roundup: Miss Universe Performers; 'Underground' Premiere Date". Variety (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Miss Universo 2015 será en Beijing, China" [Miss Universe 2015 will be in Beijing, China]. La Prensa (sa wikang Kastila). 8 Pebrero 2015. Nakuha noong 27 Hunyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Miss Universo 2016 sería en Bogotá: Shawn McClain, vicepresidente del certamen" [Miss Universe 2016 would be in Bogotá: Shawn McClain, vice president of the pageant]. El Heraldo (sa wikang Kastila). 29 Abril 2015. Nakuha noong 16 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Miss Universe defends keeping crown despite Trump row". BBC News (sa wikang Ingles). 7 Hulyo 2015. Nakuha noong 27 Abril 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 Parker, Ryan (11 Setyembre 2015). "Donald Trump Buys NBC's Stake in Miss Universe". The Hollywood Reporter (sa wikang Ingles). Nakuha noong 27 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Basu, Tanya (30 Hunyo 2015). "Mexico Quits Donald Trump's Miss Universe". Time (sa wikang Ingles). Nakuha noong 27 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "WME | IMG Acquires Donald Trump's Miss Universe Organization". The Hollywood Reporter (sa wikang Ingles). 14 Setyembre 2015. Nakuha noong 26 Hunyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Koblin, John (28 Oktubre 2015). "Miss Universe Organization Joins Forces With Fox". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Nakuha noong 13 Hulyo 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Swift, Andy (28 Oktubre 2015). "Miss Universe and Miss USA Pageants Find New Home on Fox". TVLine (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Miss Universe 2015 pageant gets a confirmed date". Rappler (sa wikang Ingles). 29 Oktubre 2015. Nakuha noong 13 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. 18.0 18.1 "Amina Dagi wird recycled, Annika Grill goes China". Kronen Zeitung (sa wikang Aleman). 14 Oktubre 2015. Nakuha noong 30 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Reine Ngotala is Miss Gabon 2015". Gabonews (sa wikang Ingles). 27 Abril 2015. Nakuha noong 16 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Cynthia Samuel to represent Lebanon at Miss Universe 2015 pageant". Lebanese Broadcasting Corporation International (sa wikang Ingles). 24 Nobyembre 2015. Nakuha noong 16 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "Sofia Nikitchuk wins Miss Russia -2015" title". TASS (sa wikang Ingles). 19 Abril 2015. Nakuha noong 16 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. 22.0 22.1 Molobi, Stephens (26 Nobyembre 2015). "SA beauties ready to take on the world!". Daily Sun (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "Barbara Ljiljak crowned Miss Universe Croatia 2015". The Times of India (sa wikang Ingles). 14 Hunyo 2015. Nakuha noong 16 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Perić, Luka (30 Nobyembre 2015). ""Bilo bi lijepo predstavljati Hrvatsku u Las Vegasu, ali zauzeta sam svojom modnom karijerom"" ["It would be nice to represent Croatia in Las Vegas, but I'm busy with my fashion career"]. Zadarski list (sa wikang Kroato). Nakuha noong 18 Enero 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  25. "Miss Mauritius 2014: Kushboo Ramnawaj sacrée reine" [Miss Mauritius 2014: Kushboo Ramnawaj crowned queen]. L'Express (sa wikang Pranses). 25 Hunyo 2014. Nakuha noong 16 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "Kushboo Ramnawaj, Miss Mauritius 2014 : Yannah, la star de Rivière du Poste" [Kushboo Ramnawaj, Miss Mauritius 2014: Yannah, the star of Rivière du Poste]. Le Mauricien (sa wikang Pranses). 3 Hulyo 2014. Nakuha noong 16 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. "Demandarán a "Miss Paraguay 2015"" [They will sue "Miss Paraguay 2015"]. Diario Extra (sa wikang Kastila). 7 Nobyembre 2015. Nakuha noong 16 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. Vogel, Magali (4 Nobyembre 2015). "Miss Univers 2015 : pourquoi Flora Coquerel représente la France et pas Camille Cerf ?" [Miss Universe 2015: why Flora Coquerel represents France and not Camille Cerf?]. Télé Star (sa wikang Pranses). Nakuha noong 16 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. "Slovenian Miss Universe out of Las Vegas beauty pageant". Radiotelevizija Slovenija (sa wikang Ingles). 12 Disyembre 2015. Nakuha noong 16 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. "Miss Eslovenia sufre un accidente y se retira de Miss Universo" [Ana Halozan, Miss Slovenia 2015, suffers an accident and withdraws from Miss Universe]. Telemundo (sa wikang Kastila). 14 Disyembre 2015. Nakuha noong 16 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. Vulpo, Mike (21 Disyembre 2015). "Miss Universe Slovenia Makes Inspiring Appearance at Pageant After Right Side of Her Face Was Paralyzed". E! Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 16 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. "Touching Moment at 'Miss Universe' After Seizure Leaves Contestant Partially Paralyzed". Yahoo Entertainment (sa wikang Ingles). 21 Disyembre 2015. Nakuha noong 16 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. "T&T pulls out of Miss Universe Pageant". Trinidad Express Newspapers (sa wikang Ingles). 19 Oktubre 2015. Nakuha noong 16 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. Fisher, Luchina (7 Hulyo 2015). "Miss USA and Miss Universe Pageants: Where Things Stand". ABC News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 16 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. Kludt, Tom (30 Hunyo 2015). "Mexico pulls out of Trump's Miss Universe pageant". CNN Money (sa wikang Ingles). Nakuha noong 16 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. "México sí que participará en Miss Universo tras la salida de Trump" [Mexico will participate in Miss Universe after Trump's departure]. El Mundo (sa wikang Kastila). 29 Oktubre 2015. Nakuha noong 16 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. "Crown slips as Miss Universe 2015 host names the wrong woman as winner". The Guardian (sa wikang Ingles). 21 Disyembre 2015. ISSN 0261-3077. Nakuha noong 16 Hulyo 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. Brisco, Elise (8 Abril 2021). "'The worst week of my life': Steve Harvey recalls 'painful' Miss Universe name mix up". USA Today (sa wikang Ingles). Nakuha noong 16 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. Ford, Dana (21 Disyembre 2015). "Wrong contestant crowned at Miss Universe 2015". CNN (sa wikang Ingles). Nakuha noong 16 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. Otis, John (23 Disyembre 2015). "Miss Universe Snub Is No Laughing Matter in Colombia". Time (sa wikang Ingles). Nakuha noong 16 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. Lee, Min Kok (22 Disyembre 2015). "'Unseen' footage shows Miss Universe contestants snubbing Miss Philippines in favour of Miss Colombia after mix-up". The Straits Times (sa wikang Ingles). ISSN 0585-3923. Nakuha noong 16 Hulyo 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. "Miss Colombia Ariadna Gutierrez 'Cried a Ton' After Mistaken Crowning". ABC News (sa wikang Ingles). 5 Enero 2016. Nakuha noong 16 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. 43.0 43.1 43.2 43.3 43.4 Vila, Alixandra Caole (21 Disyembre 2015). "FULL TEXT: Miss Universe 2015 Q&A with top 5 contestants". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. 44.0 44.1 44.2 44.3 44.4 "Miss Universe 2015: Top 10". The Times of India (sa wikang Ingles). 21 Disyembre 2015. Nakuha noong 8 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. 45.0 45.1 45.2 45.3 45.4 "Miss Universe PH 2015 Pia Wurtzbach in Top 15 of final". Rappler (sa wikang Ingles). 21 Disyembre 2015. Nakuha noong 8 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. "Het ballenmeisje: Samantha McClung" [The Ball Girl: Samantha McClung]. ELF Voetbal (sa wikang Olandes). 12 Hunyo 2017. Nakuha noong 8 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. Cox, Lauren (21 Disyembre 2015). "Miss Thailand Wins Best National Costume At Miss Universe 2015". Hollywood Life (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  48. Vila, Alixandra Caole (21 Disyembre 2015). "FULL TEXT: Miss Universe 2015 Q&A with top 5 contestants". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 16 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  49. "Miss Universe PH 2015 Pia Wurtzbach in Top 3 of final". Rappler (sa wikang Ingles). 21 Disyembre 2015. Nakuha noong 16 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  50. Jimenez, Joyce (18 Disyembre 2015). "Miss Universe 2015 launches real-time voting". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 16 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  51. 51.0 51.1 51.2 51.3 51.4 51.5 51.6 "Photo recap: Miss Universe 2015 preliminary competition". Rappler (sa wikang Ingles). 17 Disyembre 2015. Nakuha noong 16 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  52. Piwowarski, Allison (20 Disyembre 2015). "Who Are The Miss Universe 2015 Judges? Here's What You Need To Know About The Released Names". Bustle (sa wikang Ingles). Nakuha noong 16 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  53. 53.0 53.1 Fears, Shannon (11 Disyembre 2015). "First look: All 80 Miss Universe contestants". Seattle Post-Intelligencer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  54. "Megi Luka, ja kush është fituesja e "Miss Universe Albania 2015"". InfoMedia Albania (sa wikang Albanes). 20 Setyembre 2015. Nakuha noong 1 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  55. Blair, Olivia (24 Disyembre 2015). "Miss Universe 2015: Miss Germany apologises after criticising Miss Philippines' win". The Independent (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  56. "Witney Shikongo elected Miss Angola 2015". Angola Press News Agency (sa wikang Ingles). 20 Disyembre 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Marso 2015. Nakuha noong 30 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  57. "Claudia Barrionuevo is Miss Universe Argentina 2015". The Times of India (sa wikang Ingles). 31 Oktubre 2015. Nakuha noong 1 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  58. "Alysha Boekhoudt ta Miss Aruba 2015!!". NoticiaCla (sa wikang Ingles). 23 Agosto 2015. Nakuha noong 1 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  59. Dumas, Daisy (6 Hunyo 2015). "Bosnian refugee Monika Radulovic crowned Miss Universe Australia". The Sydney Morning Herald (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Hulyo 2021. Nakuha noong 30 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  60. "Samantha McClung wins Miss Universe NZ 2015". Stuff (sa wikang Ingles). 25 Oktubre 2015. Nakuha noong 30 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  61. Cadet, Alesha (15 Setyembre 2015). "Three queens crowned at Miss Bahamas 2015 pageant". The Tribune (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  62. Torfs, Michaël (11 Enero 2015). "Annelies Törös is the new Miss Belgium". VRT (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  63. "La modelo Mariana Jiménez, coronada Miss Venezuela 2014". El Mundo (sa wikang Kastila). 10 Oktubre 2014. Nakuha noong 30 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  64. "Phạm Thị Hương: 'Tôi tự tin mình có tư cách tốt'". VnExpress (sa wikang Biyetnames). 4 Oktubre 2015. Nakuha noong 30 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  65. "Gaúcha Marthina Brandt é eleita Miss Brasil 2015". G1 (sa wikang Portuges). 19 Nobyembre 2015. Nakuha noong 30 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  66. "Why Miss Bulgaria trended on Twitter". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 22 Disyembre 2015. Nakuha noong 1 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  67. "Romina Rocamonje es elegida Miss Bolivia Universo 2014". El País Tarija (sa wikang Kastila). 1 Agosto 2014. Nakuha noong 1 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  68. "Curaçao's most beautiful: Miss Universe 2015 Kanisha Sluis". Curaçao Chronicle (sa wikang Ingles). 15 Hunyo 2015. Nakuha noong 1 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  69. "Miss Rungsted Kyst er ny Miss Universe Denmark". Sjællandske Nyheder (sa wikang Danes). 20 Agosto 2015. Nakuha noong 1 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  70. "Francesca Cipriani Burgos es Miss Ecuador 2015" [Francesca Cipriani Burgos is Miss Ecuador 2015]. El Universo (sa wikang Kastila). 14 Marso 2015. Nakuha noong 19 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  71. Mendez, N. (2 Disyembre 2021). "Entre lorocos, elotes y mucha playa: Exreina de belleza Idubina Rivas muestra a su pareja lo mejor de El Salvador". Noticias de El Salvador (sa wikang Kastila). Nakuha noong 21 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  72. "Miss Universe 2015 je Denisa Vyšňovská z Prievidze". Teraz.sk (sa wikang Eslobako). 6 Marso 2015. Nakuha noong 25 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  73. "Carla García, Miss Universo España 2015". El Diario Vasco (sa wikang Kastila). 31 Hulyo 2015. Nakuha noong 1 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  74. Plucinska, Joanna (12 Hulyo 2015). "Miss Oklahoma Olivia Jordan Is the new Miss USA". Time (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  75. Stephen, Krystel (15 Disyembre 2015). "Miss Gabon,Ornella Obone". Le Journal des femmes (sa wikang Pranses). Nakuha noong 25 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  76. Dela Cruz, Paula (7 Setyembre 2015). "Controversies surround Miss Universe Ghana 2015". The Christian Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 25 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  77. "Narissara France is Miss Universe Great Britain 2015". The Times of India (sa wikang Ingles). 28 Hunyo 2015. Nakuha noong 1 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  78. "H Μικαέλα Φωτιάδη είναι ηいーた νέα Σしぐまτたうαあるふぁρろー Ελλάς (ΦふぁいΩおめがΤたうΟおみくろん-VIDEO)". Parapolitika (sa wikang Griyego). 19 Enero 2017. Nakuha noong 1 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  79. "Jeimmy Aburto fue coronada como la nueva Miss Guatemala 2015". Soy 502 (sa wikang Kastila). 20 Setyembre 2015. Nakuha noong 25 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  80. Dhanraj, Joanna (21 Nobyembre 2015). "Shauna Ramdyhan is Miss Guyana Universe". Stabroek News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 25 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  81. "'Miracle child' - Miss Universe Jamaica 2015 Sharlene Radlein". The Gleaner (sa wikang Ingles). 2 Setyembre 2015. Nakuha noong 25 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  82. "The First Multiracial Miss Universe Japan Has Been Crowned". NBC News (sa wikang Ingles). 18 Marso 2015. Nakuha noong 30 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  83. "Miss Haiti Lisa Drouillard Set To Compete In Miss Universe Pageant". The Haitian Times (sa wikang Ingles). 18 Disyembre 2015. Nakuha noong 30 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  84. "Stunning Janet Kerdikoshvili to present Georgia at Miss Universe 2015". Georgian Journal (sa wikang Ingles). 23 Oktubre 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Oktubre 2020. Nakuha noong 25 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  85. "Controversia en Miss Universo Honduras con elección de dos reinas". La Prensa (sa wikang Kastila). 22 Nobyembre 2015. Nakuha noong 1 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  86. "Miss Universe candidate from U'khand credits her beauty to 'pahadi' air". Hindustan Times. 20 Disyembre 2015. Nakuha noong 1 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  87. "Anindya Kusuma Putri, Puteri Indonesia 2015". Detik.com. 20 Pebrero 2015. Nakuha noong 30 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  88. Rabbitt, Eimear (12 Pebrero 2018). "Meet Derry model Joanna Cooper - the beauty queen who stole Conor Murray's heart". Irish Independent (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  89. "From fencing champ to beauty queen: Meet the reigning Miss Israel". The Jerusalem Post (sa wikang Ingles). 11 Disyembre 2015. Nakuha noong 1 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  90. "Giada Pezzaioli, l'italiana a Miss Universo". Quotidiano Nazionale (sa wikang Italyano). 18 Disyembre 2015. Nakuha noong 1 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  91. Ferreras, Jesse (25 Mayo 2015). "How Miss Universe Canada 2015 Paola Nunez Valdez Overcame Bullying". HuffPost (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  92. "2 Queens, 2 countries; Sasha O. E. Wintz & Adorya R. Baly @ international pageants!". Virgin Islands News Online (sa wikang Ingles). 29 Nobyembre 2015. Nakuha noong 25 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  93. "Tonie Chisholm wears Miss Cayman 2015 crown". Cayman Compass (sa wikang Ingles). 2 Pebrero 2015. Nakuha noong 25 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  94. "«Este era mi año» Ariadna Gutiérrez, Señorita Colombia 2014-2015". El Espectador (sa wikang Kastila). 18 Nobyembre 2014. Nakuha noong 30 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  95. Rodriguez, Harry (15 Oktubre 2015). "Candidatas recicladas ganan por segunda vez sus concursos locales". Metro International (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Nobyembre 2015. Nakuha noong 25 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  96. "Miss Costa Rica 2015 is Brenda Castro". The Times of India (sa wikang Ingles). 10 Agosto 2015. Nakuha noong 25 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  97. ""Bilo bi lijepo predstavljati Hrvatsku u Las Vegasu, ali zauzeta sam svojom modnom karijerom"". Zadarski list (sa wikang Kroato). 30 Nobyembre 2015. Nakuha noong 25 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  98. Al Shatti, Nouriah (22 Hunyo 2020). "Cynthia Samuel Reveals What Lies Central to Her Multi-Passionate Life". Vogue Arabia. Nakuha noong 30 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  99. Kam, Patsy (24 Abril 2015). "Up close and personal with Miss Universe Malaysia 2015". The Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  100. "MISS UNIVERSE 2015: Maurice première au classement du… pire défilé". Le Mauricien (sa wikang Pranses). 6 Enero 2016. Nakuha noong 25 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  101. "Wendolly Esparza, de Aguascalientes, se lleva la corona de Nuestra Belleza México 2014" [Wendolly Esparza, from Aguascalientes, takes the crown of Nuestra Belleza México 2014]. 20 minutos (sa wikang Kastila). 26 Oktubre 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Nobyembre 2014. Nakuha noong 30 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  102. "Myanmar picks Miss Universe hopefuls". Coconuts Media (sa wikang Ingles). 5 Oktubre 2015. Nakuha noong 25 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  103. Zogović, Mirela (19 Disyembre 2015). "Kladioničari: Male šanse da pobijede Crnogorke" [Bookmakers: Little chance to beat the Montenegrins]. Vijesti (sa wikang Serbiyo). Nakuha noong 23 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  104. "The Most Beautiful Girl in Nigeria MBGN 2015 is Unoaku Anyadike". BellaNaija (sa wikang Ingles). 24 Oktubre 2015. Nakuha noong 8 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  105. Solano, Martha (7 Marso 2015). "Daniela Torres es Miss Nicaragua 2015" [Daniela Torres is Miss Nicaragua 2015]. La Prensa (sa wikang Kastila). Nakuha noong 8 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  106. Hansen, Martha-Lill Nordby (21 Disyembre 2015). "Martine røk ut, men levde drømmen" [Martine quits, but lived the dream]. Glåmdalen (sa wikang Noruwego). Nakuha noong 8 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  107. "Jessie-Jazz Vuijk wint Miss Nederland-verkiezing". NU.nl (sa wikang Olandes). 8 Setyembre 2015. Nakuha noong 1 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  108. Sotillo, Irlanda (25 Agosto 2015). "Gladys Brandao es la Miss Panamá 2015" [Gladys Brandao is Miss Panama 2015]. La Prensa (sa wikang Kastila). Nakuha noong 8 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  109. "Demandarán a "Miss Paraguay 2015"". Diario Extra (sa wikang Kastila). 7 Nobyembre 2015. Nakuha noong 30 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  110. "Miss Perú 2015: Laura Spoya se coronó como la nueva reina de belleza" [Miss Peru 2015: Laura Spoya was crowned the new beauty queen]. Perú.21 (sa wikang Kastila). 3 Hunyo 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Hunyo 2015. Nakuha noong 8 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  111. "Wurtzbach finally bags crown, to vie for Miss Universe". ABS-CBN News. 16 Marso 2015. Nakuha noong 30 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  112. "Miss Suomi sai nuorena kuittailua ulkonäöstään – "halusin olla lyhyempi"" [Miss Finland was criticized for her appearance when she was young - "I wanted to be shorter"]. MTV3 (sa wikang Pinlandes). 18 Abril 2015. Nakuha noong 8 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  113. Chilewicz, Patryk (31 Oktubre 2015). "Wiemy, Kto Będzie Reprezentował Polskę na Miss Universe" [We know who will represent Poland at Miss Universe]. Onet Plejada (sa wikang Polako). Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Nobyembre 2015. Nakuha noong 8 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  114. "Futura abogada es reina" [Future lawyer is queen]. La Prensa (sa wikang Kastila). 10 Oktubre 2014. Nakuha noong 1 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  115. Vogel, Magali (4 Nobyembre 2015). "Miss Univers 2015 : pourquoi Flora Coquerel représente la France et pas Camille Cerf ?". Télé Star (sa wikang Pranses). Nakuha noong 30 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  116. "Una modelo de 23 años, Miss República Dominicana". Heraldo de Aragón (sa wikang Kastila). 31 Agosto 2015. Nakuha noong 30 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  117. "Českou Miss 2015 je nejvyšší z finalistek Nikol Švantnerová" [Nikol Švantnerová is the highest among the finalists of the Czech Miss 2015]. Týden (sa wikang Tseko). 28 Marso 2015. Nakuha noong 8 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  118. "Miss Universe Turkey, Russia pose for 'peace' at Las Vegas camp". Daily Sabah (sa wikang Ingles). 8 Disyembre 2015. Nakuha noong 8 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  119. "Dasa Radosavljevic crowned Miss Universe Serbia". The Times of India (sa wikang Ingles). 9 Oktubre 2014. Nakuha noong 8 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  120. Heng, Melissa (4 Agosto 2016). "Beauty queen who wants to be herself". The Straits Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  121. Ericsson, Eva (Hulyo 31, 2015). "Paulina Brodd från Haninge representerar Sverige i Miss Universum" [Paulina Brodd from Haninge represents Sweden in Miss Universe]. Sveriges Radio (sa wikang Suweko). Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Abril 2021. Nakuha noong Hunyo 3, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  122. "It is Lorrain Marriot at Miss Universe". The Citizen Tanzania (sa wikang Ingles). 27 Nobyembre 2015. Nakuha noong 8 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  123. "Phuket News: Phuket teen runner-up in Miss Universe Thailand pageant". The Phuket News (sa wikang Ingles). 20 Hulyo 2015. Nakuha noong 30 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  124. "Gorgeous Ewha Womans University student Kim Seo Yeon wins Miss Korea 2014". Allkpop (sa wikang Ingles). 15 Hulyo 2014. Nakuha noong 8 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  125. Woo, Eduardo (27 Nobyembre 2015). "Conoce a María Belén Jerez, la nueva Miss Chile para Miss Universo 2015". Radio Bío-Bío (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Enero 2022. Nakuha noong 1 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  126. "The power of beauty". The Sunday Times (sa wikang Ingles). 11 Oktubre 2015. Nakuha noong 8 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  127. "Türkiye güzeli Aslı Melisa Uzun dünyayı salladı!" [Miss Türkiye Aslı Melisa Uzun shook the world!]. Hürriyet (sa wikang Turko). 4 Agosto 2017. Nakuha noong 8 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  128. "Anna Verhelska is Miss Universe Ukraine 2015". The Times of India (sa wikang Ingles). 23 Oktubre 2015. Nakuha noong 8 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  129. Orbán, Violetta (7 Hulyo 2015). "A Miss Universe Hungary győztesét kritizálják! Fotókon Nagy Nikoletta" [The winner of Miss Universe Hungary is criticized! Nikoletta Nagy in photos]. Femina (sa wikang Unggaro). Nakuha noong 8 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  130. "Bianca Sanchez es la nueva y flamante Miss Universo Uruguay 2015" [Bianca Sanchez is the new and brand new Miss Universe Uruguay 2015]. Net Uruguay (sa wikang Kastila). 27 Abril 2015. Nakuha noong 8 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]