(Translated by https://www.hiragana.jp/)
Monarkiya - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Monarkiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang pagsasalarawan noong ika-19 na siglo ni Emperador Jinmu, unang Emperador ng Hapon.

Ang monarkiya (Kastila: monarquía) ay isang anyo ng pamahalaan na ang kataas-taasang kapangyarihan ay lubusan o naturingang inilalagak sa isang indibiduwal, ang pinuno ng estado, na kadalasang panghabang-buhay o hanggang pagbibitiw, at "buong itong hinihiwalay mula sa lahat ng kasapi ng estado."[1] Tinatawag na monarko ang namumuno sa monarkiya. Ito ang karaniwang anyo ng pamahalaan sa mundo noong unang at unang panahon.

Dating pangkaraniwang uri ng pamahalaan ang monarkiya hanggang sa ika-19 dantaon, subalit hindi na laganap sa kasalukuyan. Kung saan naman ito kasalukuyang ginagamit, kadalasang monarkiyang konstitusyunal ang pinaiiral, kung saan ang napapanatili ang legal at seremonyal na papel ng monarkiya, subalit limitado o walang kapangyarihang pampolitika: sa ilalim ng nasusulat o hindi nasusulat na saligang batas, ang iba naman ay may kapangyarihang mamahala.

Ang salitang monarkiya ay nagmula sa mga salitang galing sa Wikang Griyego na μονάρχης, monárkhēs (mula sa monos, μόνος, "isa/pang-isahan", at ρろーχかいωおめが, árkhō, "pamunuan" (katulad archon, ἄρχων, "pinuno")) na tumutukoy sa isahan o o natatanging pamumuno.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Bouvier, John, and Francis Rawle. Bouvier's Law Dictionary and Concise Encyclopedia. 1914. 2237–2238.


PamahalaanTaoPolitika Ang lathalaing ito na tungkol sa Pamahalaan, Tao at Politika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.