(Translated by https://www.hiragana.jp/)
Monique Wilson - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Monique Wilson

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Monique Wilson
Kapanganakan
Monique Wilson
NasyonalidadPilipino
Trabahoaktres sa teatro at pelikula, direktor sa teatro

Si Monique Wilson ay isang Pilipina na internasyonal na aktres na gumaganap sa teatro at pelikula. Siya ay gumanap na "Kim" sa Miss Saigon.

Personal na buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Monique Wilson ay anak ni Johnny Wilson na dating Bise Alkalde ng Lungsod ng Makati.[1]

Nag-aral ng teatro si Monique Wilson sa Unibersidad ng Pilipinas at sa London Academy of Music and Dramatic Arts. Nakapagtapos siya ng Master of Arts in Theatre Education at Applied Theatre sa Central School of Speech and Drama sa London.[2]

Ikinasal sina Monique Wilson at Rossana Abueva noong Hunyo 12, 2015 sa Notting Hill sa London.[3]

Sa edad na 9 na taon ay gumanap si Monique Wilson bilang isa sa mga ulila sa dulang "Annie" ng Repertory Philippines. Gumanap din siya bilang isa sa mga pitong bata sa "Sound of Music".[4]

Ginampanan ni Monique Wilson sa edad na 18 taong gulang ang pangunahing papel na "Kim" sa Miss Saigon na orihinal na produksyon ng London West End.[2][5]

Gumanap si Monique Wilson sa papel na Apolinario Mabini sa dulang "Mabining Mandirigma" na produksyon ng Tanghalang Pilipino ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas.[5]

Noong 1994 ay itinatag ni Monique Wilson noong siya ay 24 taong gulang ang isang grupong pang-teatro na New Voice Company (NVC) upang gisingin, bigyang-inspirasyon at baguhin ang mga Pilipinong manonood sa pamamagitan pagpapalabas ng mga produksyong pang-teatro na innovative political at socially provocative. Sa pangunguna ni Monique Wilson bilang Artistic Director ng NVC ay ginawa niya itong isa sa mga nangungunang kumpanya ng teatro sa Asya.[2][6]

Simula 2000 ay itinatanghal na ng NVC ang "The Vagina Monologues" sa Pilipinas. Ang mga pagtatanghal nito sa Senado at Kongreso ng Pilipinas ay nakatulong upang mabago ang mga batas tungkol sa mga karahasang nagaganap sa loob ng tahanan at sex trafficiking.[6] Naitanghal na din ang "The Vagina Monologues" sa Hong Kong, Singapore at Tokyo.[2]

Ilan pa sa mga naitanghal ng NVC ay ang "Angels in America" noong 1995, "Revolutionary Hearts" na tungkol sa aktibismo, rebolusyon at pagkabansa, at ang "The Male Voice" na tumutuklas sa mga ugat ng karahasan sa mga PIlipinong kalalakihan.[2]

Kasapi si Monique Wilson sa GABRIELA (National Alliance of Grassroots Women’s Organizations/Philippines).[1] Siya din ay internasyonal na tagapagsalita para sa Purple Rose Campaign na naglalayong wakasan ang sex trafficking ng mga Pilipinong bata at kababaihan.[6]

Si Monique Wilson ay ang Global Director ng One Billion Rising, na isang isang pandaigdigang kilusan upang wakasan ang karahasan laban sa kababaihan at batang kababaihan, simula pa noong 2013.[6]

Parangal na natanggap

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pinarangalan si Monique Wilson ng UNESCO ng “Light of Culture” Lifetime Achievement Award noong 2012.[2][6]

Ginawaran si Monique Wilson ng Hildegarde Lifetime Achievement ng Kolehiyo ng Santa Scholastica.[7][8]

Natanggap din niya ang The Outstanding Women of the Nation Philippines (TOWNS) Award para sa teatro at kultura, ang Outstanding Artist of Manila Award para sa teatro at sining, ang Parangal Ng Bayan (Honor of the Country) Award para sa teatro at ang FAMAS Film Foundation Special Award.[2][6]

Nanalo si Monique Wilson bilang Best Actress sa ALIW Award sa kanyang pagganap sa "Cabaret, the Musical" at Best Supporting Actress sa URIAN para sa kanyang pagganap sa pelikulang "Kapag Iginuhit ang Hatol ng Puso".[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Lago, Amanda (2019-07-27). "Monique Wilson on growing up privileged: 'You have to cultivate your own convictions'". RAPPLER. Nakuha noong 2024-03-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 2.7 "Monique Wilson – One Billion Rising Director –". www.onebillionrising.org. Nakuha noong 2024-03-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  3. Villano, Alexa (2015-06-12). "Monique Wilson, Rossana Abueva to marry in London". RAPPLER. Nakuha noong 2024-03-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  4. Tariman, Pablo A. (2014-03-28). "Monique Wilson: 'Art and activism are the lifeblood of my work'". Lifestyle.INQ. Nakuha noong 2024-03-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  5. 5.0 5.1 Severo, Jan Milo (Hunyo 16, 2020). "Monique Wilson shrugs off rivalry rumors, wants to work with Lea Salonga". The Philippine Star. Nakuha noong Marso 11, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 6.5 "Monique Wilson". Development Asia. Asian Development Bank. Nakuha noong 2024-03-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  7. verafiles (2014-03-12). "The empowerment of Monique Wilson". VERA Files. Nakuha noong 2024-03-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  8. Babiera, Lester (2014-03-02). "Monique Wilson to receive St. Scholastica's Hildegarde Award for Women in Media". Lifestyle.INQ. Nakuha noong 2024-03-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]