Mr. Freeze
Mr. Freeze | |
---|---|
Impormasyon ng paglalathala | |
Tagapaglathala | DC Comics |
Unang paglabas | Bilang Mr. Freeze: Batman "Instant Freeze"/"Rats Like Cheese" Bilang Victor Fries: Batman: The Animated Series "Heart of Ice" |
Unang paglabas sa komiks | Bilang Mr. Zero: Batman #121 (Pebrero 1959) Bilang Mr. Freeze: Detective Comics #373 (Marso 1968) |
Tagapaglikha | Bilang Mr. Zero: Dave Wood (manunulat) Sheldon Moldoff (tagaguhit) Bob Kane (konsepto) Bilang Victor Fries: Paul Dini (manunulat) Bruce Timm (tagaguhit) |
Impormasyon sa loob ng kwento | |
Ibang katauhan | Victor Fries |
Kasaping pangkat | Injustice League Secret Society of Super Villains GothCorp |
Kilalang alyas | Mr. Zero Dr. Schivel Crown Prince of Chilblains King of Cold |
Kakayahan |
|
Si Mr. Freeze (Dr. Victor Fries) ay isang kathang-isip na supervillain na lumalabas sa Amerikanong komiks na nilalathala ng DC Comics. Nilikha ng manunulat na si Dave Wood at ng tagaguhit na si Sheldon Moldoff, una siyang lumabas sa Batman #121 (Pebrero 1959)[1] bilang kriminal na gumagamit ng yelo na si Mr. Zero, subalit madaling napalitan ang pangalan sa "Mr. Freeze".[2] Sa mga taon na lumipas, muling sinulat ang kanyang pinagmulang istorya upang itugma ang isang inisip na kuwento ng manunulat na si Paul Dini para sa Batman: The Animated Series. Si Dr. Victor Fries ay isang eksperto sa kriyohenika sa Lungsod ng Gotham na naaksidente sa laboratoryo habang sinusubok na pagalingin ang kanyang asawang si Nora na may sakit na nasa bingit ng kamatayan; dulot ng aksidente, bumaba ng matindi ang temperatura ni Victor sa antas na sub-sero, na pinuwersa siyang magsuot ng isang kriyohenikang kasuotan upang mabuhay. Nanatili ang pangunahing layunin ni Freeze na maghanap ng lunas para sa sakit ng kanyang asawa, bagaman ang kanyang mga kaparaanan ay kadalasang nagdudulot ng hidwaan kay Batman. Ang paglalarawan ni Mr. Freeze ay tumagal bilang isa sa mga paulit-ulit na kalaban ng superhero na si Batman at napasama sa mga kolektibong mga kaaway na binubuo sa kanyang sentral na tala ng rogues gallery (tanghalan ng mga tampalasan).
Ginampanan ang karakter sa totoong-tao o sa live-action nina George Sanders, Otto Preminger, at Eli Wallach sa palabas sa telebisyon na Batman; Arnold Schwarzenegger sa pelikula noong 1997 na Batman & Robin; at Nathan Darrow sa seryeng pantelebisyon na Gotham. Binosesan din ang karakter nina Michael Ansara sa DC animated universe, Clancy Brown sa The Batman, at Maurice LaMarche sa Batman: Arkham na prangkisa ng larong bidyo.
Sa tala ng IGN na Pinakamataas na 100 Kontrabida sa Komiks sa Lahat ng Panahon, nakaranggo si Mr. Freeze sa #67.[3]
Pangkalahatang pagtanaw sa karakater
[baguhin | baguhin ang wikitext]Orihinal na tinawag na Mr. Zero,[1] napalitan ang pangalan niya at ginawang popular sa seryeng pantelebisyon na Batman noong dekada 1960, kung saan ginampanan ang karakter ng tatlong magkakaibang mga artista.[4][5][6]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "UGO's World pf Batman – Rogues Gallery: Mr. Freeze" (sa wikang Ingles). UGO. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 27, 2008. Nakuha noong Mayo 10, 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cowsill, Alan; Irvine, Alex; Manning, Matthew K.; McAvennie, Michael; Wallace, Daniel (2019). DC Comics Year By Year: A Visual Chronicle (sa wikang Ingles). DK Publishing. p. 86. ISBN 978-1-4654-8578-6.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Mr. Freeze is Number 67" (sa wikang Ingles). Comics.ign.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-12-13. Nakuha noong 2010-12-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Batmania UK: 1966 Batman: Villains: Mr. Freeze". Bat-Mania. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-02-16. Nakuha noong 2008-05-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Batmania UK: 1966 Batman: Villains: Mr. Freeze 2" (sa wikang Ingles). Bat-Mania. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-06-02. Nakuha noong 2008-05-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Batmania UK: 1966 Batman: Villains: Mr. Freeze 3" (sa wikang Ingles). Bat-Mania. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-02-16. Nakuha noong 2008-05-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)