(Translated by https://www.hiragana.jp/)
Pagtotono ng piano - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Pagtotono ng piano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang pinakabasikong mga kasangkapan ng isang mangtotono ng piano ay kinabibilangan ng martilyong pangtono (na sa katunayan ay isang uri ng lever o pingga), ang liyabeng pangtono ng piano (karaniwang hugis T), at ang mga mute (mga "muto") o mga "pampatahimik" (pang-umid, pampawalang-imik).

Ang pagtotono ng piano (Ingles: piano tuning) ay ang gawain ng paggawa ng maliliit na mga pagbabago sa tensiyon o kahigpitan ng mga bagting ng isang akustikong piano upang maihanay ang mga interbal (agwat) na nasa gitna ng kanilang mga tono upang ang instrumento ay nasa tono at hindi sintunado (wala sa tono). Ang kahulugan ng katagang "nasa tono", sa konteksto ng pagtotono ng piano, ay hindi payak na isang partikular na nakatakdang pangkat ng mga taas ng tunog o pitch. Ang pino o dalisay na pagtotono ng piano ay nangangailangan ng pagsusuri ng halaga ng mga interaksiyon ng mga bibrasyon (pakikipag-ugnayan ng mga taginting) ng mga nota, na nagkakaiba-iba sa bawat isang piano, kung kaya't ang gawain ay nangangailangan ng bahagyang magkakaibang mga taas ng tunog mula sa anumang makateoriyang pamantayan. Ang mga piano ay karaniwang itinotono sa isang minodipikang bersiyon ng sistemang tinatawag na "pantay na pag-uugali" (tingnan ang mga prekuwensiya ng mga susi o tiklado ng piano, para sa teoretikal na pagtotono ng piano). Ang nagtotono ng piano ay tinatawag na apinador, tagapagtono ng piano o mangtotono ng piano at iba pang katulad.

Sa lahat ng mga sistema ng pagtotono, ang bawat taas ng tunog o pitch ay maaaring hanguin mula sa ugnayan nito sa isang napiling nakapirmi o hindi nababagong taas ng tunog, na ang karaniwan ay A440, na mas mataas kaysa sa above gitnang C (middle C, ang pitch na 261.626 hertz). Subalit, ang ibang mga mangtotono ay mas ninanais gamitin ang A444 kapag nagtotono sa loob ng susi ng C. Ang ilang mga pianong dekuryente o mga teklado o tipahang elektroniko ay maaaring itakda sa susi ng flat na B o "sapad na B", upang magamit ang kaparehong pilas ng musika na para sa karaniwang mga instrumentong pangmusika.

Ang pagtotono ng piano ay isinasakatuparan ng isang malawak na kasaklawan ng independiyenteng mga teknisyan ng piano, mga muling tagapagbuo ng mga lumang piano, mga tauhang teknikal ng tindahan ng mga piano, at ng mga naglilibang sa larangang ito. Makakatanggap ng kasanayan at sertipikasyon ng pagkaprupesyunal sa pagtotono ng piano mula sa mga organisasyon o mga samahang nagdadamayan para sa larangan, katulad ng Piano Technicians Guild. Maraming mga tagagawa ng mga piano ang nagrerekomenda na dapat na itono ang mga piano nang dalawang beses sa loob ng isang taon.

Musika Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.