(Translated by https://www.hiragana.jp/)
Papa Sixto III - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Papa Sixto III

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sixto III)
Saint Sixtus III
Nagsimula ang pagka-Papa31 July 432
Nagtapos ang pagka-Papa18 August 440
HinalinhanCelestine I
KahaliliLeo I
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakanSixtus
Kapanganakannot known
Yumao(440-08-06)6 Agosto 440
Rome, Western Roman Empire
Pampapang styles ni
Papa Sixto III
Sangguniang estiloHis Holiness
Estilo ng pananalitaYour Holiness
Estilo ng relihiyosoHoly Father
Estilo ng pumanawSaint

Si Papa Sixto III ang Papa ng Simbahang Katoliko Romano mula Hulyo 31, 432 CE hanggang Agosto 18, 440 CE. Ang pangalan ni Sixto ay kadalasang inuugnay sa isang malaking paglago ng mga gusali sa Roma. Ang Santa Sabina sa Bundok Aventino ay inalay noong kanyang kapapahan. Kanyang itinayo ang Santa Maria Maggiore na ang pag-aalay kay Maria na ina ni Hesus na Ina ng Diyos ay nagpapakita ng kanyang pagtanggap sa Unang Konseho ng Efeso noong 431 CE. Sa konsehong ito, ang debate tungkol sa mga kalikasang tao at diyos ni Hesus ay lumipat sa kung lehitimong matatawag na "Ina ng Diyos" o isa lamang "Ina ni Kristo" si Maria. Sa konsehong ito ay binigyan si Maria ng pamagat na Griyegong Theotokos("may dala ng Diyos" o "Ina ng Diyos). Ang pag-aalay ng isang malaking simbahan sa Roma ay isang tugon dito. Bago siya lumuklok bilang papa, si Sixto ang patron ni Pelagio na kalaunang kinondena bilang heretiko.[1] Ang isa sa kanyang mga pangunahing pagkabahal ang pagbabalik ng kapayapaan sa pagitan nina Cirilo ng Alehandriya at mga Syrian. Kanyang ring pinanatili ang mga karapatan ng papa sa ibabaw ng Illyria at ang posisyon ng arsobispo ng Tesalonica bilang pinuno ng lokal na simbahang Illyrian.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Brown, Peter. "Pelagius and his Supporters." Journal of Theological Studies. 1968.XIX.1(93–114).