(Translated by https://www.hiragana.jp/)
Suklob-tuhod - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Suklob-tuhod

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang kinaroroonan ng suklob-tuhod o patella.
Ang anyo ng harapan ng butong panaklob ng tuhod.
Ang histura ng likuran ng butong panaklob ng tuhod.

Ang suklob ng tuhod, saklob ng tuhod, taklob ng tuhod, o patela (Ingles: patella, knee cap, kneepan) ay ang butong pantakip o takip na buto sa sugpungan ng tuhod na kahugis ng maliit na biluging platito o disko.[1][2] Nakasingit o nakasabad ito sa tendong nagdirikit ng muskulong kuwadrisep ekstensor ng harap ng hita sa pang-itaas na dulo ng tibya. Tinatawag na ligamentong patelar ang karugtong o ekstensiyong tendon mula sa suklob-tuhod hanggang sa tibya. Nababanat ang balat ng katawan na nasa ibabaw ng suklob ng tuhod kapag nakabaluktot ang tuhod. Sa ganitong posisyon o puwesto ng tuhod, karaniwang nakapagdurulot ng mahabang sugat na katulad ng hiwa ang anumang pagtama o pagbagsak. Maaari ring mapinsala o mabali ang buto dahil sa pagtama o biglaang pagsubok na ituwid ang binti.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Patella, knee cap - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 Robinson, Victor, pat. (1939). "Patella, knee-cap". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 569.

TaoAnatomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.