Tagapagmana
Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (Marso 2007)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito. Binigay na dahilan: wala |
Ang Tagapagmana ay isa sa mga pelikula ng LVN Pictures na pinagsamahan ng maraming artista.
Tungkol ito sa pamilyang ibig pamanahan ng isang kamag-anak na gustong ilipat ang kanyang kayamanan sa kanyang mga mahal sa buhay.
Magkatambal dito sina Celia Flor at Carlos Salazar samantalang si Prescilla Cellona naman ang kapareha ni Eddie Rodriguez at di pahuhuli ang tambalan nina Leroy Salvador at Carmencita Abad.
Kung di ninyo napansin ang batang paslit na nasa tabi ng maysakit na lalaki ay si Alona Alegre.
Kabituin din sina Florentino Ballecer bilang isang abogado, Si Ludy Carmona, si Monang Carvajal bilang may-ari ng bahay, Miguel Lopez, Inday Jalandoni, at Nenita Javier.
Suportado rin ng mga magagaling na artista tulad nina Johnny Reyes, ang binatilyong si Lou Salvador Jr at ang kontrabidang si Jose Vergara.
Ito ay itinanghal noong 1955.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pelikula mula sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.