(Translated by https://www.hiragana.jp/)
Vic Vargas - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Vic Vargas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Vic Vargas
Kapanganakan
Jose Maria Marfori Asuncion

28 Marso 1939(1939-03-28)
Kamatayan19 Hulyo 2003(2003-07-19) (edad 64)
TrabahoAktor, judoka
Aktibong taon1962–2002
AsawaRosanna Zamora
AnakBasilio Anton Asuncion

Si Jose Maria Marfort Asuncion (Marso 28, 1939 – Hulyo 19, 2003), mas kilala sa kanyang pangalang pang-entablado na Vic Vargas, ay isang artista at judoka mula sa Pilipinas.

Maagang buhay at karera

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Vic Vargas noong Marso 28, 1939.[1] Noong 17 gulang siya, nanalo si Vargas ng tatlong kampeonato para sa judo sa Pilipinas.[2] Nakatapos siya ng arkitektura[a] sa Unibersidad ng Santo Tomas at pagkatapos noon, naging isang guro ng pisikal na edukasyon na nagtuturo ng sining pandigma sa Pamantasan ng Silangan.[2]

Sa kalaunan, nag-atubili siyang pumasok sa showbis pagkatapos hamonin ng isang kaibigan, at pagkatapos, unang lumabas sa pelikulang Diegong Tabak noong 1962.[2] Kabilang sa kanyang mga naunang pelikula ay pagpares sa Pilipinang aktres na si Josephine Estrada[3] partikular sa pelikulang Prinsipeng Tulisan na ginawa ng VP Pictures, isang sangay ng Sampaguita Pictures, kung saan siya nakakontrata.[4] Bilang eksperto ng judo, naging isang tagapagturo siya sa isang palabas sa telebisyon na ineere nb Channel 7.[2]

Kalaunang karera

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bumida siya sa maraming pelikula mula maagang dekada 1960 hanggang 2002. Napipili siya sa ilang uri ng pelikula tulad ng aksyon at seksing komedya dahil sa kanyang madilim na kutis, pigura at kaakitang seks.[2] Noong 1971, nakuha niya ang isang pagganap sa pelikula ni Ismael Bernal na Pagdating sa Dulo, na binotohan ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino bilang isa sa pinakamagaling na pelikula noong dekada 1970.[1] Sa pelikulang El Vibora, napanalunan niya ang unang niyang parangal bilang Pinakamahusay na Aktor na binigay ng mga nag-organisa ng Manila Film Festival noong 1972.[1] Nanalo muli siya noong sumunod na taon bilang Pinakamahusay na Aktor sa kaparehong naggawad para sa pelikulang Nueva Vizcaya.[1]

Noong gitnang dekada 1970, naging kapares naman niya (sa loob at labas mg kamera) ang Miss Universe ng 1969 na si Gloria Diaz.[4] Ang unang pelikula na kanilang pinagtambalan ay ang Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa.[4] Nagkaroon din sila ng pagtatambal sa serye ng pelikula na Andres de Saya.[1] Sa pelikula noong 1982 na In This Corner ng Pilipinong direktor na si Lino Brocka, nagkaroon siya ng nominasyon para sa Pinakamahusay ng Aktor para sa Urian.[4][5]

Maliban sa pelikula, lumabas din siya sa telebisyon at naging isa sa mga gumanap sa palabas pantelebisyon na Lahi ni Adan at sandaling naging punong-abala ng Tawag ng Tanghalan pagkatapos ng kamatayan ni Lopito, ang orihinal na pangunahing punong-abala ng palabas.[4] Lumabas din siya sa katatawanang palabas ng ABS-CBN na Home Along Da Riles.[6] Ilan sa mga mahahalagang pelikulang pinagbidahan niya ang Pito ang Asawa Ko, Sinong Kapiling, Sinong Kasiping?, Banta ng Kahapon, at The King and the Emperor.[1]

Kilala din siya bilang isa sa mga unang aktor na sumali sa Karismatikong kilusan sa Pilipinas. Isa rin sa adbokasiya niya ang kalikasan at sumali sa pangkat na Bantay-Dagat sa Palawan. Isa sa huling mga pelikula niya ang pagganap bilang Rajah Humabon sa pelikulang Lapu-Lapu, kung saan si Lito Lapid ang gumanap na Lapu-Lapu.[7]

Pansariling buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kasal si Vargas kay Rosanna Zamora[8] at mayroon silang anak na nagngangalang Basilio Anton Asuncion.[9]

Namatay siya sa gulang na of 64 noong Hulyo 19, 2003, 15 araw pagkatapos maistrok at pumasok sa isang koma.[2][6]

Taon Pamagat Ginampanan Pananda
1962 Diegong Tabak
1963 Bird of Paradise
1963 Prinsipeng Tulisan Carlos
1963 Tansan vs Tarsan Tarsan
1964 Walang Takot sa Patalim
1964 Sa Bilis, Walang Kaparis
1965 Mga Espada ng Rubitanya
1969 Si Darna at ang Planetman Parte ng serye ng pelikulang Darna
1969 Perlas ng Silanganan
1971 Pagdating sa Dulo "Simulang Alok" ng Frankesa Films, Inc.
1972 El Vibora El Vibora
1974 South Seas
1974 Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa
1974 Huwag Tularan: Pito ang Asawa Ko
1976 Daluyong at Habagat
1977 Banta ng Kahapon
1978 Ōgon no Hibi Dramang taiga ng NHK
1987 Hari sa Hari, Lahi sa Lahi Paduka Pahala
1988 Gawa Na ang Bala Na Papatay sa Iyo
1988 Agila ng Maynila
1992 Boboy Salonga: Batang Tondo
1994 Biboy Banal: Pagganti Ko... Tapos Kayo
2002 Lapu-Lapu Raha Humabon
  1. Sa isang sanggunian, sinasabing kumuha siya ng kursong komerso.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 Francisco, Butch (2003-07-22). "Remembering a versatile actor". Philstar.com (sa wikang Ingles). The Philippine Star. Nakuha noong 2020-10-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 Estanislao, Noel C. (2009). "Filipino Martial Arts Digest Special Edition - Judo in the Philippines" (PDF). usadojo.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-10-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  3. "Former actress and Miss PH Josephine Estrada passes away in Arizona". INQUIRER.net USA (sa wikang Ingles). Philippine Daily Inquirer. 2019-04-16. Nakuha noong 2020-10-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 Dolor, Danny (2010-06-20). "Vic Vargas: Sex symbol & actor". Philstar.com (sa wikang Ingles). The Philippine Star. Nakuha noong 2020-10-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  5. "'Nueva Vizcaya' reaps 7 awards". The Times Journal (sa wikang Ingles). Philippines. 1973-06-27.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 "3 veteran actors pass away". Philstar.com (sa wikang Ingles). 2003-07-20. Nakuha noong 2020-10-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  7. Adobas, Dennis (2002-12-17). "Vic Vargas, nagbabalik". Philstar.com. Pilipino Star Ngayon. Nakuha noong 2020-10-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  8. "Surprise! Melanie Marquez twirls anew on the ramp". Inquirer Lifestyle (sa wikang Ingles). Philippine Daily Inquirer. 2013-08-10. Nakuha noong 2020-10-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  9. "Man of the Year search is on". Philstar.com (sa wikang Ingles). 2009-04-30. Nakuha noong 2020-10-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]