(Translated by https://www.hiragana.jp/)
Akwarela - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Akwarela

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Watercolor)
Isang dibuhistang nagpipinta ng isang larawan habang gumagamit ng mga pangulay na tinutubigan at pinsel na may bilog na hugis ang dulong buhukan.

Akwarela (Ingles: watercolor (Amerika) o Ingles: watercolour (Britanya), mula Kastila: acuarela) ang tawag sa isang paraan ng pagpipinta na gumagamit ng mga tintang tinutubigan. Ang mismong mga pangkulay ay mga midyum o sangkap na nilalagyan muna ng tubig para muling matunaw bago mailapat sa kalatagan ng papel na magagamit sa pagguhit o pagpipinta. Bagaman karaniwang gumagamit ng papel bilang latagan ng mga dibuhong ganito, ginagamit din ang mga papiro, plastik, vellum, katad, tela, kahoy, at kanbas. Sa Silangang Asya, tinatawag ang paggamit ng ganitong tinta par sa masining na pamamaraan bilang pagpipinta sa pamamagitan ng pinsel (brush painting) o pagpipinta sa [ibabaw] ng balumbon (scroll painting). Sa pagpipinta ng mga Intsik, Koreano, at Hapones, ito ang pinakanangingibabaw o pangunahing kagamitan at karaniwang may bahid ng itim at kayumangging kulay. Sa Indiya, Etiyopiya, at iba pang mga bansa, nagkaroon din ng nakaugaliang pagpipinta sa pamamagitan ng mga daliri na ginagamitan ng mga pinturang tinutubigan na nagbuhat sa Tsina.

Hinahango ang mga pangkulay na tinutubigan mula sa mga lupa, bato, halaman, o kimikal, na tinutunaw sa tubig at pinatutuyo pagkaraan hanggang sa maging pulbos na nasa anyong mga mamon o maliliit na tabla. Kapag dinagdagan ng tubig, nagiging likidong muli ang pigmento. Ipinapahid ang mga pangulay sa puting papel o kartolina sa pamamagitan ng pinsel, tela, o bulaking lana. Kaiba sa mga pangulay na may langis o tinunaw sa langis, hindi mapapatungan ang mga pangulay na natutubigan na hindi nasisira ang dibuho o larawang ipininta, na nakasalalay ang kadalisayan sa kalinisan ng puting panlikod o pang-ilalim. Kaya't bawak pook ng isang larawang ginamit ng mga pangulay na de-tubig ay pinapahiran lamang ng isang ulit, walang pagbabago, at may anyong sariwa at orihinal, sa halip na kinukumpuni.


Sining Ang lathalaing ito na tungkol sa Sining ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.