(Translated by https://www.hiragana.jp/)
Wikipedia:Pamantayan ng nilalamang 'di-malaya - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Pamantayan ng nilalamang 'di-malaya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Batay sa panukala ng Pundasyong Wikimedia na ipinasa noong 23 Marso 2007 hinggil sa paglilisensiya, ang dokumentong ito ay naglilingkod bilang Patakaran Hinggil sa Panuntunan ng Pagiging 'Di-Nasasaklawan (Exemption Doctrine Policy) para sa Wikipediang Tagalog.
  • Upang masuportahan ang misyon ng Wikipediang gumawa ng malayang nilalaman para sa walang-hangganang pamamahagi, pagbabago at aplikasyon ng lahat ng tagagamit sa lahat ng uri ng midya magpakailanman.
  • Upang mabawasan ang pananapak sa batas sa pamamagitan ng pagtatasa o pagtatakda ng bilang ng nilalamang 'di-malaya, sa paggamit ng pamantayan, depende sa konteksto at ibang mga kalagayan, na maaaring mas mahigpit o kasing-malaya sa doktrina ng patas na gamit (fair use) na kasalukuyang isinasagawa sa ilalim ng naturang batas sa Estados Unidos at Pilipinas.
  • Upang mapagaanan ang matalinong paggamit ng nilalamang 'di-malaya para masuportahan ang pagpapaunlad ng isang de-kalidad na ensiklopedya.

Ang kahalagahan ng talaksang midya sa mga artikulo ng Wikipedia ay hindi kayang tantiyahin. Malawak nang itinanggap ng pamayanan ang tungkulin ng ibang uri ng midya sa paglalarawan at paglalahad ng impormasyong minsan hindi kaya ng teksto nang sarili. Ngunit, upang maiwasto ang kahalagahan nito sa pakay ng Wikipedia na magbuo ng isang repositoryo ng malayang nilalaman, ipinatitibay ang patakarang ito. Para sa lahat ng layunin nito, ang "nilalamang 'di-malaya" ay nangangahulugang lahat ng mga larawan at klip ng bidyo at tunog na naka-karapatang-ari, at ibang mga nilalamang walang lisensiyang malayang-nilalaman. Walang automatikong karapatan ang tagagamit na gumamit ng nilalamang 'di-malaya sa anumang artikulo. Maaari lamang gamitin ang nilalamang 'di-malaya sa Wikipediang ito kapag lahat sa mga sumusunod na pamantayan ay nakamit na.

  1. Walang malayang katumbas. Ginagamit lamang ang nilalamang 'di-malaya sapagka't walang malayang alternatibo ang mapagkukuhanan, o maililikha, na maglilingkod sa magkatumbas na layuning maka-ensiklopedya. Kapag maaari, binabago ang nilalamang 'di-malaya upang maging malayang materyal sa halip na gumamit ng tanggulang patas na gamit (fair use), o naipalit ng isang mas malayang alternatibo kapag may mapagkukuhanan ng tanggap na kalidad, kung saan ang "tanggap na kalidad" ay nangangahulugang kalidad na sapat maglingkod sa layuning maka-ensiklopedya. (Bilang mabilis na pagsusulit, bago magdagdag ng nilalamang 'di-malaya na nangangailangan ng paliwanag, tanungin mo ang sarili mo: "Kaya bang palitan ang nilalamang 'di-malaya na ito ng isang malayang bersiyon na magkasing-epekto?" at "Kaya bang mailarawan nang sapat ang paksa sa pamamagitan ng teksto nang walang anumang nilalamang 'di-malaya na ginagamit?" Kapag ang sagot sa kahit isa ay "Oo", hindi naaabot ng nilalamang 'di-malaya ang pamantayang ito.)
  2. Galang para sa pangkalakal na oportunidad. Hindi ginagamit ang nilalamang 'di-malaya sa paraang makakapalit sa orihinal na layuning pangkalakal ng orihinal na midyang naka-karapatang-ari.
    1. Minimal na paggamit. Hindi ginagamit nang maramihan ang nilalamang 'di-malaya kapag kayang ilahad ng isang bagay ang mahalagang impormasyon nang pantay.
    2. Minimal na saklaw ng paggamit. Hindi ginagamit ang buong gawa kapag kaya ito ng isang bahagi lamang. Ginagamit ang mababa kaysa sa mataas na resolusyon. Sakop din dito ang mga sipi sa ngalan-espasyong Talaksan:.
  3. Dating pagpapalimbag. Nararapat na ang nilalamang 'di-malaya ay dapat nailimbag o publikong itinanghal sa labas ng Wikipedia. Gayunpaman, maaaring gamitin ang nilalamang 'di-malaya na hindi pa naililimbag kapag may pahintulot mula sa may-likha nito.
  4. Nilalaman. Maka-ensiklopedya at umaabot sa pangkalahatang pamantayan ng nilalaman ng Wikipedia ang nilalamang 'di-malaya.
  5. Patakarang tiyak sa midya. Naaabot ng materyal ang patakarang tiyak sa midya ng Wikipedia. Halimbawa, dapat ang mga larawan ay umaabot sa patakaran sa paggamit ng larawan.
  6. Pinakakaunti sa iang artikulo. Kamuntima'y ginagamit ang nilalamang 'di-malaya sa isang artikulo.
  7. Kahalagahan. Ginagamit lamang ang nilalamang 'di-malaya kapag ang presensiya nito ay talagang nagpapaangat sa pagkaunawa ng mga mambabasa ng paksa, at ang kawalan nito ay maaaring maging nakakasama sa pagkaunawa na iyon.
  8. Mga hangganan sa lokasyon. Maaari lamang gamitin ang nilalamang 'di-malaya sa mga artikulo (maliban sa mga pahina ng pagpapalinaw), at dapat ginagamit lamang ito sa artikulo, o pangunahing ngalan-espasyo lamang, sakop sa 'di-pagsaklaw (Upang mahadlangan sa pagpapakita ng kagyat (thumbnail) ang isang kategorya ng larawan, idagdag ang __NOGALLERY__; kinakawing ang mga larawan, hindi hinahanay, sa mga pahinang usapan kapag ito ay ang paksa ng usapan.)
  9. Pahina ng paglalarawan ng larawan. Dapat nilalaman ng pahina ng paglalarawan ng larawan o midya ang sumusunod:
    1. Atribusyon ng pinagmulan ng materyal at, kapag iba sa pinagmulan, ng may-hawak ng karapatang-ari.
    2. Isang tag ng karapatang-ari na nagsasabi sa anong tadhanang pampatakaran ng Wikipedia na pinapahintulutan ang paggamit nito.
    3. Ang pangalan ng bawa't artikulo (rekomendado rin ang kawing sa bawa't artikulo) kung saan hinihiling ang patas na gamit para sa nasabing bagay, at isang hiwalay at espesipikong pahayag ng patas na gamit para sa bawa't paggamit ng bagay. Ibinibigay ang pahayag sa malinaw at payak na salita at ay may kaugnayan sa bawa't paggamit nito.

Pagpapatupad

[baguhin ang wikitext]

Dito ilalagay ang tadhana sa pagpapatupad ng pamantayang ito. Mungkahi lamang po ang nasa ibaba.

  • Magsisimula ang pagpapatupad ng pamantayang ito sa 1 Enero 2012 sa pagkakataong pinagtibay ito ng pamayanan. Sa pagkakataong ipinagtibay ito, rerepasuhin ng pamayanan ang lahat ng mga talaksang nakakarga sa Wikipediang Tagalog upang tiyakin ang pagsunod sa pamantayang ito.
    • Maaaring itala ang anumang talaksang hindi sumusunod sa anumang pamantayang nakasaad dito sa mga larawan at midyang buburahin. Magtatagal ng 7 araw ang anumang pagdedebate sa balididad ng pagkarga ng larawang iyon.
    • Maaaring burahin agad ang anumang talaksang hindi sumusunod sa anumang pamantayang nakasaad dito kung ihihiling ito ng tagapagkarga, o kung halatang walang mapaggagamitan ang talaksang iyon.
  • Makalipas ang 1 Enero 2012, maaaring burahin agad sa loob ng 48 oras ang talaksang ikinarga rito na labag sa pamantayang ito. Para maiwasan ang pagbura ng talaksan, kailangang magbigay ang tagapagkarga o ibang Wikipedista ng kapani-paniwalang pahayag ng patas na gamit na nakakamit ng lahat ng mga puntong inilahad sa itaas.