Yin at yang
Kabahagi ng isang serye hinggil sa |
Taoismo |
---|
Mga saligan |
Dao (Tao) · De (Te) · Wuji · Taiji · Yin-Yang · Wu Xing · Qi · Neidan · Wu wei |
Mga teksto |
Laozi (Tao Te Ching) · Zhuangzi · Liezi · Daozang |
Mga diyos |
Tatlong mga Dalisay na Isa · Guan Shengdi · Walong mga Walang Kamatayan · Emperador na Dilaw · Li Hong · Xiwangmu · Emperador na Jade · Chang'e · Iba pang mga diyos |
Mga tao |
Laozi · Zhuangzi · Zhang Daoling · Zhang Jue · Ge Hong · Chen Tuan |
Mga paaralan |
Tianshi Dao · Shangqing · Lingbao · Quanzhen Dao · Zhengyi Dao · Wuliupai |
Mga pook na banal |
Mga langit na yungib · Bundok ng Penglai |
Sa pilosopiyang Intsik, ang diwa ng Yin-Yang (Tsinong pinapayak: 阴阳; Tsinong tradisyonal:
Ang yin at yang ay talagang mga puwersa o lakas na magkasukat o tumutulong (komplementaryo) sa isa't isa -- hindi naglalabanan -- na nag-uugnayan o nagtutugunan upang makabuo ng isang buo na mas malakas kaysa sa magkahiwalay na bahagi; bilang epekto, ito ay isang masiglang sistema. Ang bawat bagay ay mayroong mga aspekto ng yin at ng yang (halimbawa, ang anino ay hindi maaaring lumitaw kung walang liwanag). Ang kahit na alin sa dalawang pangunahing mga aspekto ay maaaring lumitaw na mas mas malakas sa loob ng isang partikular na bagay, na nakabatay sa saligan ng pagmamasid. Ang konsepto ng yin at yang ay madalas na sinasagisag ng sari-saring mga anyo ng simbolong Taijitu, na marahil ay ang pinaka nakikilalang sagisag sa mga kulturang Kanluranin.
Mayroong persepsiyon (natatangi na sa Kanluraning Mundo) na ang yin at yang ay katumbas ng kasamaan at ng kabutihan. Subalit, sa metapisikang Daoista, ang pagkakaiba ng mabuti at ng masama at iba pang mga paghahatol na dikotomo (paghihiwalay ng dalawang mga bahagi ng isang kabuoan) ay perseptuwal (batay sa pandama) at hindi totoo; kung kaya't ang yin-yang ay isang hindi mahahati o hindi mapaghihiwalay na kabuoan. Samantala, sa etika ng Konpusyanismo naman, pinaka namumukod-tangi na ang pilosopiya ni Dong Zhongshu, (c. ika-2 daantaon BCE), isang sukatang moral o dimensiyong pangmoralidad ang ikinabit sa ideya ng yin-yang.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Porkert (1974). The Theoretical Foundations of Chinese Medicine. MIT Press. ISBN 0-262-16058-7.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Taylor Latener, Rodney Leon (2005). The Illustrated Encyclopedia of Confucianism, Vol. 2. New York: Rosen Publishing Group. p. 869. ISBN 978-0-8239-4079-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)