Humingi ng tulong sa FEMA para sa iyong napiling wika.

Ang website na ito at ang online na aplikasyon ay kasalukuyang magagamit lamang sa Ingles at Espanyol. Kung kailangan mong mag-aplay para sa tulong kalamidad ng FEMA o mayroong mga tanong tungkol sa iyong aplikasyon, tumawag sa amin sa 1-800-621-3362, 7 araw sa isang linggo. Ang FEMA ay may kwalipikadong mga interpreter na magagamit sa 250 na mga wika na maaaring makatulong sa iyo.

  1. Pindutin ang 3 para sa mga wika maliban sa Ingles at Espanyol.
  2. Piliin ang iyong wika.

Kapag nakarating ang iyong tawag sa isang ahente ng FEMA, makikipag-ugnayan sila sa isang interpreter. Maaaring magkakaroon ka ng karagdagang oras ng paghihintay habang tinatawag nila ang interpreter. Mananatili na kasama mo ang interpreter at ang ahente para sa buong tawag.

Maaarinh basahin mo rin ang sumusunod para matuto ng higit pa tungkol sa proseso nga FEMA.