Emma Alegre
Walang sangguniang binanggit o isinaad ang talambuhay na ito patungkol sa isang buhay na tao. (Pebrero 2010)
Makakatulong po kayo sa pagpapabuti nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad na tatanggalin ang mga kaduda-dudang materyales nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni. |
Emma Alegre | |
---|---|
Kapanganakan | 1933 |
Si Emma Alegre ay isang artistang Pilipino. Una siyang lumabas bilang kontrabida sa pelikulang Dalaginding na pinangunguhan ni Nida Blanca katambal si Armando Goyena. Nakasama niya muli si Blanca sa kanyang pangalawang pelikula na Tin-Edyer.
Pangalawang bidang babae ang kanyang papel sa pelikulang Damong Ligaw na pinangunahan ni Tessie Quintana, Dambanang Putik' na pinangunahan ni Delia Razon, at Tin-edyer na pinangunahan ni Nida Blanca.
Noong 1955, napasama siya sa pelikulang Tagapagmana kung saan sinalihan ng mahigit 20 artistang ng LVN Pictures. Sa taon ding ito nakatambal niya si Rogelio dela Rosa sa pelikulang Higit sa Lahat. Nominado si Emma Alegre sa pelikula ito bilang pinakamahusay ng pangunahing aktress sa Gawad FAMAS. Ito ang tanging nominasyon niya sa FAMAS.
Nagsama rin sila ni Jaime dela Rosa sa mga pelikulang Idolo at Hukom Roldan at nagkasama sila ni Mario Montenegro sa Chaperon at Pilipino Kostum No Touch.
Nakasam rin niya si Carlos Salazar sa pelikulang ang Basta Ikaw at si Tessie Quintana sa pelikulang Damong Ligaw.
Pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1954 - Dalaginding
- 1954 - Tin-Edyer
- 1954 - Damong Ligaw
- 1954 - Dambanang Putik
- 1954 - Hiram na Kasintahan
- 1955 - Tagapagmana
- 1955 - Palasyong Pawid
- 1955 - Higit sa Lahat
- 1955 - 1 2 3
- 1955 - Pasikat
- 1955 - Karnabal
- 1955 - Pilipino Kostum No Touch
- 1956 - Chaperon
- 1956 - Everlasting
- 1956 - Idolo
- 1956 - Medalyong Perlas
- 1957 - Dalawang Ina
- 1957 - Hukom Roldan
- 1957 - Basta Ikaw
- 1957 - Tingnan Natin
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.