(Translated by https://www.hiragana.jp/)
Arkeya - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Arkeya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Archaea)
Tumuturo ang Archea rito. Para sa heolohikong eono, pumunta sa Arkeano (panahon). Para sa mag-anak ng gagamba, tingnan ang Archaeidae.

Archaea
Temporal na saklaw: Paleoarkeyano – Kamakailan
Halobacteria sp. strain NRC-1, each cell about 5 μみゅーm long
Klasipikasyong pang-agham
Dominyo:
Archaea

Kingdoms and phyla

Crenarchaeota
Euryarchaeota
Korarchaeota
Nanoarchaeota
Thaumarchaeota

Ang Arkeya (Ingles Archaea (AmE [ɑɹˈkiə], BrE [ɑːˈkiːə]); mula sa Griyegong αρχαία, "mga matatanda"; kung isahan: Archaeum, Archaean, o Archaeon), tinatawag ding Archaebacteria (AmE [ɑɹkɪbækˈtɪɹɪə], BrE [ɑːkɪbækˈtɪəɹɪə]), ay isang pangunahing dibisyon o kahatian ng nabubuhay na mga organismo.

Kabilang sa Archaea ang payak na mga organismong unang natuklasan sa mga kapaligirang sukdulan o may katindihan (ekstremo). Karamihan sa kanila ang nabubuhay o umiiral sa may napakatataas o napakabababang mga temperatura. Ilan sa kanila ang maaaring makaligtas at mamuhay sa napakamaaalat, napakaasim o napaka-asidiko, o napakama-alkalinang tubig. May ilang natagpuan sa mga geyser, mga singawan sa dagat (sea vent o "black smoker" sa Ingles) at mga balon ng langis.

Biyolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.