(Translated by https://www.hiragana.jp/)
Carlos I ng Anjou - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Carlos I ng Anjou

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Charles I
Four bishops and five young men kneeling before a man who sits on a throne.
Itinalaga si Carlos bilang Hari ng Sicilia sa Roma (1265).
Hari ng Sicilia
Tinunggali ni Pedro I mula 1282
Panahon 1266–1285
Koronasyon 5 Enero 1266
Sinundan Manfred
Sumunod Pedro I (pulo ng Sicilia)
Carlos II (mga teritoryo sa kalupaan)
Konde ng Anjou at Maine
Panahon 1246–1285
Sumunod Carlos II
Konde ng Provenza
Panahon 1246–1285
Sinundan Beatriz
Sumunod Carlos II
Prinsipe ng Achaea
Panahon 1278–1285
Sinundan Guillermo
Sumunod Carlos II
Asawa Beatriz ng Provenza
(m. 1246, d. 1267)
Margarita ng Borgoña (m. 1268)
Anak Beatriz, Latinang Emperatris
Carlos II, Hari ng Napoles
Felipe
Isabela, Reyna ng Unggarya
Lalad Anjou-Sicilia
Ama Luis VIII ng Pransiya
Ina Blanca ng Castilla
Kapanganakan Maagang 1226/1227
Kamatayan 7 Enero 1285 (57–59 taong-gulang)
Foggia, Kaharian ng Napoles
Libingan Katedral ng Napoles

Si Carlos I (unang bahagi ng 1226/1227 – 7 Enero 1285), karaniwang tinatawag na Charles ng Anjou, ay isang miyembro ng royal dinastiyang Capeto at ang nagtatag ng pangalawang Pamilya ng Anjou. Siya ay Konde ng Provenza (1246–85) at Forcalquier (1246–48, 1256–85) sa Banal na Imperyong Romano, Konde ng Anjou at Maine (1246–85) sa Pransiya; siya rin ang Hari ng Sicilia (1266–85) at Prinsipe ng Achaea (1278–85). Noong 1272, ipinroklama siyang Hari ng Albania; at noong 1277 ay bumili siya ng pag-angkin sa Kaharian ng Herusalem.

Ang bunsong anak nina Luis VIII ng Pransiya at Blanca ng Castilla, si Charles ay itinadhana para sa isang karera sa Simbahan hanggang sa unang bahagi ng 1240s. Nakuha niya ang Provenza at Forcalquier sa pamamagitan ng kaniyang kasal sa kanilang tagapagmana, si Beatriz. Ang kaniyang mga pagtatangka na ibalik ang sentral na awtoridad ay nagdulot sa kaniya ng tunggalian sa kanyang biyenang babae, si Beatriz ng Saboya, at sa maharlika. Tinanggap ni Carlos ang Anjou at Maine mula sa kanyang kapatid, si Luis IX ng Pransiya, sa intantazgo. Sinamahan niya si Luis noong Ikapitong Krusada patungong Ehipto. Hindi nagtagal pagkatapos niyang bumalik sa Provenza noong 1250, pinilit ni Carlos ang tatlong mayayamang nagsasariling lungsod—Marsella, Arles, at Avignon—na kilalanin ang kanyang pagkasakop.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]