Haiku
Ang haiku (
- lumílipád na
- ang ibon sa langit ngâ
- —may saranggola
Ang haiku na isinalin ni Victor Emmanuel Medrano tungkol sa palaka ay orihinal na gawa sa Hapon ni pamosong Matsuo Bashō (1644-1694):
古池 や- furuike ya
- antigong lawà—
- furuike ya
蛙 飛込 む- kawazu tobikomu
- tumalón ang palaká'y
- kawazu tobikomu
水 の音 - mizu no oto
- tubig náriníg
- mizu no oto
Ang isang katangian ng tradisyonal na haiku ay ang kireji, ang pagputol para magkaroon ng dalawang imahen. Sa Hapon, ang mga salitang katulad ng ya at kana ay halimbawa ng kireji. Kung ang kireji ay gamit sa huli ng haiku, magkakaroon ng marangal na konklusyon.
Ang isa pang katangian ng tradisyonal na haiku ay ang kigo, ang salita para ipahiwatig ang panahon sa taon. Sa tula ni Matsuo Bashō, ang kigo ay kawazu—palaka—para sa tagsibol nang Pebrero hanggang Abril.
Ang modernong haiku ay iba sa tradisyonal, dahil hindi lamang ang kalikasan ang tema. Kung minsan, tao ang tema at siniko at madilim na nakakatawa; ang tulang ganito ay senryū (
Sinulat ni Karai Senryū (1718–1790) ang pundador ng mga senryū ang sumusunod na senryū. Isinalin ni Victor Emmanuel Medrano:
泥棒 を- dorobō o
- ang mágnanákaw
- dorobō o
捕 えてみれば- toraete mireba
- kung nahuli ko siyá'y
- toraete mireba
我 が子 なり- wagako nari
- nagíng anák ko
- wagako nari