(Translated by https://www.hiragana.jp/)
Kosmolohiya - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Kosmolohiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hubble - sanggol na galaksiya

Ang kosmolohiya ay ang sangay ng astronomiya na tumatalakay sa uniberso.[1][2] Binibigyan kahulugan ng NASA ang kosmolohiya bilang "Ang pag-aaral ng istruktura at mga pagbabago sa kasalukuyang uniberso".[3] Ang isa pang kahulugan ng kosmolohiya ay "ang pag-aaral ng uniberso, at ang lugar ng sangkatauhan dito".[4]

Nangingibabaw sa modernong kosmolohiya ang teorya ng Big Bang (lit. Malaking Putok), na pinagsasama-sama ang astronomiyang nagmamasid at pisikang pampartikula.

Kahit na kamakailan lamang ang salitang kosmolohiya (unang ginamit noong 1730 sa Cosmologia Generalis ni Christian Wolff), may mahabang kasaysayan ang pag-aaral ng uniberso.

Hanggang noong Renasimiyento, naisip ng mga tao na ang mga planeta lamang hanggang Saturno, at mga bituin ang uniberso. Sa pag-imbento ng teleskopyo, mas makikita natin ang uniberso. Sa unang bahagi ng ika-20 dantaon, inakala ng mga astronomo na ang Milky Way (o Ariwanas) ay ang buong uniberso. Nang maglaon, sa pamamagitan ng astropotograpiya at espektroskopya, ipinakita ng mga astronomo (halimbawa, si Edwin Hubble) na isa lamang sa maraming galaksiya ang Milky Way.

Ang modernong kosmolohiya ay itinuturing na nagsimula noong 1917 sa huling papel ng teorya ng pangkalahatang relatibidad ni Albert Einstein.[5] Dahil dito, napagtanto ng mga pisiko na nagbago ang uniberso. Kapag sinumulang baguhin ng isang siyentipikong disiplina ang isang ideya na pinaniniwalaan ng maraming tao, kilala itong bilang isang paradigm shift o pagbabagong paradigma.[6] Maraming mga siyentipiko ang pinagtatalunan kung may iba pang mga galaksiya. Natapos ang pagtatalo nang matagpuan ni Edwin Hubble ang mga Bariyableng Sepeyda (Cepheid Variable) sa Galaksiyang Andromeda noong 1926.[7][8]

Ang modelong Big Bang ay iminungkahi noon ng paring Belga na si Georges Lemaître noong 1927.[9] Sinuportahan ito ng pagtuklas ni Edwin Hubble noong 1929 ng redshift (o ang paglipat ng liwanag sa mas mataas at mas pulang wavelength o haba).[10] Nang maglaon, ginawa ang pagtuklas ng cosmic microwave background radiation (CMBR, lit. likurang radyasyon ng mikroondang kosmiko). Natagpuan ito nina Arno Penzias at Robert Woodrow Wilson noong 1964.[11]

Ang lahat ng mga pagtuklas ay nasuportahan noong ika-21 dantaon. Natagpuan ang ilan pang mga obserbasyon ng CMBR sa pamamagitan ng COBE, [12] WMAP, [13] at satelayt na Planck.[14] Natagpuan ang ilan pang mga obserbasyon ng redshift ng 2dfGRS [15] at SDSS.[16] Tumitingin ang isang pagsuring pang-astronomiya sa isang lugar sa kalawakan. Ang pagsuring redshift ay isang pagsuri na naghahanap ng mga redshift.

Noong Disyembre 1, 2014, sa pagpupulong Planck 2014 sa Ferrara, Italya, iniulat ng mga astronomo na ang uniberso ay 13.8 bilyong taong gulang at binubuo ng 4.9% materyang regular, 26.6% materyang madilim at 68.5% enerhiyang madilim.[17]

Mga disiplina

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sentrong gumanap ang pisika at astropiska sa paghuhubog ng pagkaunawa natin sa uniberso sa pamamagitan ng obserbasyon at eksperimentong siyentipiko. Nahubog ang kosmolohiyang pisikal ng parehong matematika at obserbasyon sa isang pagsuri ng buong uniberso. Pangkalahatang inuunawa ang uniberso na nagsimula sa pamamagitan ng Big Bang, na sinundan ng halos kagyat ng inplasyong kosmiko, isang pagpapalawak ng kalawakan kung saan inisip na umusbong ang uniberso noong mga nakalipas na 13.799 ± 0.021 bilyong taon.[18] Pinag-aaralan sa kosmohoniya ang pinagmulan ng uniberso, at minamapa ng kosmograpiya ang mga katangian ng uniberso.

Sa Encyclopédie ni Diderot, nahahati ang kosmolohiya sa uranolohiya (ang agham ng mga kalangitan), erolohiya (ang agham ng himpapawid), heolohiya (ang agham ng mga lupalop), at hidrolohiya (ang agham ng mga tubig).[19]

Isinasalarawan din ang kosmolohiyang metapisikal bilang ang paglalagay sa mga tao sa uniberso na may kaugnayan sa iba pang mga entidad. Inihalimbawa ito ng obserbasyon ni Marco Aurelio na ang lugar ng tao sa relasyon na iyon: "Ang sinuman na hindi alam kung ano ang mundo ay hindi alam kung nasaan siya, at sinuman ang hindi alam kung ano ang layunin ng umiiral na mundo, hindi niya alam kung sino siya, maging kung ano ang mundo."[20]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Definition of COSMOLOGY". www.merriam-webster.com (sa wikang Ingles).
  2. Daintith, John; Gould, William (2012). Collins Dictionary of Astronomy (sa wikang Ingles) (ika-5 (na) edisyon). HarperCollins. p. 96. ISBN 9780007918485.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "NASA education" (PDF) (sa wikang Ingles).
  4. "Christianity: beliefs about creation and evolution" (sa wikang Ingles). BBC. Nakuha noong 2011-11-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Einstein, A. (1952). "Cosmological considerations on the general theory of relativity". The Principle of Relativity. Dover Books on Physics. June 1 (sa wikang Ingles): 175–188. Bibcode:1952prel.book..175E.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "The Structure of Scientific Revolutions. 1962. Thomas S. Kuhn. University of Chicago Press" (sa wikang Ingles). Abril 1963. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Falk, Dan (Marso 2009). "Review: The day we found the Universe by Marcia Bartusiak". New Scientist (sa wikang Ingles). 201 (2700): 45. doi:10.1016/s0262-4079(09)60809-5. ISSN 0262-4079.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Hubble, E. P. (Disyembre 1926). "Extragalactic nebulae". The Astrophysical Journal (sa wikang Ingles). 64: 321. doi:10.1086/143018. ISSN 0004-637X.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Martin, G. (1883). "G. DELSAULX. — Sur une propriété de la diffraction des ondes planes; Annales de la Société scientifique de Bruxelles; 1882". Journal de Physique Théorique et Appliquée (sa wikang Ingles). 2 (1): 175. doi:10.1051/jphystap:018830020017501. ISSN 0368-3893.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Hubble, Edwin (1929-03-15). "A relation between distance and radial velocity among extra-galactic nebulae". Proceedings of the National Academy of Sciences of the United States of America (sa wikang Ingles). 15 (3): 168–173. doi:10.1073/pnas.15.3.168. ISSN 0027-8424. PMC 522427. PMID 16577160.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Penzias, A. A.; Wilson, R. W. (Hulyo 1965). "A Measurement of Excess Antenna Temperature at 4080 Mc/s". The Astrophysical Journal (sa wikang Ingles). 142: 419. doi:10.1086/148307. ISSN 0004-637X.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Boggess, N. W.; Mather, J. C.; Weiss, R.; Bennett, C. L.; Cheng, E. S.; Dwek, E.; Gulkis, S.; Hauser, M. G.; Janssen, M. A. (Oktubre 1992). "The COBE mission - Its design and performance two years after launch". The Astrophysical Journal (sa wikang Ingles). 397: 420. doi:10.1086/171797. ISSN 0004-637X.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Parker, Barry (1993). "COBE: The Cosmic Background Satellite". The Vindication of the Big Bang (sa wikang Ingles). Boston, MA: Springer US. pp. 129–157. doi:10.1007/978-1-4899-5980-5_6. ISBN 978-0-306-44469-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Computer Graphics Achievement Award". ACM SIGGRAPH 2018 Awards (sa wikang Ingles). New York, NY, USA: ACM. 2018-08-12. p. 1. doi:10.1145/3225151.3232529. ISBN 978-1-4503-5830-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "NETWATCH: Botany's Wayback Machine". Science (sa wikang Ingles). 316 (5831): 1547d. 2007-06-15. doi:10.1126/science.316.5831.1547d. ISSN 0036-8075.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Paraficz, D.; Hjorth, J.; Elíasdóttir, Á. (2009-03-19). "Results of optical monitoring of 5 SDSS double QSOs with the Nordic Optical Telescope". Astronomy & Astrophysics (sa wikang Ingles). 499 (2): 395–408. doi:10.1051/0004-6361/200811387. ISSN 0004-6361.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "New York Times Survey, December 1985". New York Times Survey (sa wikang Ingles). 1987-10-12. doi:10.3886/icpsr08690. Nakuha noong 2021-01-28.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Planck Collaboration (1 Oktubre 2016). "Planck 2015 results. XIII. Cosmological parameters". Astronomy & Astrophysics (sa wikang Ingles). 594 (13). Table 4 on page 31 of PDF. arXiv:1502.01589. Bibcode:2016A&A...594A..13P. doi:10.1051/0004-6361/201525830. S2CID 119262962.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Diderot (Biography), Denis (1 Abril 2015). "Detailed Explanation of the System of Human Knowledge". Encyclopedia of Diderot & d'Alembert – Collaborative Translation Project (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Abril 2015.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. The thoughts of Marcus Aurelius Antoninus viii. 52 (sa wikang Ingles).