(Translated by https://www.hiragana.jp/)
Talaan ng mga lansangan sa Kalakhang Maynila - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Talaan ng mga lansangan sa Kalakhang Maynila

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sistema ng mga Daang Arteryal ng Kalakhang Maynila. Mula itaas, kaliwa-pakanan: Bulebar Roxas; Lansangang Quirino malapit sa hangganan ng Lungsod Quezon-Hilagang Caloocan; Sangandaan ng EDSA at Abenida Taft; SLEX-Skyway

Ang talaang ito ng mga pangunahing lansangan Kalakhang Maynila ay nagbubuod ng pangunahing mga lansangang bayan at sistemang pamilang (numbering system) na kasalukuyang ipinatutupad sa Kalakhang Maynila, Pilipinas. Ang sistema ng daang arteryal ng Kalakhang Maynila ay binubuo ng mga pambansang daan, ang mga daang palibot, at ang mga daang radyal, gayon din ang ibang mga pangunahing daan na nag-uugnay ng mga lungsod ng Maynila, Lungsod Quezon, Hilaga at Timog Caloocan, Valenzuela, Malabon, Navotas, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Taguig, Muntinlupa, Marikina, Pasig, Mandaluyong, Makati, Pateros, at San Juan gayon din mga nakapaligid na lalawigan.[1][2]

Sistema ng mga Daang Arteryal ng Kalakhang Maynila

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang kauna-unahang sistemang pamilang ng mga ruta sa Pilipinas ay isinakatuparan noong 1930, sa ilalim ni dating Pangulong Manuel Quezon. Ang sistemang ito ay halos magkasingtulad ng sistemang pamilang ng mga lansangan sa Estados Unidos. Ang mga bahagi nito ay 70 mga daan na nakatandang Highway 1 - Highway 60. Ilan sa mga bahagi ng sistemang ito ay ang Highway 1 (o Bulebar Almirante Dewey), Highway 50 (o Calle Manila), at Highway 54 (o Avenida 19 de Junio).

Noong 1945, iprinisinta ng mga planner ng Lungsod Quezon na sina Louis Croft at Antonio Kayanan ang Metropolitan Thoroughfare Plan, na nagpapanukala ng paglalatag ng sampung (10) mga daang radyal (radial roads) at anim (6) na mga daang palibot (circumferential roads), nang sa gayon ay bubuo sa isang mala-sapot na sistemang daang arteryal.[3] Ang kasalukuyang ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa mga proyektong ito ay ang Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH).[1]

Pinapayak na mapa ng sistema ng mga daang arteryal ng Kalakhang Maynila. Ang mga daang radyal ay mga linyang iba't-iba ang kulay, habang ang mga daang palibot ay mga linyang kulay gris.

Ang kasalukuyang sistemang pamilang sa mga ruta sa Pilipinas ay ang sistema ng mga daang arteryal ng Kalakhang Maynila (Ingles: Metro Manila Arterial Road Network), na binubuo ng sampung (10) mga daang radyal at anim (6) na mga daang palibot. Ang mga daang radyal ay nagbibigay sa mga motorista ng mga rutang palabas ng Maynila, patungo sa mga karatig-lungsod nito (tulad ng Lungsod Quezon) at mga karatig-lalawigan. Naka-numero ang mga ito nang 1-10 sa pamamarang pakaliwang ikot o counterclockwise (mula sa bandang timog ng Ilog Pasig hanggang pahilaga).[4] Sa kabilang banda, ang mga daang palibot ay mga daanang lumilibot ng lungsod ng Maynila; tinumbukan lamang ng mga ito ang bawat isa sa mga daang radyal nang isang beses lamang. Dalawa sa mga ito ay nasa loob ng nasasakupan ng lungsod ng Maynila, habang ang apat na iba pa ay nasa mga karatig-lungsod nito. Hindi maaaring mag-tumbok ang mga daang radyal sa isa't-isa. Hindi rin maaaring magtumbok ng isang daang radyal ang isang daang palibot nang higit sa isang beses.

Ang Jose Rizal Memorial Monument sa Liwasang Rizal ay ang Kilometro Sero para sa lahat ng mga daan ng Kalakhang Maynila.

Ang pinakatimog na daang radyal ay Daang Radyal Blg. 1, habang ang pinakahilaga ay Daang Radyal Blg. 10. Samantala, ang pinaka-loob na daang palibot ay Daang Palibot Blg. 1, habang ang pinakalabas ay Daang Palibot Blg. 6. Lahat ng mga daang radyal ay nagsisimula sa Kilometro Sero (Km 0); iyan ay ang Jose Rizal Memorial Monument sa Liwasang Rizal.[5][6]

Mga daang radyal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pangalan (Mga) Retrato (Mga) dinadaanang lungsod (Mga) bahagi Haba Paglalarawan Mga sanggunian
Daang Radyal Blg. 1
R-1
Bulebar RoxasManila–Cavite Expressway Lungsod ng Maynila
Pasay
Las Piñas
Bacoor, Kabite
Kawit
Rosario
Tanza
Naic
41.5 kilometro (25.8 milya) Kinokonektahan ng R-1 ang Maynila sa lalawigan ng Kabite. Nagsisumula ito bilang Daang Bonifacio mula sa Tulay ng Roxas sa ibabaw ng Ilog Pasig at magiging Bulebar Roxas pagkapasok ng paligid ng Liwasang Rizal. Tatahakin nito ang baybayin ng Look ng Maynila at mayamaya'y, paglampas ng Daang NAIA sa Parañaque, magiging Manila–Cavite Expressway (o CAVITEx). Bilang CAVITEx, tutuloy ang R-1 sa pagdaan sa baybayin at magiging Lansangang Anterio Soriano pagpasok ng Kawit. Tutoloy ito sa pagtahak ng dalampasigan ng Kabite hanggang matapos ito sa sangandaan ng Daang Juanito Remulla Sr. sa Naic. [3]
Daang Radyal Blg. 2
R-2
Abenida TaftAbenida Diego CeraLansangang Aguinaldo Maynila
Pasay
Parañaque
Las Piñas
Bacoor, Kabite
Imus
Dasmariñas
Silang
Tagaytay
Talisay, Batangas
64.2 kilometro (39.9 milya) Kalinya ng R-2 ang R-1 na nasa kanluran nito, at tulad ng R-1, ay kinokonektahan nito ang Maynila sa Kabite. Nagsisimula ito bilang Abenida Taft sa Ermita, Maynila. Tatahakin nito ang patimog na ruta patungong Malate, Maynila at Pasay, at pagpasok ng Baranggay Baclaran, Parañaque, ay magiging Abenida Elpidio Quirino na isang pangunahing lansangan sa nabanggit na arrabal (suburb) ng Maynila. Magiging Abenida Diego Cera ang R-2 pagpasok ng Las Piñas at, paglampas ng Daang Alabang–Zapote, magiging Lansangang Aguinaldo. Ito ang pangunahing lansangan ng Kabite na nagtatapos sa Rotondang Tagaytay; tutuloy ang Lansangang Aguinaldo sa direksiyong patimog-kanluran patungong Nasugbu sa Batangas. Subalit, tutuloy ang R-2 paglampas ng rotonda sa direksiyong patimog at magiging Daang Tagaytay–Talisay, isang lansangang sigsag na tatapos sa Daang Talisay-Laurel sa Talisay, Batangas, sa harap ng Lawa ng Taal. Sumusunod ang Unang Linya ng LRT sa ruta ng R-2 mula Ermita, Maynila hanggang EDSA. [7]
Daang Radyal Blg. 3
R-3
SLEXSTAR Tollway Maynila
Makati
Pasay
Taguig
Las Piñas
San Pedro, Laguna
Biñan
Santa Rosa
Cabuyao
Calamba
Santo Tomas, Batangas
Tanauan
Malvar
Lipa
Ibaan
Lungsod ng Batangas
96 kilometro (60 milya) Ang buong R-3 ay isang mabilisang daanan (expressway), maliban na lamang sa bahagi ng South Luzon Expressway mula Abenida Quirino (ang dulo nito sa hilaga) hanggang C-5. Kapwa ipinapatakbo ng Skyway Operation and Management Corporation (SomCo) at Citra Metro Manila Tollways Corporation (CMMTC) ang South Luzon Expressway at Metro Manila Skyway, na isang nakaangat na mabilisang daanan sa ibabaw ng South Luzon Expressway mula Makati hanggang Muntinlupa. Bagaman nasa Liwasang Rizal ang Kilometro Sero ng mga daan, nagsisimula ang R-3 sa sangandaan nito sa Abenida Quirino. Tatahakin ng daang radyal ang deretsong ruta patimog, mula Paco, Maynila, hanggang Santo Tomas, Batangas, kung saan magiging Southern Tagalog Arterial Road (o STAR Tollway) ang R-3. Ang nasabing mabilisang daanan ay matatapos sa Pantalan ng Batangas sa Lungsod ng Batangas. [8]
Daang Radyal Blg. 4
R-4
Abenida Kalayaan Makati
Pateros
Pasig
Taguig
Taytay, Rizal
  • Kalye Linyang Pasig
  • Abenida Kalayaan
  • Abenida M. Concepcion
  • Daang Elisco
  • Highway 2000 (Phase 1)
23.5 kilometro (14.6 milya) Ang R-4 mismo ay hindi pa kompleto sa ngayon. Nagsisimula ito bilang Kalye Linyang Pasig sa sangandaan ng Kalye Pedro Gil at magiging Abenida Kalayaan pagpasok ng Makati bago ito tatapos nang biglaan sa sangandaan ng Rockwell Drive sa harap ng subdibisyon ng Bel Air-3. Ang makatuwirang tagapagpatuloy ng R-4 ay mula sa sangandaan ng EDSA at Abenida Gil Puyat. Dadaan sa hilagang-silangang Makati at mayamaya'y magiging Abenida M. Concepcion pagpasok ng hangganang Pateros-Pasig. Pagdating sa pook-industryal ng Baranggay Kalawaan, Pasig, magiging Daang Elisco ang R-4. Subalit muling tatapos ang R-4 sa sangandaan ng Abenida Doktor Natividad sa Napindan, Taguig. Tutuloy muli ang R-4 bilang Highway 2000 sa silangan ng Manggahan Floodway sa Taytay, Rizal. Tatapos ang R-4 sa sangandaan ng Taytay Diversion Road (R-5) malapit sa kabayanan ng Taytay. Ang ipinapanukalang Pasig River Expressway ay minarkahang R-4. [9]
Daang Radyal Blg. 5
R-5
Bulebar ShawAbenida OrtigasManila East Road Maynila
Mandaluyong
Pasig
Cainta, Rizal
Taytay
Angono
Binangonan
Cardona
Morong
Baras
Tanay
Pililla
Mabitac, Laguna
Famy
Pangil
Pakil
Paete
Kalayaan
Lumban
Pagsanjan
86.1 kilometro (53.5 milya) Nagsisimula ang R-5 sa sangandaan ng Bulebar Magsaysay sa mga hilagang pampang ng Ilog Pasig, na kalinya ng R-4 na nasa mga katimugang pampang ng nabanggit na ilog. Papasok ang R-5 sa Mandaluyong at magiging mahalagang lansangan sa mga distritong komersyal at industryal sa nasabing lungsod at Pasig (tulad ng Ortigas). Di-kalaunan, magiging Manila East Road ang R-5, ang pangunahing koridor pantransportasyon sa mga lalawigan ng Rizal at Laguna. [10]
Daang Radyal Blg. 6
R-6
Kalye LegardaBulebar MagsaysayBulebar AuroraLansangang Marikina–Infanta Maynila
San Juan
Lungsod Quezon
Marikina
Pasig
Antipolo, Rizal
Tanay,
Santa Maria, Laguna
Infanta, Quezon
121.6 kilometro (75.6 milya) Nagsisimula ang R-6 sa sangandaan ng Abenida Recto at Kalye Mendiola sa Maynila. Ito'y magiging pinakamahalagang daan ng Santa Mesa at mayamaya'y papasok sa mga distrito ng New Manila at Cubao sa Lungsod Quezon (bilang Bulebar Aurora) paglampas ng Abenida Gregorio Araneta. Paglampas ng Abenida Katipunan (C-5) magiging Lansangang Marikina–Infanta ang R-6. Dadaan ang lansangan sa mga lungsod ng Marikina at Pasig bago ito pumasok sa lalawigan ng Rizal. Tatahakin nito ang nabanggit na lalawigan at matatapos sa isang dead end sa Infanta, Quezon kalaunan. Ang Ikalawang Linya ng LRT ay sumusunod sa ruta ng R-6 mula San Miguel, Maynila hanggang Calumpang, Marikina. [11]
Daang Radyal Blg. 7
R-7
Bulebar EspanyaAbenida QuezonDaang EllipticalAbenida CommonwealthLansangang Quirino Maynila
Lungsod Quezon
Hilagang Caloocan
San Jose del Monte, Bulacan
Norzagaray
Angat
Bustos
San Rafael
San Ildefonso
San Miguel
Gapan, Nueva Ecija
San Leonardo
Santa Rosa
Cabanatuan
53.6 kilometro (33.3 milya) Nagsisimula ang R-7 mula sa Quiapo, Maynila. Tatahakin nito ang direktang ruta patungong Lungsod Quezon, hanggang sa Quezon Memorial Circle. Paglampas, magiging Abenida Commonwealth ang R-7, ang pinakamalawak na lansangan sa Pilipinas. Dadaanin nito ang nalalabing bahagi ng Lungsod Quezon hanggang sa matapos ito sa sangandaan ng Lansangang Quirino sa ligid ng distrito Lagro. Tutuloy ang R-7 pahilaga patungong San Jose del Monte at Norzagaray, Bulacan. Tatapos ang R-7 sa sangandaan ng Lansangang Heneral Alejo Santos sa kabayanan ng Norzagaray. Ang kasalukuyang itinatayo na North Luzon East Expressway (o R-7 Expressway) ay ang magpapatuloy ng R-7 sa darating na hinaharap. [12][13]
Daang Radyal Blg. 8
R-8
Bulebar QuezonKalye DimasalangAbenida Andres BonifacioNLEXTPLEX Maynila
Lungsod Quezon
Caloocan
Valenzuela
Meycauayan, Bulacan
Marilao
Bocaue
Balagtas
Guiguinto
Pulilan
Apalit, Pampanga
San Simon
San Fernando
Angeles
Mabalacat
Concepcion, Tarlac
Lungsod ng Tarlac
Victoria
Gerona
Ramos
Anao
San Manuel
Rosales, Pangasinan
Urdaneta
Binalonan
Pozorrubio
Rosario, La Union
210.0 kilometro (130.5 milya) Nagsisimula ang R-8 mula sa Tulay ng Quezon sa Quiapo. Tatahakin nito ang direktang ruta pahilaga, at magiging North Luzon Expressway (NLEx) ito paglampas ng Balintawak Cloverleaf na sangandaan nito sa EDSA. Paglampas ng Labasan ng Santa Ines, magiging Subic–Clark–Tarlac Expressway (SCTEx) ang R-8. Tatahakin nito ang rutang pahilaga patungong Lungsod ng Tarlac, at magiging Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway (TPLEx) paglampas nabanggit na lungsod. Tatapos ito sa Rosario, La Union. [14][15]
Daang Radyal Blg. 9
R-9
Abenida RizalLansangang MacArthur Maynila
Caloocan
Valenzuela
Meycauayan, Bulacan
Marilao
Bocaue
Balagtas
Guiguinto
Malolos
Calumpit
Apalit, Pampanga
San Fernando
Angeles
Mabalacat
Bamban, Tarlac
Capas
Lungsod ng Tarlac
Gerona
Paniqui
Moncada
San Manuel
Rosales, Pangasinan
Villasis
Urdaneta
Binalonan
Pozorrubio
Sison
Rosario, La Union
Pugo
228.0 kilometro (141.7 milya) Nagsisimula ang R-9 sa Tulay ng MacArthur mula sa Abenida Padre Burgos. Susundan into ang tuwirang ruta pahilaga kalinya ng R-8. Magiging Lansangang MacArthur ang daang radyal pagdaan ng Monumento Roundabout sa Grace Park, Caloocan. Magtutuloy ito sa direksiyong pahilaga hanggang sa matapos ito sa sangandaan nito sa Lansangang Aspiras-Palispis sa Pugo, La Union. Sinusundan ng Unang Linya ng LRT ang ruta ng R-9 mula Maynila hanggang Grace Park, Caloocan. [16]
Daang Radyal Blg. 10
R-10
Bulebar Mel Lopez Maynila
Malabon
Navotas
Obando, Bulacan
Malolos
Hagonoy
Macabebe, Pampanga
Lubao
Bagac, Bataan
Balanga
  • Bulebar Mel Lopez
  • Daang Radyal Blg. 10 (Radial Road 10 o Road 10)
  • Daang Coastal ng Maynila–Bataan (Manila–Bataan Coastal Road)
105.0 kilometro (65.2 milya) Sa ngayon, ang R-10 ay isang lansangang may haba na 9.7 kilometro (6.9 milya) at matatagpuan sa lungsod ng Maynila. Dati, mayroong ipinapanukalang proyekto na magpapatuloy ng R-10 patungong Bataan bilang Daang Pandalampasigan ng Maynila–Bataan. Matagal nang nawala ang proyekto, ngunit binuhay ito muli ng mga mataas na pinuno ng pamahalaan ng Gitnang Luzon sa pamumuno ng tagapangulo ng RDC at alkalde ng Lungsod ng San Fernando na si Oscar Rodriquez at Gobernador Hermogenes Ebdane, Jr. ng lalawigan ng Zambales. Inaprubahan ang CLIP para sa mga taong 2011 hanggang 2016 sa ikaanim na pagpupulong ng RDC sa Balanga kamakailan lamang. [17]

Mga daang palibot

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pangalan (Mga) Retrato (Mga) dinadaanang lungsod (Mga) bahagi Haba Paglalarawan Mga sanggunian
Daang Palibot Blg. 1
C-1
Abenida RectoAbenida Padre Burgos Maynila 5.9 kilometro (3.7 milya) Ang Daang Palibot Blg. 1 o C-1 ay isang daang palibot na dumadaan sa loob ng Lungsod ng Maynila. Dumadaan ito sa mga distrito ng Tondo, Binondo, Quiapo, at Ermita. Nagsisimula ito sa Hilagang Pantalan ng Maynila bilang Abenida Recto at magiging Kalye Pedro Casal pagtawid ng Kalye Legarda (R-6). Pagtawid ng Ilog Pasig (bilang Tulay ng Ayala), ito'y magiging Bulebar Ayala na nagtatapos sa Abenida Taft at papasok sa Liwasang Rizal bilang Kalye Pananalapi. Ang nasabing kalye ay magtutumbok sa katimugang bahagi ng Abenida Padre Burgos na nagtatapos sa sangandaan nito sa Bulebar Roxas.
Daang Palibot Blg. 2
C-2
Kalye TayumanAbenida LacsonAbenida Quirino Avenue Maynila 10.0 kilometro (6.2 milya) Nagsisimula ang C-2 sa Tondo, Maynila bilang Kalye Capulong mula sa Bulebar Mel Lopez (R-10), at magiging Kalye Tayuman pagdating nito ng Sampaloc, pagkatapos ay magiging Abenida Lacson pagtawid nito ng Kalye Alfonso Mendoza. Tatawid nito ang Ilog Pasig, tapos ay magiging Abenida Quirino na tatahakin ang mga distrito ng Paco at Malate bago maabot nito ang katimugang dulo nito sa Bulebar Roxas (R-1). [18]
Daang Palibot Blg. 3
C-3
Daang C-3, CaloocanAbenida Sarhento Rivera (kasama ang itinatayong Skyway Stage 3, Set. 2019)Abenida Gregorio Araneta (kasama ang itinatayong Skyway Stage 3, Set. 2019)Abenida SouthAbenida Gil Puyat Navotas
Caloocan
Lungsod Quezon
San Juan
Mandaluyong
Makati
Pasay
21.7 kilometro (13.5 milya) Ang C-3 ay isang daang palibot na nasa labas ng mga hangganan ng Lungsod ng Maynila. Nagsisimula ito bilang C-3 Road sa Navotas at magiging 5th Avenue pagpasok ng Caloocan. Magiging Abenida Sarhento E. Rivera pagtawid ng Abenida Bonifacio sa Lungsod Quezon at magiging Abenida Gregorio Araneta paglampas ng Daang Kaingin. Biglang matatapos ang abenida (at ang C-3 mismo) pagkapasok ng San Juan. Tutuloy lamang ang C-3 sa Makati bilang Abenida South mula sa sangandaan ng Abenida J. P. Rizal. Ito'y magiging Abenida Ayala pagtawid ng Abenida Chino Roces. Lilihis ang ruta ng C-3 patungong Abenida Gil Puyat pagka-kurba ang Abenida Ayala sa direksyong timog-silangan patungo sa ligid ng Ayala Triangle na isang mahalagang pook-komersyo at industryal ng Makati. Ang ipinaplanong Metro Manila Skybridge ang magdudugtong sa nawawalang bahagi ng C-3—ang malaking puwang sa pagitan ng Abenida Gregorio Araneta at Abenida South. [19]
Daang Palibot Blg. 4
C-4
Daang C-4Daang SamsonAbenida Epifanio de los Santos, o mas-kilala bilang EDSA Navotas
Malabon
Caloocan
Lungsod Quezon
San Juan
Mandaluyong
Makati
Pasay
28.1 kilometro (17.5 milya) Nagsisimula ang C-4 bilang Daang C-4 sa mga lungsod ng Navotas at Malabon. Magiging Abenida Paterio Aquino ito pagpasok ng Caloocan, tapos magiging Daang Samson di-kalaunan. Pagkatawid ng Monumento Roundabout, ang C-4 ay magiging Abenida Epifanio de los Santos (o mas-kilala bilang EDSA), ang pinakamahalagang lansangan sa buong Kalakhang Maynila. Dahil hindi bababa sa 2.34 milyong sasakyan (kabilang na riyan ang halos 314,354 kotse) na dumadaan sa kabuuan ng lansangan araw-araw, pinakaabala at pinakamatrapiko rin ito sa lahat ng mga daan ng Kamaynilaan. Tatapos ang EDSA (at ang C-4) sa rotonda sa harap ng SM Mall of Asia sa Pasay. Sinusundan ng Ikatlong Linya ng MRT ang ruta ng C-4 mula Abenida North hanggang Abenida Taft. [20][21]
Daang Palibot Blg. 5
C-5
Abenida MindanaoAbenida KatipunanAbenida Eulogio Rodriguez Jr.Abenida Carlos P. Garcia, ang pangunahing bahagi ng C-5. Navotas
Malabon
Valenzuela
Lungsod Quezon
Pasig
Taguig
Parañaque
55.0 kilometro (34.2 milya) Ang mga kontrobersiya ukol sa mabilisang daanan na MCTEP at mga ari-arian ni Senador Manny Villar tulad ng Camella ay nagdudulot sa pagiging maikli ng C-5, bagaman kompleto, at tanging 32.5 kilometro nito ay bukas sa mga motorista. Magsisimula ang C-5 sa Kalye Mariano Naval sa Navotas, subalit kasalukuyang nagsisimula ang daang palibot sa mga bahagi ng North Luzon Expressway (Mga Bahaging 9 at 8.1) na tumatawid sa pangunahing bahagi ng nasabing mabilisang daanan sa Valenzuela. Pagkatapos, ito'y magiging Abenida Mindanao at di-kalauna'y tatahakin ang mga ruta ng Abenida Kongresyonal at Abenida Luzon, at magiging Abenida Tandang Sora pagtawid ng Abenida Commonwealth. Ito'y magiging Abenida Katipunan pagdating sa ligid ng Pamantasan ng Pilipinas. Susundan naman ng C-5 ang ruta ng Abenida Bonny Serrano (sa pamamagitan ng isang underpass) na magiging Abenida Eulogio Rodriguez Jr. paglampas. Ito'y magiging Abenida Carlos Garcia pagkatawid ng Ilog Pasig. Tatapos ang C-5 sa South Luzon Expressway sa Taguig. Ang nagpapatuloy sa C-5 (ang Karugtong ng C-5) ay hindi nagbibigay ng daan sa mga motorista sa ngayon. Nagsisimula ito sa Merville, Parañaque, at nagtatapos ito sa Manila–Cavite Expressway sa Las Piñas. Ang karugtong sa hilaga, ang Bahaging 10 ng NLEx (mula Lansangang MacArthur, Valenzuela, hanggang Kalye Mariano Naval sa Navotas), ay kasalukuyang itinatayo. [22]
Daang Palibot Blg. 6
C-6
Lansangan ng Lawa ng Laguna, ang tanging bahagi ng C-6 na naitayo at magiging bahagi ng Bulacan–Rizal–Manila–Cavite Regional Expressway sa hinaharap. Marilao, Bulacan
Meycauayan
San Jose del Monte
Rodriguez, Rizal
San Mateo
Antipolo
Taytay
Pasig
Taguig
Muntinlupa
San Pedro, Laguna
Dasmariñas, Kabite
Bacoor, Kabite
Imus
Kawit
Noveleta
59.5 kilometro (37.7 milya) Ang Bulacan-Rizal-Manila-Cavite Regional Expressway (BRMC-REx) ay isang ipinaplanong mabilisang daanan na magiging daang palibot sa Kalakhang Maynila upang hindi na kailangang dumaan ng mga bus at iba pang mga sasakyang pantransportasyon sa mga lansangan sa Kalakhang Maynila, at sa gayon ay makakapagbawas pa ito ng mabigat na trapiko sa Kamaynilaan. Ang hilagang dulo ay ang Lansangang MacArthur sa Marilao at ang katimugang dulo nito ay sa Bacoor. Tutumbukin nito ang North Luzon Expressway sa hilaga at South Luzon Expressway sa timog pagdaan. Sa ngayon, ang tanging bahagi ng C-6 na nakumpleto ay ang Lansangan ng Lawa ng Laguna (Laguna Lake Highway) sa Taguig na dumadaan mula Tulay ng Napindan hanggang Kalye M.L. Quezon sa Bicutan. [23]

Mga sistema ng lansangang bayan at mabilisang daanan sa Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga numero ng daang radyal at daang palibot ay kasalukuyang pinapalitan ng bagong sistemang pamilang panlansangang bayan, na inilunsad ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) noong 2014. Ang bagong sistema ay naguuri ng mga pambansang daan at lansangan sa national primary roads, national secondary roads, at national tertiary roads. Nakanumero ang mga daang national primary nang isa hanggang dalawang digit. Ang mga daang national secondary ay nakatakda ng mga tatlong-digit na numero, ang unang digit ay numero ng pangunahing pambansang daan ng rehiyon. Karamihan sa mga daang national secondary sa Kamaynilaan ay kumokonekta sa N1 (AH26) at nakanumero sa mga seryeng-100 na bilang.

Ang mga mabilisang daanan ay nakatakda ng mga numerong may unlaping "E", upang maiwasan ang pagkalito sa mga may-bilang na pambansang daan. Ang mga mabilisang daanan ay mga may takdang daan, na nakalimita sa mga daang pang-ibabaw (overpasses), daang pang-ilalim (underpasses) at palitan (interchanges) ang mga bagtasang trapiko. Ang mga nariyan nang mabilisang daanan ay kadalasang bumubuo sa bahagi ng sistemang daang radyal (pakitingnan ang talaan sa itaas).

Mga pangunahing daan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ito ay talaan ng mga pangunahin o kilalang daan at lansangan sa Kalakhang Maynila. Lahat ng mga ito ay nasa wikang Ingles, subalit nasa wikang Tagalog ang ugnay/kawing ng mga ito.

Daang Alabang–Zapote
Abenida Andrews
Kalye Balete
Abenida Boni
Abenida Chino Roces
Daang Hari
Kalye Escolta
Abenida Lawton
Daang McKinley
Abenida Maria Orosa
NAIA Expressway
Paseo de Roxas
Kalye Pioneer
Abenida Roosevelt
Kalye Zobel Roxas

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 DPWH Philippines. "DPWH Philippines". Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-05-13. Nakuha noong 1 Abril 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. URPO. "3rd Urpo" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2017-08-10. Nakuha noong 2012-04-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Tolentino, N. "The major roads of Metro Manila". The major roads of Metro Manila. Wordpress.com. Nakuha noong 4 Hunyo 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Metro Manila Roads". Nakuha noong 1 Abril 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  5. Maranga, Mark Anthony (2010). "Kilometer Zero: Distance Reference of Manila". Philippines Travel Guide. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Enero 2014. Nakuha noong 28 Pebrero 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Manila City Government. "Manila Map". Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Agosto 2009. Nakuha noong 1 Abril 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Philippine Star. "Philippine Roads". Nakuha noong 1 Abril 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  8. "South Metro Manila Skyway Project". Skyway Operation and Management Corporation (SomCo). Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Hunyo 2013. Nakuha noong 16 Mayo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. El-Hifnawi, Baher; Jenkins, Glenn. "Pasig River Expressway" (PDF). Kingston, Canada: Queen's University. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 6 Nobiyembre 2013. Nakuha noong 16 Mayo 2013. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  10. Habagat Central. "Baras Rizal and Beyond Manila East Road". Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Hulyo 2015. Nakuha noong 15 Hunyo 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Fullerton, Laurie (1995). Philippines Handbook. Moon Publications.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Marcos Highway, Hinango noong 1 Hunyo 2012
  12. Doy Cinco. "Commonwealth Avenue, the Killer Highway". Nakuha noong 1 Abril 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Tagalog)
  13. DPWH Philippines. "R-7 Expressway to be Built over Quezon Avenue". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-06-16. Nakuha noong 1 Hunyo 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. de Borja, Marciano R. (2005). Basques in the Philippines, p. 132. University of Nevada Press. Nakuha noong 20 Enero 2011.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. mntc.com. "North Luzon Expressway". Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Hulyo 2012. Nakuha noong 2 Hulyo 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Encyclopedia Britannica (1983). Pan Philippine Highway. United States of America: Britannica.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "RDC Allots P8.7 Billion For Manila-Bataan Coastal Highway". 19 Agosto 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Nobiyembre 2013. Nakuha noong 26 Mayo 2013. {{cite news}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  18. Citiatlas Metro Manila. Asiatype, Inc.,. 2002. p. 183. ISBN 9719171952.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: extra punctuation (link)
  19. Manila Bulletin. "Skybridge". Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Enero 2012. Nakuha noong 1 Mayo 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Philippine Daily Inquirer (7 Hulyo 2009). "Inquirer Headlines: EDSA". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 9 Hulyo 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Jao-Grey, Margarte (27 Disyembre 2007). "Too Many Buses, Too Many Agencies Clog Edsa". Philippine Center for Investigative Journalism. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-02-08. Nakuha noong 28 Disyembre 2007.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Flores, Asti (17 Pebrero 2013). "MMDA, DPWH name the C-5 Road as an alternate route for EDSA overhaul". GMANews. Nakuha noong 27 Mayo 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "Will C-6 road remain a metropolis dream?". Manila Times. 16 Marso 2006. Nakuha noong 3 Pebrero 2008.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga ugnay panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]