(Translated by https://www.hiragana.jp/)
Musikang Renasimiyento - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Musikang Renasimiyento

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga musikero, c. 1600

Ang musikang Renasimiyento ay tinig at instrumental na musikang isinulat at itinanghal sa Europa sa panahon ng Renasimiyento. Ang pagkakasunduan sa mga istoryador ng musika ay mula sa bandang 1400, sa pagtatapos ng panahon ng medyebal, at isinasara ito bandang 1600, sa simula ng panahon ng Baroko, samakatuwid nagsimula ang Renasimiyento sa musika mga isang daang taon pagkatapos ng simula ng Renasimiyento ayon sa pagpapakahulugan ng ibang disiplina.

Ang musika ay lalong napalaya mula sa mga medyebal na hadlang, at higit na pagkakaiba-iba ang nakita sa saklaw, ritmo, pagkakasundo, porma, at notasyon. Sa kabilang banda, ang mga patakaran ng counterpoint ay mas naging mahigpit, lalo na tungkol sa pagtrato sa mga disonansiya. Sa Renasimiyento, ang musika ay naging isang behikulo para sa personal na pagpapahayag. Natagpuan ng mga kompositor ang mga paraan upang gawing mas makahulugan ang tinig na musikang ng mga itinatakda nilang teksto. Ang mga musikang sekular ay kumuha ng mga pamamaraan mula sa musikang sagrado, at vice versa. Ang mga tanyag na sekular na porma tulad ng kansiyon at madrigal ay kumalat sa buong Europa. Ang mga korte at mga maharlika ay nagpaanyaya ng mahuhusay na mga nagtatanghal, parehong mga mananawit at instrumentalista. Ang musika ay lalo ring nakatindig sa sarili nitong mga paa dahil sa dami ng mga lathala na mas naging kalat, na umiiral para sa sarili nitong kapakanan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]