Kaharian ng Italya
Kingdom of Italy Regno d'Italia (Italyano)
| |
---|---|
1861–1946 | |
Awiting Pambansa: (1861–1943; 1944–1946) Marcia Reale d'Ordinanza ("Royal March of Ordinance") (1924–1943) Giovinezza ("Youth") (1943–1944) La Leggenda del Piave ("The Legend of Piave") | |
Kabisera | |
Pinakamalaking lungsod | Rome |
Karaniwang wika | Italian |
Relihiyon | 96% Roman Catholicism (state religion) |
Katawagan | Italian |
Pamahalaan | Unitary Constitutional monarchy
|
King | |
• 1861–1878 | Victor Emmanuel II |
• 1878–1900 | Umberto I |
• 1900–1946 | Victor Emmanuel III |
• 1946 | Umberto II |
Prime Minister | |
• 1861 (first) | Count of Cavour |
• 1922–1943 | Benito Mussolini[a] |
• 1945–1946 (last) | Alcide De Gasperi[b] |
Lehislatura | Parliament (1861–1943) National Council (1945–1946) |
• Mataas na Kapulungan | Senate |
• Mababang Kapulungan |
|
Kasaysayan | |
17 March 1861 | |
3 October 1866 | |
20 September 1870 | |
20 May 1882 | |
26 April 1915 | |
28 October 1922 | |
22 May 1939 | |
27 September 1940 | |
25 July 1943 | |
• Republic | 2 June 1946 |
Lawak | |
1861[1] | 250,320 km2 (96,650 mi kuw) |
1936[1] | 310,190 km2 (119,770 mi kuw) |
Populasyon | |
• 1861[1] | 21,777,334 |
• 1936[1] | 42,993,602 |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 1939 |
• Kabuuan | 151 billion (2.82 trillion in 2019) |
Salapi | Lira (₤) |
Ang Kaharian ng Italya (Italyano: Regno d'Italia, pagbigkas [ˈreɲɲo diˈtaːlja]) ay isang estado na umiiral mula noong Marso 17, 1861—nang ipahayag na Hari ng Italya si Victor Emmanuel II ng Cerdeña—hanggang Hunyo 12, 1946, nang pamunuan ng sibil na deskontento ang isang referendum sa institusyon na talikuran ang monarkiya at buuin ang modernong Italyanong Republika. Ang estado ay itinatag bilang isang resulta ng Pag-iisa ng Italya sa ilalim ng impluwensya ng Kaharian ng Cerdeña na pinangunahan ng Saboya, na maaaring ituring itong estado bilang legal na hinalinhan nito.
Pangkalahatang-ideya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Teritoryo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sinasakop ng Kaharian ng Italya ang lupain na minsa'y nilagpasan ang kasalukuyang Italya. Unti-unting lumawak ang nasasakupan ng Kaharian sa pamamagitan ng pag-iisang Italyano hanggang until 1870. Noong 1919, dumugtong dito ang Trieste at Trentino-Alto Adige/Südtirol. Nangako ang Ententeng Triple na igawad sa Italya – kung sasali ang estado sa mga Alyado ng Unang Digmaang Pandaigdig – ang ilang rehiyon, kabilang ang dating Litoral Austriyako, kanlurang bahagi ng dating Dukado ng Karniyola, Hilagang Dalmasya at kapansin-pansin ang Zara, Šibenik at karamihan ng kapuluuang Dalmasyo (maliban sa Krk at Rab), sang-ayon sa lihim na Kasunduang Londres ng 1915.[2]
Pagkatapos ng pagtanggi ni Pangulo ng Estados Unidos na si Woodrow Wilson na kilalanin ang Kasunduang Londres at pirmahan ang Kasunduan sa Versailles noong 1919, kasama ang Kasunduan sa Rapallo noong 1920, inabandona ang pag-angkin ng Italya sa Hilagang Dalmasya. Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nakuha ng Kaharian ang karagdagang teritoryo sa Slovenia at Dalmasya mula sa Yugoslavia pagkatapos tumiwalag nito noong 1941.[3]
Mga monarko
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga monarko ng Bahay ng Saboya na namuno sa Italya ay ang mga sumusunod:
- Victor Emmanuel II (r. 1861–1878) – huling Hari ng Cerdaña at unang hari ng pinag-isang Italya. Hiniram ang lumang titulong Latin na Pater Patriae ng mga Romanong Emperador, binigyan siya ng epiteto ng mga Italyano: Padre della Patria (o Ama ng Amang Bayan).
- Umberto I (r. 1878–1900) – inaprubahan ang Alyansang Triple kasama ang Alemanya at Austriya-Ungariya, pinaslang noong 1900 ng anarkistang si Gaetano Bresci.
- Victor Emmanuel III (r. 1900–1946) – Hari ng Italya noong Unang Digmaang Pandaigdig at sa panahon ng rehimeng pasista ni Benito Mussolini.
- Umberto II (r. 1946–1946) – ang huling hari ng Italya, na napilitang tumawag ng reperendum na pinalitan ang monarkiyang pangkonstitusyon sa isang republika.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "Italy in 150 years – summary of historical statistics 1861–2011" (PDF) (sa wikang Italyano). Istat. p. 135. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 19 Marso 2016. Nakuha noong 27 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Primary Documents – Treaty of London, 26 April 1915". FirstWorldWar.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Agosto 2017. Nakuha noong 10 Setyembre 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Discussion of Italian claims begins at Paris peace conference – Apr 19, 1919". history.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Setyembre 2017. Nakuha noong 10 Setyembre 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)