Implasyon (presyo)
Sa ekonomika, ang implasyon (Ingles: inflation, lit. 'pamimintog, paglobo') ay pagtaas sa pangkalahatang antas ng presyo ng mga kalakal at serbisyo sa isang ekonomiya.[1][2][3][4] Kung tumataas ang pangkalahatang antas ng presyo, mas kaunti ang maibibili sa bawat yunit ng salapi; dahil dito, katumbas ng implasyon ang pagbawas sa bili-kaya ng pera.[5][6] Deplasyon ang kabaligtaran ng implasyon, ang pagbaba sa pangkalahatang antas ng presyo ng mga kalakal at serbisyo. Ang karaniwang sukatan ng implasyon ay tasa ng implasyon, ang tinaunang pagbabago ng persentahe sa pangkalahatang indeks ng presyo.[7] Dahil nagkakaiba ang antas ng pagtaas ng mga presyo sa mga sambahayan, kadalasang ginagamit ang indeks ng presyong konsumidor (IPK o mas kilala bilang CPI) para sa layuning ito.
Pinagtatalunan ng mga ekonomista ang mga sanhi ng implasyon. Ipinapalagay ng marami ang mababa o katamtamang implasyon dahil sa pagbabagu-bago sa tunay na demand para sa mga kalakal at serbisyo o pagbabago sa mga makukuhang panlaan gaya ng kapag may kakapusan.[8] Nakakaapekto ang katamtamang implasyon sa mga ekonomiya sa mga positibo at negatibong paraan. Kabilang sa mga negatibong epekto ang pagkakataong-gastos ng paghawak ng pera, pag-aalinlangan sa implasyon sa hinaharap, na maaaring madismaya ang mga tao na mamuhunan at mag-ipon, at kung sapat ang bilis ng implasyon, pag-uubos ng mga kalakal dahil nagsisimulang mag-imbak ang mga konsyumer sa ikinaalalang pagtaas ng mga presyo sa hinaharap. Kabilang sa mga positibong epekto ang pagbawas sa kawalang-trabaho dahil sa katibayan ng nominal na sahod,[9] na nagbibigay-kalayaan sa bangko sentral na magsagawa ng patakarang pansalapi, na naghihikayat ng mga pautang at pamumuhunan sa halip na pag-iimbak ng pera, at naiiwasan ang mga inepisyensiyang nauugnay sa deplasyon.
Uri ng Implasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ng pagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay. |
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng maayos na salin. (Enero 2014) |
- Demand Pull
Ito ay nagaganap kapag ang pagnanais ng bawat sektor ng ekonomiya, sambahayan, kompanya o pamahalaan na makabili ng produkto at serbisyo na mas marami sa isusuplay o ipoprodyus ng pamilihan. Ito ang kalagayan na mas labis ang aggregate demand kaysa aggregate supply.
- Cost push
Ang pagtaas ng presyo ng mga gastusing pamproduksiyon ang siyang sanhi ng pagtaas ng presyo ng bilihin. Ang mga sahod ng manggagawa, pagbili ng mga hilaw na materyales at makinarya at paghahangad ng malaking tubo ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng presyo ng bilihin.
- Structural Inflation
Kawalan ng kakayahan ng ilang sektor na malayon ang anumang pagbabago sa lebel at dami ng kabuuang demand ng ekonomiya. Pagtutunggalian ng mga pangkat sa lipunan upang makakuha ng malaking bahagi sa kabuuang kita ng bansa at tunggalian ng wage earners at profit earners.
"Magkano ba ang gastusin mo sa isang araw? Kasya ba ito sa pangangailangan? Dahilan ba ito ng pagtaas ng presyo? "Oo, ito ay dahilan ng pagtaas ng presyo.Bakit nga ba tumataas ang presyo? Sinasabing ang pagtaas ng presyo ay kaakibat ng ating buhay. Suliranin ng kinakaharap ng bansa. May tinatawag na hyperinflation kung saan ang presyo ay tumataas sa bawat oras, araw o linggo ngunit paano ba ito nasusukat?
- Iba't ibang uri ng price index
- GNP deflator o GNP Implecit Price Index
Ito ang price index na ginagamit upang pababain ang current GNP sa constant GNP. Ang GNP deflator naman ay ginagamit upang alamin ang halaga ng GNP batay sa nakaraang taon. Pormula: GNP at constant prices= GNP at current prices deflator
- Whole Sale Price Index Retail Price Index
Nagpapakita at sukatan ng pagbabagong presyo ng final goods,intermediate goods at crude materials sa bilihang whole sale at retail.
- Consumer Price Index(CPI)
Ito ang mas kilalang panukat ng implasyon. Ito ay pagsukat ng average na pagbabago ng presyo ng produkto o bilihing pangkaraniwang kinukonsumo ng mamimili.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ What Is Inflation? [Ano Ang Implasyon?] (sa wikang Ingles), Cleveland Federal Reserve, Hunyo 8, 2023, inarkibo mula sa orihinal noong Marso 30, 2021, nakuha noong Hunyo 8, 2023
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Overview of BLS Statistics on Inflation and Prices : U.S. Bureau of Labor Statistics" [Pangkalahatang-ideya ng Estadistikang BLS ukol sa Implasyon at Mga Presyo : Kawanihan ng Estadistika ng Paggawa sa Estados Unidos] (sa wikang Ingles). Bureau of Labor Statistics. Hunyo 5, 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 10, 2021. Nakuha noong Nobyembre 3, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Nasiha Salwati; David Wessel (Hunyo 28, 2021). "How does the government measure inflation?" [Paano sinusukat ng gobyerno ang implasyon?] (sa wikang Ingles). Brookings Institution. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 15, 2021. Nakuha noong Nobyembre 3, 2021.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Fed – What is inflation and how does the Federal Reserve evaluate changes in the rate of inflation?" [Ang Fed – Ano ang implasyon at paano sinusuri ng Reserba Pederal ang mga pagbabago sa tasa ng implasyon?]. Board of Governors of the Federal Reserve System (sa wikang Ingles). Setyembre 9, 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 17, 2021. Nakuha noong Nobyembre 3, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Why price stability? [Bakit katatagan ng presyo?] (sa wikang Ingles). Naka-arkibo 10-14-2008 sa Wayback Machine., Central Bank of Iceland, Nakuha noong Setyembre 11, 2008.
- ↑ Paul H. Walgenbach, Norman E. Dittrich and Ernest I. Hanson, (1973), Financial Accounting [Pagtutuos sa Pananalapi] (sa wikang Ingles), New York: Harcourt Brace Javonovich, Inc. Page 429. "Ang prinsipyo ng Yunit ng Pagsukat: Ang yunit ng pagsukat sa pagtutuos ay magiging batayang yunit ng pera ng pinakamahalagang pera. Ipinapalagay rin ng prinsipyong ito na matatag ang yunit ng pagsukat; yaon ay, hindi kinokonsiderang sapat na mahalaga ang mga pangkalahatang pagbabago sa pangkalatang kayang-bilhin upang mangailangan ng mga pagsasaayos sa mga saligang pahayag sa pananalapi. (isinalin mula sa wikang Ingles)"
- ↑ Mankiw 2002, pp. 22–32
- ↑ "MZM velocity" [Tulin ng MZM] (sa wikang Ingles). Enero 1959. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 16, 2016. Nakuha noong Setyembre 13, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mankiw 2002, pp. 238–255