Romanisasyong Hepburn

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang sistemang romanisasyong Hepburn (Hapones: ヘボンしきマ字まじ Hebon-shiki Rōmaji) ay ipinangalan kay James Curtis Hepburn, na gumamit nito upang maisalin ang tunog ng wikang Hapones sa alpabetong Latin sa ikatlong edisyon ng kanyang diksyonaryong Hapones-Ingles, na nailimbag noong 1887. Orihinal na iminungkahi ang sistema ng Samahan para sa Romanisasyon ng Alpabetong Hapones (Society for the Romanization of the Japanese Alphabet) (うまかい Rōmajikai) noong 1885. Sunod na inirebisa ang sistemang Hepburn at itinawag itong Shūsei Hebon-shiki Rōmaji (修正しゅうせいヘボンしきマ字まじ). Itong bersyong inirebisa ay noong kinilala bilang Hyōjun-shiki Rōmaji (標準ひょうじゅんしきマ字まじ) (pamantayang estilo).

Ang orihinal at inirebisang uri ng Hepburn ay nananatili bilang paaran ng pagsalin ng Hapones na may pinakamalawak na pagtanggap. Dahil batay sa ponolohiyang Ingles ang Hepburn, karaniwang makakapagbigkas nang mas tumpak sa orihinal ang isang tagapagsalita ng Ingles na walang alam sa Hapones kaysa sa salitang isinalin sa sistemang Kunrei-shiki Rōmaji (sistemang inatas ng Gabinete).

Hapon Ang lathalaing ito na tungkol sa Hapon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.