(Translated by https://www.hiragana.jp/)
C. S. Lewis - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

C. S. Lewis

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
C. S. Lewis
KapanganakanClive Staples Lewis
29 Nobyembre 1898(1898-11-29)
Belfast, Irlanda
Kamatayan22 Nobyembre 1963(1963-11-22) (edad 64)
Oxford, Inglatera
Sagisag-panulatClive Hamilton, N. W. Clerk
TrabahoNobelista, iskolar, tagapagbalita sa radyo
Alma materUniversity College, Oxford
KaurianApolohetikang Kristiyana, pantasya, kathang-isip na salaysaying pang-agham, panitikang pambata
(Mga) kilalang gawaThe Chronicles of Narnia
Mere Christianity
The Allegory of Love
The Screwtape Letters
The Space Trilogy
Till We Have Faces
Surprised by Joy: The Shape of My Early Life
(Mga) asawaJoy Davidman (k. 1956; namatay 1960)
C. S. Lewis

Si Clive Staples Lewis (29 Nobyembre 1898 – 22 Nobyembre 1963) ay isang Briton na nobelista, makata, akademiko, medyebalista, kritikong pampanitikan, sanaysay, teologong pangkaraniwan, tagapagbalita sa radyo, lektor, at apolohetikong Kristiyano. Pinakakilala siya para sa kanyang mga gawang piksyon, lalo na ang The Screwtape Letters, The Chronicles of Narnia, at The Space Trilogy, at para na kanyang mga 'di-piksyon na apolohetikang Kristiyano, tulad ng Mere Christianity, Miracles, at The Problem of Pain.

Si Lewis at kapwa nobelistang si J. R. R. Tolkien ay malapit na magkaibigan. Sila ay parehong nagsilbi sa kaguruan ng Ingles sa Oxford University, at naging aktibo sa impormal na grupo ng pampanitikan sa Oxford na kinilala bilang ang Inklings. Ayon sa talang-gunita ni Lewis na Surprised by Joy, nabautismuhan siya sa Simbahan ng Irlanda, ngunit nahulog mula sa kanyang pananampalataya sa pagbibinata. Bumalik si Lewis sa Anglikanismo sa edad na 32, dahil sa impluwensya ni Tolkien at iba pang mga kaibigan, at naging "karaniwang ordinaryong tao ng Simbahan ng Inglatera".[1]

Nagsulat si Lewis ng mahigit 30 aklat,[2] na naisalin sa mahigit 30 wika at nakapagbenta ng mga milyon na kopya.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Lewis, C. S. (1997) [1952]. Mere Christianity. London: Collins. ISBN 978-0060652920.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Richard B. Cunningham, C. S. Lewis: Defender of the Faith, Wipf and Stock Publishers (2008), p. 14